Kabanata 70 AYLAH Sa mga nakaraang araw ay naging busy ako sa opisina. Minsan ay pinapasama ako ni Kuya kung may mga meeting maliban na lang sa business trip dahil ayokong iwan ang anak ko. Pagdating ko ng opisina ko ay si Casey agad ang sumalubong sa akin. "Ate, good morning." "Good morning too Aylah. May mga bulaklak pala na dumating nilagay namin lahat sa loob ng opisina mo." Sabi ni ate Casey. "Kaninong galing?" umiling lang si ate Casey. Pagpasok ko sa loob ng opisina ko ay parang naging flower shop na ang loob ng opisina ko. Ini isa-isa kung tingnan at amoyin ang mga bulaklak. Hanggang sa may nakita akong pink na card sa kinuha ko qt binasa ko ang nakasulat. Good morning my gorgeous wife, have a wonderful day ahead of you sending kisses and hugs. I love you so much. Dominic

