Kabanata 8
AYLAH
PAGKATAPOS kung kumain ay niligpit ko ang aking pinagkainan. Hindi ko rin naubos kainin ang dinala ni manang sa akin na mga pagkain. I prefer na mas gusto kung kainin ang mga prutas. Dahil hindi gusto ang lasa ng pagkain baka naninibago ako sa ganitong klaseng almusal dahil hindi katulad ng kinakain namin.
Parang hindi Pilipino ang lalaking bumili sa akin ng makita ko siya. Biglang nandinig ang mga balahibo ko ng sumagi sa mukha ang itsura ng matandang lalaki na kita. Tumayo at sinilip ko kung may tao pa sa labas. Pagsilip ko ay tanging mga armadong lalaki ang nasa labas. Hindi ko rin nakita ang mga taong dinala ako dito.
Hanggang sa bumukas ang pinto nilingon ko si manang ulit at si Sabrina ang kasama niya. May paper bag na bitbit si Sabrina. Galit na tinapon sa ibabaw ng kama ito hindi ko alam bakit may something sa bruha na ito. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero parang itatakwil na ako sa galit niya sa akin.
Bahala siya sa buhay niya kung siya ang iisipin ko ay wasting time lang. Much better na si manang ang kukulitin ko para makatakas ako. Napansin ko rin kay manang everytime na pumasok siya sa silid na ito ay hindi ko siya nakikita na may dala na mobile.
"Yan ang isusuot mo, you 20 minutes, para ayusin mo ang sarili mo!" matigas na boses na utos ni Sabrina sa akin.
"Kung naiirita ka sa akin dito, mas naiirita ako."
Magsasalita sana si Sabrina ay pinigilan siya ni Manang. Malayong-malayo siya sa ugali ni Manang.
"Manang, Sabrina pinapatawag kayo ni boss." Tila nagulat si manang at Sabrina sa sinabi ng lalaki.
Lumabas silang dalawa at muli na naman nila kinandado ang pintuan. Minsan naitanong ko sa sarili ko na bakit ni minsan sa buhay ko ay wala naman akong ginagawa na masama sa kapwa ko? Pero bakit lagi nalang ganito ang nangyari sa buhay ko. Wala ba akong karapatan na sumaya at magkaroon ng peace of mind.
Sadyang malas lang talaga ako sa mundo na ito. Kung pwede lang sana pwedeng lumipat ng planeta.
"Ahhh!" inis na sigaw ko.
Tiningnan ko ang paper bag hanggang sa nilabas ko ang laman ng paper bag. Isang magarang dress ito. Alam ko isang mamahalin na dress ito dahil isang buwan akong nagtatrabaho sa sikat na boutique ni ma'am Jasmine sa Bulacan.
Kaya naman pala galit na galit na tinapon ni Sabrina ito dahil nakita niya siguro ang long dress na ito na kulay pula. Kung gusto niya siya ang magsuot nito dahil hinding-hindi ko iyan susuotin sa harapan ng matandang lalaki na yun.
Kakausapin lang ako ay kailangan pang nakasuot ako ng magarang damit. Baka may plano siya sa akin. Ano siya sinuswerte siya subukan lang niya akong hawakan dahil kahit ikamamatay ko pa ay hinding-hindi mangyayari kung ano ang nasa kokote ng matanda na'yun.
Top lang ang pinalitan ko sa suot ko. Jeans ko pa rin ang suot ko. Nilagay ko ng sikreto sa loob ng bulsa jeans ang nail cutter, incase na may gagawin siya sa akin ay may self-defense ako. Humarap ako sa salamin at inayos ko ang buhok ko at itsura ko. Hindi rin ako naglagay ng kahit anong kolirat sa mukha ko. I took a long deep breath.
Kaya ko ito, ayokong manghina at kung kinakailangan ay hindi ko ipapakita na mahina ako. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito.
"Hija hinintay ka ni boss sa kanyang kwarto. Naku hija bakit hindi mo sinuot ang binili sa'yo ni boss na dress. Bakit ganyan ang ayos mo?" Sunod-sunod na tanong ni manang.
Tila nandiri ako sa dress, I smirked. Pakialam ko kung hindi ko ito susuotin ang binili niya dressed. Bigla rin akong kinikilabutan kapag isusuot ko. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni manang. Hanggang sa niyaya ko siya kung saan ang kwarto ng matandang lalaki na'yun.
