KABANATA 29 AYLAH Dalawang araw ang lumipas, dalawang araw ko din siya na papansin si Dominico medyo tahimik e, dating tahimik at seryoso naman siya. Pero iba ang mga araw na ito na lumipas napapansin ko mula ng na hospital ako. Minsan siya naglalagay ng pagkain ko sa plato, siya gumagawa ng sa akin ng mainom tulad ng juice, gatas at kape. Lagi niya rin pinapaalala sa akin ang oras ng gamot. Akala mo naman may malubha na ako sakit. Nahihiya rin ako minsan sa harapan ni Lola Yolanda dahil sa pag-aalaga niya sa akin. Hinayaan ko nalang siya mga ginagawa niya sa akin baka sinaniban ng spirto ng kabutihan. Infairness ang cute niya. Nakaupo ako sa sala kasama si Lola Yolanda. Kumain ako ng sariwang prutas na pinitas kaninang umaga ng kanyang tauhan sa backyard ng bahay. Mamayang gabi rin

