Kabanata 46 AYLAH Nang nasa harapan na kami mansion ay hindi agad akong pumasok. Kinalas ko ang kamay ko sa kamay ni Dominico. Nabigla siya sa ginawa ko at tiningnan ko siya. "Anong meron sa inyo ni Sabrina? Nandito ba siya ngayon sa mansion?" Sunod-sunod na tanong ko. "No, she's not here, bakit ko naman siya papayag na tumira siya dito. Kung may iniisip ka na merong namamagitan sa amin that's a big NO! Ni minsan hindi ko siya pinatulan at kahit kusing wala namamagitan sa amin. Hindi siya ang babaeng tipo ko.Kung nakita mo na ako ang naghatid sa kanya sa hospital hindi dahil sa may namamagitan sa amin or something. Balak niyang magsinungaling sa akin gusto nyang ipaako na ako ang ama ng dinadala niya. Pero hindi niya ako naisahan dahil alam ko na hindi ako ama ng nasa sinapupunan niya.

