Kabanata 78 AYLAH Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Kaya naman pala iba ang nararamdaman ko kanina at hindi ako namamalikmata dahil siya nga. Hinawakan ko ng maayos si Light dahil lalong lumalakas ang kanyang pag-iyak. "Stop the car Dom ako na ang magmaneho baka tama ka na si Daddy ang hinahanap ni baby girl," sabi ng lalaki nilingon niya ako. He smiled at me. Siya yata ang may ari ng bar namim dati sa Italy. "Daddy's is coming baby," sabi ni Dominico na punong-puno energy ang boses. Pagbaba niya ng driver seat ay mabilis niyang binuksan ang pintuan ng backseat. Tiningnan niya lang ako at kinuha niya sa akin ang anak namin na umiiyak. For the first time na ganito ang anak ko na walang tigil sa kaka-iiyak. Nanginginig pa ang kamay ni Dominico ng kunin niya si Light sa akin

