Kabanata 16 THIRD PERSON POV Nang makita ni Aylah na umalis ang isa sa tauhan ni Dominico ay lumabas siya sa kanyang pinagtataguan. Sinilip ba niya ulit kung wala na bang tao sa labas. Nang wala na siyang nakita ay dahan-dahan siyang humakbang. Bawat kilos niya ay iniingatan niya na makagawa ng kahit anong ingay. "Ah sh*t!" mahinang mura ni Aylah na may naaapakan siyang matigas na bagay. Hanggang sa biglang may nagpa-ilaw ng mga ilaw sa garden. Sa kaba ni Aylah para siyang hinahabol ng sampung kabayo sa kabog ng kanyang dibdib. "Panginoon wag naman sana akong mahuli dahil siguradong malalagot ako kay Dominico." Sabi ng isip ni Aylah. "Pare anong meron?" tanong ng isa sa tauhan ni Dominico. "May nakita kasi akong anino doon banda." Sagot ng isa. "Baka inaantok ka na, patayin mun

