Kabanata 3

1688 Words
Kabanata 3 Aylah Ilang araw ang lumipas hindi na rin nagparamdam pa ulit sa akin ang lalaking naniningkil kay Tito. Gusto ko sana siyang tanungin kung kumusta na ang nautangan niya ng sampung million pero kung tatanungin ko ay hindi rin sapat ang ipon ko para makatulong sa kanya. Araw ng Sabado ngayon lahat ng mga tao ay busy dahil may malaking handaan dito sa barangay namin. Twice a year kasi ang si Mayor Manzano ay naghahanda siya ng libre sa barangay namin. Dito kasi siya lumaki sa hirap at maraming humahanga sa kan'ya dahil hindi siya nakakalimot ng pinanggalingan. "Halika dito, maraming mga gwapo doon sa cottage na malapit sa cottage ni Mayor." Sabay hila ni Mila ng kamay ko. "Ano naman kung may nga gwapo," sabi ko. "Tingnan lang natin malay natin may natipuhan tayo e-di, alam muna." "Hindi kita maintindihan Mila nakaraang araw gusto mo akong ipagtulakan sa kuya mo ngayon naman gusto mo na may matipuan tayo sa mga gwapo na pinagsasabi mo." "Ngayon lang naman ito Aylah, sige na sisilipin lang natin sila. Minsan lang naman ito e," nakangiting sabi sa akin ni Mila. Umiling-iling lang ako dahil hindi talaga siya nabubusog ng pogi. E, sa restaurant kung saan kami nagtatrabaho ay gabi-gabi ay may mga gwapo na mga mayayaman na bachelor. Dahil sa makulit siya ay sinamahan ko na siya. Gabi naman at hindi rin kami mahahalata na sinisilip namin ang mga bisita ata ni Mayor ang mga gwapo. Sabagay ay bata pa naman si Mayor 37; years old, not bad matipuno ang katawan at syempre ay pasado sa lasa ko. No one knows na crush ko si Mayor. Wala akong pinagsasabihan na may lihim ako ng pagtingin kay Mayor. Hindi mapakali si Mila ng makita niya ang lalaking kanina pa niyang gustong makita. Nang makita ko si Mayor ay biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko inalis ang mata ko sa kanya habang nag-entertain sa mga ibang tao. Kami ng kaibigan ko ay nag kanya-kanya na kami na imagination. Nang may lumapit kay Mayor na sexy na babae at mukhang mestisa ay kumirot ang puso ko. Nasaktan ako sa nakikita ko ng hapitin ni Mayor ang baywang ng babae. Hindi ko natiis ang lambingan ilang dalawa dahil pakiramdam ko ay nagseselos ako ng walang dahilan. Alam ko na hanggang crush lang ako kay Mayor Manzo hanggang doon lang iyon. Pakiramdam ko ay si Mayor my first heartbreak dahil siya lang naman ang lalaking iniibig ko ng palihim. Niyaya ko si Mila na umalis na dahil mas lalo akong nasasaktan sa nakikita ko. Nang mapansin ni Mila na nawala sa itsura ang exciting ay tinanong niya ako kung may hindi ba ako na nagustuhan. Umiling lang ako sa kanya dahil sa totoo lang parang binayak ang puso ko. Hanggang sa pumayag siya lumipat kami ng pwesto. Umupo kami sa navi-video okay. Mas lalong umiyak ang puso ko sa kantang ikakasal kana by Jessa Zaragoza. Nakita ko rin ang mga pinsan ko na nagka-kasiyahan kasama ang kanilang mga kaibigan. Hanggang sa may nasagip ng aking mata na lalaking nakatayo na nakatingin sa akin. Hindi ko nakikita ang mukha dahil medyo may kadiliman ang kinatatayuan niya. Nakaramdam ako ng takot dahil ang pumasok agad sa isip ko ay lalaki na tinutukan ako ng baril sa ulo. Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpawisan ako ng malagkit na pawis. "Aylah, anong nangyayari sayo bakit nanginginig ka hindi naman malamig ang panahon?" tanong sa akin ni Mila. "Umuwi na tayo Mila," nanginginig na boses ko. "Teka, tawagin ko muna si Kuya para siya na ang maghatid sa ating pauwi." Tumango ako. Nang tingnan ko ang lalaki ay wala na siya roon sa kanyang kinaroroonan. Inikot-ikot ko ang aking mga mata baka nasa tabi-tabi lang siya na nagmamasid sa akin. Nang pauwe na kami ay ang Kuya ni Mila nag-aalala siya sa akin dahil tahimik lang ako na malayo ang iniisip. Pakiramdam ko ay wala na akong karapatan sumaya sa mundo na ito. Ang hirap kapag wala kang magulang at lumaki ka na hindi kapa belong sa kanilang pamilya. Pagdating namin sa bahay pumasok ako agad at sinarado ko ang pinto. At sumilip din ako sa bintana ng kwarto ko kung may tao ba na sumusunod sa akin. Muntik pa ako mapasigaw na tumunog ang phone ko. One message from Marvin kuya ni Mila. Ang laman ng message niya kung may kailangan daw ako ay agad-agad ko raw siya natawagan. Napangiti ako dahil kung sino pa ang hindi ko kadugo sila pa may malasakit sa akin. I feel sad din minsan kay Marvin dahil ilang beses na rin siyang nagpaalam na ligawan ako pero ilang beses ko narin siyang binasted. Pagkalipas ng ilang minuto ay humiga na ako sa ibabaw ng aking kama. Paghiga ko ay may naririnig ako na nag-uusap sa sala. Bumangon ako at tumayo ako sa malapit sa pintuan. Pinakinggan ko mabuti kung sino ang nag-uusap sa sala ng makilala ko boses ni Tito Romeo ay nakahinga ako ng maluwag. "Pare, wala kang ibang choice para mabayaran mo ang sampung million piso kundi…" Hindi natuloy ng kausap ni Tito ang lalaki dahil narinig kung pinatahimik siya ni Tito. Hanggang sa wala na akong naririnig na nag-uusap sa labas. Ano kaya ang pinag-uusapan nila na tungkol sa sampung million piso na walang choice si Tito Romeo. Hindi ako malagay sa narinig ko, dahil may kutob ako na hindi maganda. Kinabukasan ay as usual maaga akong nagising bago ako naligo ay ginawa ko muna ang everyday routine ko sa bahay. Ilang sandali pagkatapos kung maligo ay lumabas ako at nagdidilig ako ng mga halaman sa garden namin. Nagulat ako ng makita ko si Tito na bumaba sa magarang sasakyan na kulay itim. Ibig sabihin ay hindi rito natulog si Tito kagabi? Pagbaba niya ng sasakyan ay masaya siyang nakipag-kamay sa lalaki na may bitbit si Tito na maliit na bag. Patango-tango siya sa kausap na lalaki. Ginawa ko ay tinuloy ko ang ginagawa ko. "Aylah!" malakas na sigaw ni Tita Angel sa akin. Nakita ko siyang lumapit sa akin tila susugurin ako. Pinatay ko ang gripo ng papalapit si Tita sa akin. "Tita, may mali naman ba ako na nagawa?" tanong kahit alam ko sa sarili ko nawala akong nagawa na mali. Hindi ba sinabihan kita kahapon na palitan mo ang bedsheets ng mga pinsan mo. Bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinalitan. Mas inuuna mo pa ang paglalandian kaysa trabaho mo rito sa bahay. Walang kwentang babae ka kailan ka pa mawawala sa buhay namin. Malandi kang babae!" malakas na sigaw ni Tita Angel sa akin. Pagtitinginan kami ng mga kapitbahay namin. Nakita kong nag bulong-bulungan ang ibang nakarinig sa mga sinasabi ni Tita sa akin. "Tita nakalimutan ko lang