Kabanata 53 AYLAH Dinala nila ako sa mansion ni Don Douglas. Pagpasok namin sa loob ay nakasalubong ko ang mga lalaking medyo familiar ang mukha. Sila yung mga lalaking nakita ko sa unang party na dinaluhan ko. Akala nila sa akin ay isa ako kasambahay ni don Douglas. Narinig kung pinag-uusapan nila ang mga illegal na gawain nila. Biglang tumahimik ang isang lalaki ng mapansin ako. Magsasalita sana siya ay narinig ko na ang sinabi ng isa na kailangan nilang ilabas sa maagang panahon ang mga illegal na armas. Parang ibebenta yata nila ito sa Russia. Hanggang sa may humila sa akin at nakita ko si Don Douglas na sinenyasan niya ang lalaking humila sa akin. "Halika ka dito," hinatak niya ako ng walang patawad. Hanggang ngayon iyong isang lalaki ay seryoso na nakatingin sa akin. Narinig ku

