Kabanata 24 AYLAH "MASTER, pinapatawag po kayo sa akin ni Senyora Yolanda." Sabay kami napalingon ni Dominico sa lalaking tumawag kay Dominico. I cleared my throat. Malalim akong huminga kumuha ako ng extra na hangin para gumaan ang pakiramdam ko. Naghilamos ng walang tubig si Dominico gamit niya ang dalawa niyang palad. "Let's go inside, kung ano man ang iniisip mo Aylah hinding-hindi iyan na mangyayari. Mananatili ka sa mga kamay ko." mahina niyang sabi pero damang-dama ko hindi siya nagbibiro. Hindi ako sumagot tinalikuran ko siya. Pinunasan ko ang mga butil-butil na luha ko na pumatak sa pisngi ko. Hanggang sa pumasok ako sa loob ng bungalow na parang walang nangyari sa akin. Ramdam ko na sumunod sa akin si Dominico papasok sa loob. Hindi ko namalayan ay hinawakan niya braso ko

