Chapter 5: Karma

1851 Words
"Hindi!"Sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata kong naka tingin kila Pavel at sa Karma na kasama niya, kitang kita ko kung paano bumagsak ang katawan ni Karma kay Pavel na nanlalaki din ang mga mata. Muling tumulo ang mga luha ko dahil sa madilim na sinapit ni Karma. Dahan dahang hinawakan ni Pavel ang mukha ni Karma habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "K-Karma..." Mahinang tawag ni Pavel sa babaeng hawak hawak niya, napa takip ako sa aking bibig ng makita ko kung paano kunin ni Alada ang kaluluwa ni Karma sa harap mismo ni Pavel. Natapos na ang isang linggong palugid ni Alada na makasama ni Pavel si Karma. Lumapit ako kay Pavel at akmang hahawakan ang kanyang mukha ng tumagos lamang ang kamay ko sa kanyang mukha. "Pavel, tahan na." Naninikip ang dibdib kong sabi. Tinignan ko ang Karma na hawak hawak ni Pavel, sa loob ng isang lingo matapos ang bagong taon, kitang kita ko kung paano ulit mag simula ang dalawa, nag pakilala sila sa isa't isa hanggang sa muling nagka palagayan ng loob at ngayun,muli na namang binawi si Karma, muli ko na namang iniwan si Pavel mag isa. Muling dumilim ang paligid, isang minuto ang lumipas ay nasa harap na ako ni Pavel na nakatayo sa harap ng isang libingan.  "Karma." Tawag niya habang naka tingin sa puntod na nasa harap niya, kung di ako nag kakamali ay kakalibing niya lang sa katawan ng Karma na kasama niya, siya mismo ang nag hukay at nag lagay ng katawan sa ilalim ng lupa, pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata.  "Bakit... Bakit iniwan mo na naman ako?" Natigilan ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya na napa upo sa harap ng puntod. "Biglang bumalik ang mga ala-ala sa aking isip, kung paano natin sinubukang tumakas sa bayan at sa sumpa. Biglang bumalik ang lahat sa isip ko Karma."  "Pavel.." Bulong ko.  "Hahanapin kita ulit, hahanapin ko ang pangalawang Karma." Umiiyak na sabi ni Pavel, kasunod non ang pag buhos ng ulan, pinanuod kong maligo si Pavel sa ulan habang siya ay umiiyak, natigil lamang siya ng makarinig siya ng iyak ng sanggol. Agad kong sinundan si Pavel na patungo sa liblib na bahagi ng sementeryo kung saan nanggagaling ang iyak ng bata.  Napatigil ako sa pag lalakad ng makita kong kinuha ni Pavel ang bata, napa awang ang labi ko  ng makita ko ang kaluluwa ng batang hawak niya. "K-Karma." Tawag ni Pavel sa hawak niyang bata. Kusang tumulo ang mga luha ko habang naka tingin kay Pavel na naka ngiti habang hawak hawak ang sanggol na tinawag niyang Karma. Ang pangalawang Karma, nakita na ni Pavel ang Pangalawang Karma ilang daang taon na ang nakakalipas.  "Karma wag kang tumakbo baka madapa ka!" Napalingon ako sa likod ko at sa isang iglap ay nag bago na naman ang lugar, nasa malawak na taniman sila Pavel at ang batang babaeng tumatakbo sa gitna, natatawa si Pavel habang naka tingin sa batang tinawag niyang Karma.  "Karma dahan dahan lang!"  "Pavel! Pavel! may bulaklak ako sa tenga!" Mapag larong sabi ng batang Karma habang tumatakbo palayo kay Pavel. Pinanuod ko kung paano alagaan ni Pavel ang bata, kung paano niya mahalin ang batang Karma hanggang sa isang iglap muli ay nasa harap ako ng umiiyak na Pavel habang yakap yakap ang duguang katawan ng batang Karma. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga taong naka tingin kay Pavel. "Tumawag kayo ng tulong pakiusap! habulin niyo ang naka sagasa kay Karma!" Umiiyak na sabi ni Pavel ngunit wala ni isa ang naka galaw o kumilos na tao dahilan para maiyukom ko ang palad ko. "TUMAWAG KAYO NG TULONG ANO BA?!" sigaw ko pero walang nakakarinig sa akin, napatingin ako kay Pavel na umiiyak. "Pavel--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang umikot ang paligid at napadpad na naman ako sa ibang lugar, hinanap ng mata ko si Pavel at nakita ko itong naka ngiti sa isang matandang babae. Natigilan ako habang nakatingin sa dalawa. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ng matanda kay Pavel. "Pavel, Pavel ang pangalan ko." Sabi ni Pavel sa matanda, ngumiti ang matanda kay Pavel. "Ako si...nakalimutan ko ang pangalan ko." Sabi ng matanda kay pavel, natawa si Pavel at hinawakan ang kamay ng matanda.  "Karma, ikaw si Karma." Naka ngiting sabi ni Pavel kaya napatingin ako sa matandang kaharap niya, napa awang ang bibig ko ng makita ko ang kaluluwang nasa loob ng katawan ng matanda. Ang pangatlong Karma. Gaya ng nauna, pinanuod ko muli si Pavel na alagaan at patawanin ang matanda, hanggang sa dumating ang araw na mamamaalam na naman si Karma, dala ng katandaan ay nanghina na ang katawan ng matandang Karma, habang si Pavel naman ay walang nag babago sa itsura. Hindi siya tumatanda. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata ng makita ko kung paano muling yakapin ni Pavel ang wala ng buhay na katawan ng Pangatlong Karma. Tama na, masakit na, kung nananaginip ako tungkol sa aking nakaraang mga buhay ay gusto ko ng magising, hindi ko na kayang makita si Pavel na nasasaktan at umiiyak ng paulit ulit. Tatlong beses niya ng nakita kung paano ako mamatay, ano pa kaya kung pang isang daang beses niya na akong makitang mamatay.  Sobrang sakit, hindi ko na kaya, gusto ko ng magising, ayoko na makita ang mga nangyare sa nakaraan.Ayoko na balikan kung paano ko hindi maalala si Pavel at kung paano ako paulit ulit na namatay sa harap niya, kung paano naaalala ni Pavel ang mga ala-ala niya, kung paano niya nakakalimutan ang mga taong nasa paligid niya sa tuwing sasapit ang bagong taon. Ayoko na, tama na. Pakiusap, gusto ko ng magising. Pumikit ako ng muling dumilim ang paligid, pag mulat ko akala ko ay gising na ako, pero hindi, dahil nasa isang panibagong lugar na naman ako kung saan nasa harap ko si Pavel habang naka ngiti sa kaharap niyang babae, isa itong Prinsesa at kung pag babasehan ang pang labas na itsura ni Pavel, nasa parehas na edad lamang sila. "Ako si Pavel." Sabi ni Pavel sa babaeng kaharap niya, ngumiti ang prensesa sa kanya saka nilahad ang kamay nito.  "Ako si Prinsesa Hasmin, salamat sa pag ligtas mo sa akin." Naka ngiting sabi nito kay Pavel. " Walang ano 'man Karma." Natigilan ako sa sinabi ni Pavel saka napatitig ng maigi sa babae, napa awang ang aking labi ng makita ko ang kaluluwang nasa loob ng babaeng prinsesa. Anong taon na ngayun? Medyo moderno na ang paligid, napatingin ako kay Pavel. "Ang pang isang daan at tatlongpo't walong Karma." bulong ko habang naka tingin kay Pavel.  Namuo ang luha ko habang naka tingin sa dalawa, isang daang taon na ang lumipas simula ng mangyare ang sumpa ni Alada, isang daang taon na ang lumipas ngunit hindi parin nag babago ang anyo ni Pavel, sa loob ng isang daang taon na iyon ay nakikita ni Pavel kung paano ako mamatay at kung paano ako mapunta sa iba't ibang katawan.  Dahan dahang nawala si Pavel sa harap ko kasama ang pang isang daan at tatlongpo't walong Karma. "KARMA!" napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang sigaw ni Pavel, Napa lunok ako ng makita ko si Pavel na tumatakbo palapit sa duguang katawan ni Hasmin, may suot suot itong mga kalasag at may hawak na spada, napatingin ako sa paligid, magulo ang palasyo at sira sira na ang mga pader nito, nag kalat din ang mga patay na bangkay sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko.  Mukhang, sinugod ng kabilang kaharian ang kaharian na pinamumunuan nila Hasmin at mukhang nagkaruon ng madugong gera sa pagitan ng dalawa.  "Karma! Karma imulat mo ang mata mo pakiusap! Karma! wag mo akong iwan!" Napatingin ako kay Pavel na umiiyak habang hawak hawak ang katawan ni Hasmin. Tumaas ang balahibo ko habang naka tingin sa dalawa. "Karma pakiusap, wag mo ako iwan ulit, paki usap imulat mo ang mga mata mo." Napa upo ako habang naka tingin sa dalawa.  "Karma, pakiusap, Karma...KARMA!" umiiyak na sigaw ni Pavel habang yakap yakap ang patay na katawan ni Hasmin. "Sorry... Sorry." Bulong ko habang nasa tabi ni Pavel. "Sorry, iniwan na naman kita."Umiiyak na sabi ko habang naka tingin kay Pavel, akmang pupunasan ko ang luha ni Pavel ng tumagos na naman ang kamay ko sa kanya. "I-Iniwan mo na naman ako." Umiiyak na sabi niya habang yakap yakap ang katawan ni Hasmin. "Sorry." Bulong ko.  "Patawad, hindi ko gustong iwan ka." sabi ko habang naka yuko. "Patawarin mo ako." "Karma." Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Pavel sa likod ko. Napa lingon ako sa likod ko at nakitang nakatingin sa akin si Pavel.  "Nakikita mo ako?" Tanong ko sa kanya. "Pavel!" Biglang may tumagos na bata mula sa aking likod, napa yuko ako at pinanuod ang bata na tumakbo palapit kay Pavel. Nag bago na naman ang lugar, nasa loob ako ng palasyo, ang palasyo kung saan nag ugat ang lahat.  At sa harap ko, karga karga ni Pavel ang pang isang daan at tatlongpo't syam na Karma. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Pavel sa batang karga niya. "MM! Kuya Pavel hindi po ako si Karma, ako si Akira." Malambing na sabi ng bata kay Pavel, naatawa lamang si Pavel saka kinurot ang ilong ng bata. "Tara punta tayo sa bayan?" Tanong ni Pavel. "Yey! tara po tara po!" Masayang sabi ng Bata saka niyakap si Pavel, pinunasan ko ang luha ko. Naiintindihan ko na ang lahat. Pinakita sa akin ang mga nakaraang buhay ko para malaman at maalala ko ang lahat. Naiintindihan ko din na sa tuwing mamamatay ako, naaalala bigla ni Pavel ang lahat, at sa tuwing sasapit ang bagong taon muli niya makakalimutan ang lahat, pero bago nya makalimutan ang lahat sinusulat nya sa palad nya ang pangalan na 'Karma.' At ngayun mas lalo kong naunawaan  na ako, ang pang huling Karma na hinihintay niya. Si Ksara ang pang huling Karma na hinihintay ni Pavel para mawala ang sumpa sa pagitan naming dalawa. Para makapag pahinga na si Pavel, para matapos na ang pag hihirap ni Pavel. Ang kamatayan ko ang syang kamatayan din ni Pavel. Ngunit, unting panahon na lamang  ang natitira sa akin, ang binitawan kong sumpa para mawala ang sumpa ni Alada sa bayan, kailangan kong makabalik sa panahon ko upang makasama si Pavel at maibalik ang ala-ala niya tungkol sa akin. Tungkol sa mga nakaraan namin, hindi ko kayang mag hintay na maalala niya ako kung kelan wala na naman akong buhay. "Gumising ka na, hindi ako papayag na ipasa nila sa akin ang korona hanggat hindi ka nagigising Ksara. "Napatingin ako sa nag sasalita, si Pavel. Nasa tabi niya sila Cynrad, Bael at babaeng banal. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sila Tanda. Nakabalik na ako, nasa harap ko na muli sila Pavel. "Pavel!" Naka ngiting sabi ko, ngunit dahang dahang nawala ang ngiti ko ng makita ko ang nasa harap ni Pavel. Ang katawan ko, napa tingin ako sa sarili ko. Bakit hindi ako makapasok sa katawan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD