Kabanata 75 DOMINICO JR POV Hindi ko na hinintay si Margaret at iniwan ko ang susi ng apartment ko sa reception ng apartment kung hindi si Margaret ang kukuha ng susi ng unit ko ay huwag nilang ibigay. Tinawagan ko si Margan na on the way na ako. Parang eroplano kung pinatakbo ang sasakyan ko. Nang may mapansin akong puting sasakyan na sumusunod sa akin ay tinawagan ko ang isa sa tauhan ko na bigyan nila ako ng isang sasakyan dahil may sumusunod sa akin sinabi kung saan nila akong hinihintay. Dahil ayaw ko may makaalam kung saan ang hiding house namin. Tiningnan ko ulit ang sasakyan kaya ang ginawa ko ay lumiko ako sa kaliwa para mahirap siyang makita ako. Tinawagan ko si Margaret kailangan niyang bilisan dahil walang kasama si Aylah sa apartment. May mga tauhan naman ako sa labas ng

