Kabanata 12 Aylah Tahimik kami habang kumakain ang nagbibigay ingay lang ay tinidor at kutsilyo. Hindi rin ako makakain ng maayos dahil naiilang ako kasama siya. "Eat more, kung titingnan mo lang ang mga pagkain sa mesa ay hindi yan kusang papasok sa bibig mo." Pakialamero, paki ba niya kung hindi ako kakain. Isa pa ay hindi ako sanay sa ganitong pagkain na pagkain ng rich people. Iba rin kasi ang hinahatid ni manang sa akin sa taas na pagkain. He looked at me, and I smiled at him uncomfortably. Muli niyang sinubo ang kinakain niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kabilang niyang pisngi pero baka pag-iisipan niya ako na pakialamera ako. Pero sa isip siya ang pakialamero dahil totoo feeling ko siya ang pakialamero. "Something wrong?" he asked me. Umiling lang

