Kabanata 34 Dominico Jr "Bossing kanina pang tumatawag si Aylah, baka nag-alala na'yun sa'yo." "Ikaw na ang bahala gumawa ng rason dahil I switch off my phone. Kailangan pagbayaran ang mga gumawa nito sa akin. Hinding-hindi ko sila titigilan hangga't hindi ko sila napapatay ng kamay ko." Pumasok kami ni Morgan sa loob ng madilim na storage kung saan nila dinala ang taong nagtatrabaho sa likod ko. Nang nasa loob na kami ay pinailaw nila ang mga ilaw. Dumilim ang mata kung sino ang taong kumukuha ng impormasyon tungkol sa akin. Ang isa sa driver ko na matagal ko nang pinagkakatiwalaan. "Mang Ramon?" Sambit ko. Hindi siya makapagsalita dahil tinakpan nila itim na tela ang bibig niya. Nilingon ko si Morgan dahil hindi rin ako makapaniwala na si Mang Ramon at asawa pa ni Manang. Sila a