Nang malapit na kami ni manang sa kwarto ng lalaking bumili sa akin ay biglang kumakabog ang dibdib ko. Huminto ako sa paglalakad nahawakan ko ng mahigpit ang kamay ni manang. Nakaramdam din ako ng kaba. Kung pwede lang ay umurong na ako.
"Manang parang awa n'yo na po tulungan n'yo ako makatakas sa mansion na ito." Naiiyak kung pakiusap kay manang.
"Hindi pwede hija." Sagot ni manang sa akin.
Nakita ni manang na tumulo ang butil-butil na luha ko sa aking pisngi. Kahit anong pakiusap ko kay manang ay umiling lang siya sa akin. Hanggang sa naintindihan ko rin ang situation ni manang. Baka isa rin siya na takot sa taong bumili sa akin.
"Huwag mag-alala hija. Sundin mo lang lahat ng mga patakaran ni Dominico."
Hindi ko pa naibuka ang bibig ko ay bumukas ang malaking pinto. Dalawang lalaki ang lumabas at niluwagan nila ang pintuan para malaya akong makapasok sa loob. Akala ko ay papasok din si manang sa loob, dahan-dahan kung inangat ang paa ko. Nang nasa loob na ako nagulat ako ng isarado nila ang pintuan. Nilakasan ko ang aking loob at muli akong huminga ng malalim.
I rolled my eyes sa loob ng malaking kwarto. Sobrang laki ng loob ng kwarto at ang gamit ay parang gamit ng walang asawa ang kagamitan. Niyakap ko ang sarili ko ng nararamdaman ko ang lamig ng aircon. Hanggang sa nasagip ng mata ko may taong nakaupo sa swivel chair. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tumikhim siya at kinagulat ko iyon, pakiramdam ko ay may mangyari ng hindi maganda. Parang sasabog ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Hindi ko maigalaw ang paa ko parang magnet ito na dumikit sa sahig. Palinga-linga ako na parang bata na hindi ko maintindihan ang susunod na gagawin ko. Kinakabahan din ako.
"Alam mo isa sa pinaka-ayaw ko ang pinag-hihintay ako!" madiin niyang sabi.
Mas naguguluhan ang isip ko dahil parang familiar ang boses niya sa akin. Ngayon ko rin napagtanto na pati ang amoy ng kwarto ay familiar sa ilong ko.
"Come here!" ma-awtoridad na utos niya sa akin. Boses pa lang niya ay nakakatakot tila papatayin ka sa baritono na boses niya.
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanyang kinaroroonan. Pinipisil ko ang palad ko sa takot at nag-umpisa na naman manginig ang tuhod ko.
"Be strong self, huwag mong ipakita sa taong ito na natatakot ka. Dahil kung makikita niya sayo na mahina ka ay lalo niyang gawin ang gusto niya sayo," sabi ng isip ko.
Nang dahan-dahan niyang inikot ang leather swivel chair niya ay yumuko ako.
"Look at me, lady," he said.
Hindi ako kumibo sa kanya dahil I feel frozen. Hindi ko siya kayang tingnan kanina ay kinausap ko ang sarili ko na maging matapang ako sa harapan niya. Sadyang mahina lang ako sa ganitong bagay. Dahil hanggang ngayon ay binabangongot pa rin ng aking nakaraan.
Nang pailawin niya ang mga ilaw pati ang malaking chandelier ay inangat ko ang mukha ko. Hindi ko na siya nakita sa kinaroroonan niya. Hanggang sa nagulat ako ng may biglang humapit sa baywang ko. Sa gulat ko ay napasigaw ako ng butiki at kabayo.
I don't know kung saan galing ang lakas ko ng alisin ko ang malaking kamay niya sa baywang ko. For the first time na may mahigpit na humapit sa baywang ko.
"Bitawan mo ako," sabi ko.
Nang makita ko siya na seryosong nakatayo at matalim ang mga matang nakatitig sa akin. Napaawang ang labi ko at hindi ko maikurap ang mga mata ko sa lalaking kaharap ko. Titig na titig ako sa kanyang itsura kayumanggi ang kulay ng balat, matangos ang ilong. Ang kulay ng kanyang mga mata naghalo ang dark brown and maroon. Matangkad and he has a muscular body. Parang isang Greek God ito sa harap ko nakakatunaw kung paano ka niya titigan. I think 35 or 36 years old siya.
Ibig sabihin ay binata siya at hindi ang matandang lalaki na'yun ang bumili sa akin ng sampung milyong piso?
"Anong kailangan mo sa akin? Please pakawalan muna ako."
"Papakawalan, alam mo ba ang mga sinasabi mo sa akin lady? Malaking halaga ng pera ang binigay ko sa Tito mo. Tapos basta-basta mo lang sasabihin sa akin na papakawalan kita. Huwag na huwag mo iyan itatak sa isip mo na makakalaya ka sa akin dahil hinding-hindi mangyayari iyan. Pati ang kaluluwa mo ay akin. Kahit anong gawin ko sa'yo ay may karapatan akong gawin. Tandaan mo walang sinuman ang pwedeng humadlang sa kagustuhan ko."
"Parang awa muna," sabi ko ulit.
"Stop pleading with me, because I have no mercy. Kapag sinabi ko iyon ang gagawin mo. Lahat ng galaw mo dito sa mansion ay kontrolado bawat kilos mo ay kailangan kong malaman lahat lahat. Ayokong nakikita kitang may may kausap sa mga tauhan ko sa mansion na ito. No call. Kung ano ang rules ko iyon ang masusunod."
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ibig sabihin ay habang buhay ako sa kanyang mga kamay. Umiling-iling ako at umurong ako ng makita ko na papalapit siya sa akin.
"Anong gagawin mo sa akin?" tanong ko.
Hinaplos niya ang mukha ko nakikiliti ako sa paghaplos niya sa pisngi ko. Ang mainit niya na hininga ay tumatama sa mukha ko amoy na amoy ko ang masculine scent niya. Hanggang sa hinawakan niya braso ko ang isa niyang kamay sa likod ko. Napalunok ako at nanginginig ang dalawang tuhod ko.
"Aylah, Aylah. Ayokong matigas ang ulo, bakit hindi mo sinuot ang damit na bigay ko?" madiin niyang tanong.
"K–kasi…" hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang sinakop ng labi niya ang labi ko.
Hindi ko binuka ang bibig at nagmatigsan ako sa kanya. Nang hindi ako tumugon sa halik niya ay pinisil niya ng malakas ang pwet ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya sa akin. Sa mata ng buhay ko ay ngayon lang may humawak sa pwet ko at humalik sa akin. Hindi ko na pigilan na tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi.
Ilang sandali ay kinalas niya ang yakap sa akin at huminto din siya sa kakahalik sa akin.
"Stay here and don't move," he said.
Hanggang sa may tinawag siya na kunin ang dress na binili niya sa akin. Agad naman sumang-ayon ang taong inutusan niya at binalikan niya ako na tahimik na nakatayo.
"Remove your clothes."
"Ayoko, kahit papatayin mo pa ako ay hinding-hindi kong gagawin ang utos mo sa akin. Pakawalan mo ako sabi. At sino ka para tratuhin ng ganyan sa bagay ay wala ka naman puso na marunong maawa sa kapwa mo." Umigting ang panga niya sa sinabi ko.
"Aylah Navarro!" matigas na bigkas niya sa pangalan ko.
"Oo ako si Aylah, pero ikaw sino ka?" tanong ko kahit punong-puno na ako sa takot. Pakiramdam ko bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay parang haharap ako sa kamatayan.
Sa totoo lang ay hindi ko pa rin klaro kung sino ba siya. Hindi ko rin alam ang buong pangalan niya. Hanggang sa sinabi niya sa akin bigla ang totoo niyang pangalan na siya si Dominico Douglas Jr. Tama rin ang sabi ni manang Dominico ang pangalan niya.
"Kung ayaw mo na ako ang maghubad sa mga suot mo ay gawin mo ang sinasabi ko. Kung ayaw mo na may mangyaring masama sa mga pinsan mo lalo na si Carmina ay do it whatever what I want."
"Hayop ka," mura ko.
"Isa pang salita Aylah," sabi niya sa akin.
Natataranta ako kahit anong e-defense ko sa aking sarili ay hindi rin ako makalusot sa kanya. Natakot ako na may gawin siya sa mga pinsan ko lalo na si Carmina. Tila nababasa niya ang isip ko.
"Time is moving," he said.
I don't have a choice of kundi hubarin ko sa harap niya ang suot ko. Tiningnan niya ako sa ginagawa ko. Wala rin siyang balak naiwan ako habang hinihubad ko ang damit ko. Nang matanggal ko ang t-shirt ko ay nakatingin siya sa dibdib ko. Mabilis akong tumalikod sa kanya. Kakaiba ang titig ng mata niya sa dalawang dibdib ko. Hanggang sa mabilis niyang binuksan ang pinto para kunin niya ang damit na ipapalit ko sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapasuot ng magarang damit.