palitan kahapon dahil pinalinis nyo po sa akin ang pwesto mo." Sinampal niya ako bigla sa pagsagot ko sa kanya. Kaliwa't kanan niya ako sinampal. "Aba, sumasagot kana wala kang utang na loob." Hinila niya ang buhok ko. "Tita nasasaktan po ako," naiiyak na sabi ko. Nang makita ng kaibigan ko na si Mila ay tumakbo na tinulungan ako. Inawat niya ang kamay ni Tita. Nang sobra na akong nasasaktan at naawa na ako sa aking sarili. Hanggang sa kinalas ko ang kamay niya sa buhok ko at malakas ko siyang tinulak hindi ko alam na nakaya ko siyang itulak. "Angel!" galit na sigaw ni Tito. Nakita niya siguro ang ginawa sa akin ng asawa niya. Nakaramdam ako ng hapdi sa magkabilang pisngi ko hinawakan ako ni Tito sa braso ko pero hinila ako ni Mila. "Pasensya na po Tito, sobra-sobra na ang ginagawa n'yo sa kaibigan ko. Hindi niya deserve na iganito n'yo siya." Pagtatanggol sa akin ni Mila. Magsasalita sana si Tita ay sinigawan siya ni Tito. Pumasok ako sa loob kasama ko si Mila para gamutin ang sugat ko sa aking pisngi. Muli na naman niya ako pinagalitan dahil kailan pa raw ako aalis sa bahay na'to. Nang marinig kung nag-aaway na naman sila Tito ay niyaya ko si Mila na lumabas at sa kanila muna ako pansamantala. Mabilis lumipas ang oras bumalik na rin ako sa bahay. Sinalubong ako ni Tito, humingi siya ng paumanhin sa ginawa na sakin ni Tita. Lumapit naman sa akin ang dalawang pinsan ko at si Carmina. "Ate, pagpasensyahan muna si Mama. Mainit lang kasi ang ulo niya kanina dahil sa utang ni Papa. Kaya ikaw ang kanyang pinagbuntungan ng kanyang galit." Hindi ako sumagot at pumasok ako sa kwarto ko. Sinarado ko ang pintuan at kinuha ko ang aking alkansya binilang ko kung magkano na ang naipon ko. "Konting tiis na lang ay makakaalis din ako rito," sabi ng isip ko. Nagkulong lang ako sa aking kwarto at hindi ko rin namalayan na gabi na pala at nakatulugan ko ang pag-iisip. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko para kumain ng hapunan kung may tinira pa sila sa akin na makain. Paghakbang pa lang ako ay narinig kung nag-uusap si Tita at Tito. Lumaki ang mata na may tambak na pera sa ibabaw ng mesa. "Mababayaran na natin ang mga utang na'tin," masayang sabi ni Tita. Parang mahuhulog na ang mata ni Tita sa pera na hinawakan niya. Saan kaya nakakuha ng ganyan karami na pera si Tito? "Sino ang bumili kay Aylah sobra naman siya na interesado sa pamangkin mo dahil sampung million ang halaga nya Tapos may bonus ka pa na limang million gaano ba kayaman ang binentahan mo kay Aylah?" sunud-sunod na tanong ni Tita. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo," mahinang sabi ni Tito. Habang nakikinig ako sa usapan nila ay walang tigil ang hikbi parang umuulan ang mga luha ko na pumapatak sa aking pisngi. Akala ko ay si Tito ang nag-iisang kakampi ko but I was wrong dahil siya rin pala ang sisira ng buhay ko. Paano niya akong nakayang ibenta sa halagang sampung million? Dahan-dahan akong bumalik sa aking kwarto hindi ako gumawa ng kahit anong ingay, para hindi nila ako marinig na nagliligpit ko ang mga damit ko. Hindi ko hahayaan na basta-basta lang nila akong ibebenta. Wala silang karapatan na e-ganito ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD