Kabanata 19 AYLAH "Sabrina dala mo ba lahat ng pina-order ni Dominico?" tanong ni manang sa pamangkin niya na feeling maganda. Kung tutuusin ay wala siya sa kalingkitan ko. Hindi naman sa nagmamayabang ako ay lahat ng nakakita sa akin ay nagagandahan sila sa taglay kung ganda. Sabagay kamag may lahi tayo na ibange lahi gumaganda tayo. Charoot lang, alam ko kasi si Papa ay may lahi siya banyaga pero. Isa pa ay maganda naman talaga si Mama at sa kanya ko rin na mana kung anong taglay ko na ganda. Binigay ni Sabrina kay manang ang box na hawak niya. Aalis na sana ako ay maarteng tinawag ni Sabrina ang pangalan ko. Nilingon ko siya, at tiningnan niya ako taas baba. Hanggang sa napako ang mata niya sa leeg ko kumunot ang noo ko sa kanya dahil kakaiba ang tingin niya sa akin. "Sabrina kung

