Kabanata 72 AYLAH Sinabihan ko agad si Tina isarado na niya ang stroller at kailangan na naming umuwi. Nagtataka pa siya sa kilos ko dahil ang napag-usapan naming dalawa ay magtatagal kami dahil tinawagan niya ang pinsan na trainer ng yoga. Sinasaniban ko nalang siya na next time na, pwede rin naman na please papuntahin niya sa mansion ang pinsan at doon na kami mag yoga. Ilang buwan hindi rin ako nakapag-yoga dahil lagi akong busy. Ilang sandali ay dumating din kami sa mansion. Nakita ko si Kuya at Lolo na nag-uusap sa malapit sa pool pati sila ay nagtataka kung bakit umuwi kami ng maaga. "Aylah bakit napaaga kayo?" tanong sa akin ni Lolo at kinuha sa akin ni Kuya ang pamangkin niya. "Ano, kasi si Dominico narinig niya na umiyak si Light nagtatanong siya sa akin. Hindi ako handa na i

