Chapter 6: Pagsanib

1235 Words
Patuloy sa pag hakbang ang aking mga paa upang sundan si Pavel, palabas siya ng kanyang silid dahil pinapatawag siya ng kanyang ama. Ilang araw na, ilang araw na ang nakalipas simula ng makabalik ako sa mundong tunay kong kinagagalawan, ang oras na tunay kong kinabibilangan. Ngunit ilang araw na din ang lumipas, hindi parin ako makapasok sa aking katawan. Lahat ay ginagawa ko, lahat ay sinusubukan ko upang makapasok ako muli pero hindi ako tinatanggap ng aking katawan. Bagay na aking kinababahala. Paano ko maipapa-alala kay Pavel ang lahat kung hindi ako makapasok sa katawan ko? Paano ko siya mayayakap at mahahalikan? Paano ko siya makakasama kung sarili kong katawang tao ang kalaban ko ngayun. Sa loob ng ilang araw na pag sunod ko kay Pavel bilang isang kaluluwa ng demonyo ay nakita ko kung paano niya kausapin ang katawang tao ko. Nakita ko kung paano niya ito ingatan at kung paano siya umaasa na magigising ito muli. "Prinsepe, akala ko ay tutungo ka sa punong bulwagan?"tanong ni Babaeng banal na siyang tumatayo ngayun bilang yuniko ni Pavel. "Dadaanan ko muna si Ksara." Malamig na sabi ni Pavel at lumiko ng daan. Sumunod ako sa kanya. Gaya ng lagi kong nakikita simula ng makabalik ako, ay ngumingiti muna si Pavel sa harap ng pinto ng silid kung saan nakalagay ang aking katawan bago pumasok. Muli, ay napupunit na naman ang aking puso habang naka tingin kay Pavel na papalapit sa aking katawan. "Magandang umaga Ksara."bati ni Pavel sa aking katawan saka hinalikan ang palad nito. "Bagong araw na naman ang sumapit pero tulog ka parin." Lumapit ako kay Pavel. "Gising na Ksara, ipapakilala pa kita kila ama hindi ba?" Nakangiti niyang tanong. Napatitig ako sa aking katawan. Bakit ayaw mo akong tanggapin? "Si ama, pinapatawag niya na naman ako upang kausapin tungkol sa pag papasa nila ng korona sa akin." Sabi niya kaya napatingin ako kay Pavel. "Sabi nila, bakit ba hinihintay kitang magising eh wala naman daw sayo ang korona na ipapasa sa akin." Natatawang sabi niya. "Sino ba sila para sabihin yun, mga hangal na punong ministro." Bulong niya saka napakamot sa nuo. "Ksara, hindi parin ako pumapayag na ipasa nila sa akin ang korona hanggat hindi ka nagigising." Malungkot na sabi niya bagay na nag pasakit sa aking dibdib. "Ikaw lang ang hinihintay ko, kaya Ksara gising na gagawin pa natin ang mga plano ko na sinabi sayo habang pabalik tayo dito sa winsoul." Napangiti ako sa sinabi niya. Ilang minuto pa ang tinagal ni Pavel sa silid kung saan naka higa ang aking katawan. Matapos non ay dumiretso na siya sa punong bulwagan upang makausap ang ama niya. Sa likod niya ay naka sunod lamang ako na para bang may nakaka kita sa akin. Umupo ako sa isang bakanteng upuan katabi ni Pavel saka tahimik na pinag masdan ang itsura ng kanyang ama at ina na nasa harap niya. "Pavel anak--" "Magandang umaga ama, ina." Putol ni Pavel sa sasabihin ng kanyang ama. Huminga ng malalim ang kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay napapikit. "Kung pinatawag niyo po ako upang kausapin tungkol sa pag pasa ng trono sa akin, ganon parin po ang sasabihin ko sa inyo."Deretsong sabi ni Pavel, nakita ko ang pag igting ng panga ng ama ni Pavel habang naka tingin ng deretso sa kanyang anak. "Sino ba ang babaeng yun sa buhay mo Pavel? Isa lamang siyang hamak na yuniko--" "Tigilan niyo po ang pag mamaliit sa kanya." Malamig na sabi ni Pavel saka huminga ng malalim. "Kung hindi niyo po sya kayang irespeto dahil sa katayuan niya sa palasyo, pwes irespeto niyo nalang siya bilang tao." Sabi ni Pavel saka tumayo.  "Tapos na ang pag uusap na ito ama, pag aawayan na naman natin ang bagay na ito." Sabi ni Pavel saka tumalikod kaya napa tayo ako sa kina uupuan ko. "Pavel." Malamig na tawag ng kanyang ina. Napatigil si Pavel sa pag lalakad kaya napalingon ako sa ina ni Pavel na nakatingin sa kanya. "Alam mo na may ibang babae ang nakatadhanang ipakasal sayo." Kumunot ang nuo ko saka napatingin sa gawi ni Pavel na naka kuyom ang palad.  "Hindi kayo nararapat mag sama ng yunikong ninanais mo dahil isa lamang siyang taga silbi sa palasyo at hindi ka niya kayang tulungan sa pag--" "Kakasabi ko lang ina." Malamig na sabi ni Pavel saka tumingin sa ina niya, parang pinunit ang puso ko ng makita ko ang pag tulo ng luha ni Pavel. "Irespeto niyo siya bilang tao." Dagdag ni Pavel saka napa tingin sa taas upang pigilan ang ilang luha niya. "Eh ano naman kung yuniko siya ina? Sya ang gusto ko ina, sya ang nais ko. Hindi niyo ko pwedeng turuan at utusan kung sino ang mamahalin ko at kung sino ang nanaisin kong makasama sa panghabang buhay." Sabi ni Pavel, Napatayo ang ama ni Pavel kaya naman napatingin ako sa gawi nito at damang dama ko ang galit na nararamdaman niya. "Nahihibang ka na ba Pavel? Ano na lamang ang kinabukasan ng palasyo kung siya ang katuwang mo sa buhay?!"Galit na tanong ng ama niya kaya napa tingin ako kay Pavel.  "Mas iisipin ko pa ba ang kinabukasan ng palasyo at ng pangalan ng pamilya naten kesa sa nararamdaman ko?" Tanong ni Pavel.  "Ngayun pa lamang ay naiisipan ko ng ipapatay ang babaeng yun  upang turuan ka ng leksyon." Sabi ng ama ni Pavel kaya napa titig ng masama si Pavel sa kanyang ama at damang dama ko ang galit niya. "Ngayun pa lamang ay itatakwil na kita bilang ama ko at uunahan sa plano mo." Sabi ni Pavel kaya napatitig ako sa kanya, hindi ganitong Pavel ang kilala ko. Anong nangyare sayo Pavel? "Hindi niyo naiintindihan ang nararamdaman ko." Napa awang labi ko sa sinabi ni Pavel. "Hindi niyo alam kung ano ang pakiramdam na makitang muli ang babaeng mahal ko matapos ang ilang taon." Nanigas ako sa kina tatayuan ko matapos ang kanyang sinabi. Para syang si Pavel, si Pavel na natatandaan lahat ng ala-ala. Nanlaki ang mata ko. Hindi kaya naalala na ni Pavel ang lahat ng nangyare mula sa simula hanggang ngayun? Pero paano? Hindi pa naman ako patay at-- napatigil ako sa naiisip ko,napatingin ako kay Pavel na lumuluha na ngayun. Agad akong napatakbo palabas ng punong bulwagan patungo sa silid kung saan naruruon ang katawan ko, Pagka tagos ko sa pinto ay nanlaki ang mga mata ko. "Alada." Tawag ko sa babaeng naka tayo sa harap ng katawan ko, tumingin siya sa akin na may ngisi. "Kamusta ka, kapatid ko." Mapag larong sabi niya, napatingin ako sa katawan ko na hawak hawak niya. "Anong... anong gagawin mo sa katawan ko?" Tanong ko habang naka tingin sa kanya.  "Dapat nga matuwa ka, binalik ko ang ala-ala ni Pavel para sayo." Sabi niya habang naka ngiti.  "ANONG GAGAWIN MO ALADA?!" sigaw ko. "Ano pa, eh di ipag papatuloy namin ang naudlot naming pag mamahalan." Pag kasabi niya non ay bigla siyang pumasok sa loob ng katawan ko dahilan para manlaki ang mga mata ko, akmang lalapit na ako sa kanya upang pigilan siya pero huli na, dumilat na ang mga mata ng katawan ko at sa loob non ay si Alada ang kumukontrol. Tumulo ang luha ko habang naka tingin sa katawan kong naka ngisi sa akin.  "Ako na mismo ang bahala sa kanya, Karma." Nakangising sabi sa akin ni Alada bago niya ako lagpasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD