Kabanata 5
Third Person
Hindi alam ni Aylah kung saan siya dadalhin ng mga mukhang gorilla na tumangay sa kanya. Tinakpan kasi nila ng itim na tela ang mata ni Aylah, tinali din nila ang kamay niya pati ang bibig ni Aylah ay tinakpan nila.
"Kaya pala binili ni bossing ang babae na ito dahil ang ganda pala niya. Ngayon lang ako nakakita parang isang anghel na bumaba sa langit. Siguro masarap din siya kung pwede lang ay tinikman ko na bago natin e-submit kay bossing." Sabi ng lalaki na kalbo.
"Kung mahal mo pa ang buhay ay ang nasa isip mo ay burahin muna. Dahil kapag narinig ng amo natin ang mga pinagsasabi mo ay isang segundo ay tigok na tayo." Saad ng isa.
"Nang marinig ni Aylah ang pinag-uusapan ng mga lalaki ay sobra siyang natatakot. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa at hindi rin niya maigalaw ang kamay dahil mahigpit na tinali ng mga armadong lalaki ang kamay ni Aylah.
"Kung hindi lang ako malalagot kay tinikman ko na ang babae nayan. Mukhang fresh pa. Ilang taon magandang dilag na ito?" tanong ng lalaki na mukhang gorilla.
"Subukan nyo akong hawakan kahit ganito ako ay hinding-hindi ko kayo uurungan. Lalo ka ng mukhang gorilla ka at amoy kang curry powder ang langsa mopa. Ang pangit muna ang sama pa ng ugali mo bwisit ka," Sabi ng isip ni Aylah.
Nang haplusin ng isang lalaki ang makinis na pisngi ni Aylah inuntog ni Aylah ang ulo niya sa babalo ng isang lalaki.
"Ah sh*t kang babae ka!" mura ng lalaki sasampalin sana siya ng lalaki ay hinarangan ng isang lalaki ito.
"Hindi n'yo ba alam kapag may makitang pasa sa katawan ng babae nayan ay sasabog ang bungo natin." Sabi ng isa.
Ilang sandali ay dumating sila sa mansion. Pagpasok nila sa mansion ay matiim na nakatingin ang amo ng dalawang lalaking mahigpit nakahawak sa braso ni Aylah. Nang makita ng dalawang lalaki na umigting ang kamao ng amo nila ay hindi mapalagay ang dalawang lalaki. Dahil kilala nila kung paano magalit ang kanilang boss.
"Both of you stay here, walang gagalaw hangga't hindi ko sinasabi!" Matigas na boses ng lalaki.
Nanginginig sa takot si Aylah ng marinig niya ang baritone na boses ng lalaki. Boses pa lang ng lalaki ay nakakatakot at para bang itatapon ka sa bangin ang boses nito.
Hinila ng lalaki si Aylah at dinala niya sa taas si Aylah. Pinasok niya si Aylah sa malaking silid tinanggal din ng lalaki ang itim na tela sa bibig ni Aylah. Nakahinga ng maluwag si Aylah ng alisin ng lalaki tela sa bibig niya.
"Sino ka? Pakawalan mo ako, anong ang gagawin mo sa akin at walang kang mapapala sa akin."
"Shut up your mouth lady, stop asking me kung ano ang gagawin ko sa'yo dahil kahit anong gawin ko sa'yo ay magagawa ko. Dahil mula ngayon akin ka lang hanggang paa at dulo ng buhok mo ay akin na. Kung ayaw mong gawin ko ang hindi mo magugustuhan sa araw na ito tumahimik ka!" madiin na sabi sa kanya ng lalaki.
Muling nagmakaawa si Aylah sa lalaki ay hindi ito pinansin. Hanggang may tinawagan siya sa kanyang cellphone. Ilang sandali ay may matandang babae na umakyat. Sinabihan niya ang babae na tanggalin ang tali sa kamay ni Aylah.
Nilingon ng lalaki si Aylah umiiyak at nanginginig sa takot ang dalaga. Nang mapako ang mata ng lalaki sa manipis at hugis puso na labi ni Aylah ay napalunok siya ang binata at hindi niya agad inalis ang mata niya sa labi ni Aylah. Hindi niya maalis ang mata sa labi ni Aylah lalo ng dilaan ni Aylah ang labi niya.
Bago niya sinarado ang pintuan ay sinabihan niya si Aylah na huwag gumawa ng kahit anong ingay. Paglabas ng binata sa kwarto ay ginawa ng babae ang utos ng kanyang amo. Dahan-dahan niyang inalis ang itim na tela sa nakatakip sa mata ni Aylah.
Dahan-dahan minulat ni Aylah ang kanyang mga mata. Then she rub her eyes dahil dulim ang kanyang paningin. Bigla siyang napaurong ng makita niya ang babaeng kasing edad ng kanyang Tita Angel.
"Sino ka? Nasaan ako?" tanong ni Aylah sa babae.
"Nandito ka sa mansion ni boss. Lalabas na ako maya-maya ay may maghahatid ng pagkain mo dito at kung gusto mong maligo lahat ng mga kailangan mo ay nasa loob ng cabinet. Bukas na bukas ay binilhan pa kita ng mga bago mong damit. Hindi ko kasi alam ang size mo. Ang mga damit sa cabinet ay siguro ay maluwag sayo. Habang wala ka pang bagong damit ay pagtiyagaan mo muna." Sabi ng babae at lumabas ng walang paalam.
Hindi rin naitanong ni Aylah ang pangalan ng babae dahil nagmamadali na lumabas at ni-lock niya ang pinto para hindi makalabas si Axlyat.
Nang marinig ni Aylah ang pagkandado ng babae sa doorknob ay tumayo siya. Tinungo niya ang pintuan.
"Palabasin n'yo ako rito! Ano ang kailangan n'yo sa akin, parang awa nyo na." Pagmamakaawa ni Aylah.
Hindi rin namalayan ni Aylah na tumulo na pala ang mga masagana niyang luha sa kanyang pisngi. Muli siyang sumigaw para humingi ng tulong pero walang siyang naririnig na ingay. Ilang beses siyang sumigaw sa loob ng kwarto sinipa pa ni Aylah ang pinto. Umiiyak at umupo sa sahig at dahan-dahan niyang pinahid ang mga luha niya sa kanyang pisngi na pumatak.
Tumayo si Aylah ngayon lang niya napansin na hindi ordinaryong kwarto lang kung saan siya ng lalaki. lumaki ang mga mata ni Aylah dahil tila isang kwarto ng reyna ang kwarto. Inikot-ikot ni Aylah ang kanyang mga mata. Ang lawak ng loob kwarto at may isang malaking aquarium sa nakita at may iba't-ibang uri ng makulay na mga isda. Kung ganito kaganda na kwarto ay wala ka nang mahihiling pa dahil kumpleto sa mga gamit ang loob. Ang crystal na chandelier ay parang diamond na kumikinang-kinang ito.
Walang salitang lumabas sa bibig ni Aylah ng makita niya ang loob ng kwarto. Pero para kay Aylah maganda at malaki ang kwarto pakiramdam ni Aylah may something sa kwarto na ito. Para bang punong-puno ng kalungkutan.
Binuksan niya ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Pagbukas niya ng bintana ay may naririnig siyang sigawan sa baba. Binaba niya ang mga mata sa labas ay kahit anino ay wala siyang nakikita.
Nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril napasigaw siya at takot niyang sinarado ang bintana. Hindi alam ni Aylah ang gagawin at nag-init ang kanyang magkabilang pisngi. Umupo siya at yakap-yakap niya ang tuhod na nanginginig. Kapag kasi nakakarinig ng putok ng baril si Aylah nawawala siya sa kanyang sarili dahil bumabalik sa isip niya ang trahedyang nasaksihan ng kanyang mga mata.
"Sorry boss, biro lang po namin iyon kay Aylah. Kahit tanungin nyo po siya ay hindi po namin siya sinaktan. Parang awa nyo na po boss may mga anak po ako," pagmamakaawa ng lalaki sa kanyang amo.
"Hindi ba ang utos ko sa inyo na dalhin n'yo siya sa akin ng maayos. Sinabihan ko ba kayo na may karapatan kayong bastusin si Aylah!" galit na sigaw ng lalaki sa kanyang tauhan.
Hindi kasi alam ng mga tauhan ni Dominico na may nakatagong camera sa loob ng sasakyan. Kaya lahat ng ginawa at sinabi ng tauhan niya nakikita na walang labis at walang kulang. Malakas na sinuntok ni Dominico ang bibig ng lalaki.
Dahil iyan sa mga pinagsasabi mo kay Aylah sa loob ng sasakyan. Kinuha ni Dominico ang baril niya sa kanyang likuran tinutok niya isa-isa sa ulo ng apat ng lalaki. Nagulat pa ang mga tauhan niya ng malaman nilang may hide camera pala sa loob ng sasakyan. Binaril ni Dominico sa paa ang lalaking nagsabi kay Aylah na gusto niyang tikman si Aylah.
Pagkalipas ng ilang oras ay umakyat si Dominico sa taas. Bago siya pumasok sa sarili niyang kwarto ay hinakbang niya muna ang silid na isa kung saan niya nilagay si Aylah. Bubuksan sana niya ang doorknob ay nakita niyang lumabas ang isa niyang tagapangasiwa sa mansion.
"Sorry po sir ilang beses ko pong sinabihan si Aylah na kumain hindi niya po ginagalaw ang kanyang pagkain. Malamig na po ang pagkain niya sa tray isa pa po sir nawalan din po siya ng boses."
Yumuko ang babae sa harap ng amo dahil natatakot siya na magalit ang amo. Sinabihan kasi ng amo niya pagkainin ng maayos si Aylah. Hindi rin tumuloy si Dominico na pumasok sa kwarto.
"Sabihin mo sa amo mo kung sino man ang amo ay harapin niya ako. Dahil hindi ako natatakot sa matandang kurimaw na amo nyo!" padabog-dabog na sabi ni Aylah kahit sa totoo ay nilalakasan lang niya ang kanyang loob.
Kunot-noo nakikinig si Dominico sa mga pinagsasabi ni Aylah na kung ano-ano sa kanya. Ang hindi matanggap ni Dominico na tinawag siyang matandang kurimaw ni Aylah.
Papasok na sana si Dominico ay biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa ng jeans niya. Bago niya sinagot tawag ay sinilip niya ang dalaga na nakatingin sa tray na may mga pagkain na laman para sa kanya.