Madilim na ang paligid, malamig ang simoy ng hangin, maingay ang mga kuliglig at mga insektong nasa gubat kung saan kami naruruon ni Pavel palabas ng Winsoul.
Ngayun, bago mag bagong taon ay tatakas kami sa sumpa na binitawan ni Alada. Tatakas kami, tatakas si Pavel kasama ako. Tatakasan namin ang sumpang kinakatakutan naming mangyare ni Pavel.
"Kailangan nating mag madali Karma, malapit na mag alas dose ng madaling araw." Sabi ni Pavel habang hawak hawak ang kamay ko at nag lalakad sa madilim na gubat.
"Saan tayo tutungo?"tanong ko.
"Sa labas ng bayan, doon tayo maninirahan at gagawa ng pamilya." Sabi niya kaya napa ngiti ako dahil sa sinabi niya.
"Bilisan natin, isang oras na lamang ay mag babagong taon na." Sabi niya kaya tumango ako, nag lakad kami, ng nang lakad palabas sa madilim na gubat pero ilang minuto ang lumilipas, parang walang nangyayare. Parang pinipigilan kaming lumabas sa gubat, ang kaninang mga nadadaanan namin ay nadadaanan ulit namin.
Tumigil kami sa pag lalakad.
"Anong nangyayare?"tanong ko, napatingin sa akin si Pavel.
"Hindi ko alam." Sabi niya. "Kanina pa tayo nag lalakad pero hindi natin makita ang labas ng gubat." Dagdag niya.
"Hindi kaya pinag lalaruan tayo?"tanong ko kaya napa higpit ang hawak nya sa aking kamay.
"Kailangan nating umalis." Sabi niya at akmang mag lalakad na muli ng may mag salita mula sa aming likod.
"Saan ka tutungo kaibigan?" Sabay kaming napatingin sa nag salita. Si Alada, nasa likod namin siya habang naka tingin kay Pavel. Tama ako, pinag lalaruan kami ni Alada. Kanina pa kami nag lalakad at walang nangyayare sa pag lalakad namin dito sa loob ng gubat. Hindi kami maka alis.
"Hayaan mo na kami Alada!" Sigaw ni Pavel saka ako hinila palapit sa kanya saka niyakap.
"Pabayaan mo na kaming makalabas ng bayan." Dagdag ni Pavel. Narinig ko ang pag tawa ni Alada, napa silip ako sa braso ni Pavel at kita ko ang mapag larong ngiti ni Alada.
"Bakit? Ayaw mo bang maranasan manlang ang sumpa na binigay ko sa bayan?"tanong ni Alada. Gusto kong mag salita, pero may kung ano na naman ang pumipigil sa akin, siguro dahil nong oras na mangyare ito ay walang ibang nagawa si Karma kundi manuod habang natatakot.
"Paalisin mo na kami dito, paki usap." Sabi ni Pavel, umiling si Alada.
"Hindi, hindi ako papayag, kailangan maransanan niyo ang sumpang binigay ko sa bayan. Ikaw ang puno't dulo nito Pavel kaya dapat lang na maranasan mo ang mararanasan ng mga taong nadamay." Sabi ni Alada.
"Pakiusap Alada--"
"Umiiral na naman ang pagiging sakim at maka sarili mo. Gusto mo atang madagdagan ang sumpa na ginawa ko Pavel?"tanong ni Alada.
"Tama na!" Gusto kong isigaw yan pero sa isip ko lamang nagagawa. Tumingin sa akin si Alada saka ngumiti.
"Enjoy." Sabi ni Alada saka biglang nawala sa harap namin. Agad na tumulo ang luha ni Pavel, mas lalong humigpit ang pag kakayakap niya sa akin.
A/n: Play Talking to the moon by Bruno Mars :>
"Wag kang bibitaw." Bulong ni Pavel sa akin. Napa tingin ako sa relo na suot niya at nakitang limang minuto na lamang at mag babagong taon na. Agad na dumaloy ang kaba sa aking dibdib, namuo ang luha sa aking mga mata at yumakap ng mahigpit kay Pavel.
"Ipangako mo sa akin, na hindi mo ako kakalimutan." Sabi ko, narinig ko ang mahinang pag hikbi ni Pavel.
"Pangako." Bulong niya.
Napa pikit ako.
"Bakit naging ganito ang lahat Pavel?"tanong ko sabay non ang pag tulo ng luha ko. "Bakit naging ganito kagulo ang takbo ng kwento nating dalawa?" Bulong ko.
"Mahal na mahal kita, kaya kahit pakikipag kasundo sa demonyo ay gagawin ko, makuha lang kita muli." Bulong niya, naramdaman ko ang pag halik nya sa aking nuo.
"Pavel..." Tawag ko sa kanyang pangalan.
"Hahanapin, at hahanapin ka ng puso ko Karma, ikaw at ikaw parin ang isisigaw ng puso ko." Sabi niya saka tumingin sa akin, kitang kita ko ang pag agos ng mga luha ni Pavel.
"Kahit ilang beses ka pang mamatay sa harap ko, hihintayin kita at hindi mag sasawang mamahalin ka." Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. "Kahit ilang beses kang mawalay sakin hahanapin at hahanapin kita, sa impyerno o sa langit, sa lupa o sa tubig, gagawa ako ng paraan para makasama ka." Sabi niya at pinunasan ang luha ko.
"Sa oras na makalimutan natin ang isa't isa, lagi akong titingin sa buwan upang humingi ng gabay patungo sayo." Napasilip ako sa relo na suot niya at nakitang isang minuto na lamang ay mag babagong taon na.
"Te amo, i love you, ahabak, aishiteimasu, ich liebe dich, salanghae, anh yêu em, je t'aime, mahal kita."
59
"Lahat ng wika na ang kahulugan ay Mahal kita ay handa kong sabihin sayo." Bulong niya.
57
"Patawad, dahil naging makasarili ako, para lang makasama ka."
55
"Shhh, wag kang humingi ng tawad." Bulong ko. "Kung ako ang nasa sitwasyon mo ay gagawin ko din ang mga ginawa mo para lang makasama kita." Bulong ko.
53
"Pero hindi mo dapat pinatay ang mga kaibigan mo para lang sa akin Pavel. Hindi ka dapat pumatay." Pinag dikit ko ang nuo naming dalawa.
51
"Patawad."
50
"Pag naging maayus na ang lahat, pormal kitang liligawan." Bulong niya
"Pag dating sa palasyo, pormal kitang liligawan." Bigla kong naalala ang sinabi ni Pavel sa akin habang nasa kagubatan kami pabalik sa winsoul.
49
"Tapos kapag sinagot mo ako, aalukin agad kita ng kasal para wala ka ng kawala."
"Tapos kapag sinagot mo ako, aalukin agad kita ng kasal para wala ka ng kawala." sakto sa sinabi ni Pavel na kasama ko ngayun ang mga katagang sinabi sa akin ni Pavel nong nasa Gubat kami.
47
"Gagawa tayo ng mga anak natin tapos papalakihin natin ang mga anak natin ng maayus, hanggang sa tumanda tayo at magkaruon ng sariling pamilya ang mga anak natin."
"Tapos kapag naging hari na ako, ikaw ang magiging reyna at gagawa tayo ng mga anak natin tapos mamumuno tayo sa winsoul. Papamunuan natin ito ng maayus at mapayapa, tapos papalakihin natin ang mga anak natin ng maayus, hanggang sa tumanda tayo at magkaruon ng sariling pamilya ang mga anak natin."
Napaluha ako dahil sa mga sinabi ni Pavel at mga naalala kong sinabi sa akin ni Pavel nong nasa gubat kami pabalik sa winsoul.
44
"Tapos hanggang kabilang buhay, susundan kita. Tapos sa susunod nating buhay ikaw parin ang pipiliin ko. Wala ng iba."
"Tapos hanggang kabilang buhay, susundan kita. Tapos sa susunod nating buhay ikaw parin ang pipiliin ko. Wala ng iba."
Sabay kong nadinig ang boses ng kaharap kong Pavel at ng Pavel na kasama ko noong pabalik kami sa winsoul.
41
Napa pikit ako ng hawakan ni Pavel ang baba ko saka dumampi ang labi niya sa aking labi. Isang romantiko ngunit may halong lungkot.
39
Bakit? Bakit ganito kapait ang tadhana para sa amin ni Pavel?
Ang nais lang naman namin ay magsama ng payapa ngunit bakit? Bakit ganito nalang karahas sa amin ang tadhana at panahon?
35
Kung paulit ulit na makikita ni Pavel ang pag kamatay ko, sobrang sakit non para sa kanya. Sobrang sakit noon. Hindi ko maimagine kung paano niya kakayaning makita akong paulit ulit na mamatay. Habang siya, hinihintay ang pag dating ng pang isang daan at apat na pong Karma.
30
Buti na lamang at may sumpa ang bayan nong mga panahon na iyon. Sa ganong paraan, makakalimutan ni Pavel ang paraan kung paano ako namatay.
27
Kung ibabalik ko ang ala-alang nawala kay Pavel gaya ng pag balik ko sa mga ala-ala ng magulang ni Abiah, sa palagay ko ay mawawala ang nararamdaman ni Pavel na pagka puot sa mga katulad kong demonyo at maibabalik non ang Pavel na kagaya ng nasa harap ko ngayun.
25
Sabay naming hinabol ni Pavel ang pag hinga namin, naka dikit parin ang nuo namin sa isa't isa habang naka pikit ang aming mga mata.
"Hindi mo ako kakalimutan tama ba?"tanong ko sa kanya kahit na ang totoo ay makakalimutan niya ako.
22
"Hindi, pangako yan." Bulong niya habang naka ngiti sa akin.
"Ako parin ang hahanapin mo hanggang sa kabilang buhay tama ba?" Tanong ko. Tumango tango siya.
19
"Mahal na mahal kita, kahit maging ano ka pa sa mga susunod mong buhay." Bulong niya kaya napa ngiti ako.
"Kahit maging insekto ka ikaw parin ang mamahalin ko."
17
"Kahit anong mangyare o kung paano ka mamamatay pilit kong tatanggapin ang mga iyon hanggang sa makilala ko ang pang isang daan at apat na pong ikaw." Tumingin siya sa akin kaya muling tumulo ang mga luha ko.
14
"Gagawin natin ang mga pangarap ko at mga pangarap mo ng mag kasama lagi. Pangako yan." Niyakap ko siya dahil sa sinabi niya. Sobrang sakit, hindi ko mapinta ang sakit na nararamdaman ko. Bakit pinakita sa akin ang nakaraang buhay ko? Bakit nandito ako sa nakaraang buhay ko?
10
"Lagi kong pang hahawakan ang mga sinabi mo Pavel." Bulong ko. Tumingin ako sa kanya, muli niyang pinunasan ang luha ko habang may ngiti sa kanyang mukha.
5
"Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal na mahal din kita."
3
"Maligayang bagong taon, mahal ko."
"Maligayang bagong taon... Pavel."
1
Kasabay ng pag putok ng mga makukulay na paputok ang pag lapat ng kanyang labi sa aking mga labi, tumugon ako sa kanyang halik habang kapwa kami umiiyak. At sa isang sandali lamang, pag mulat ko ng aking mga mata. Nasa harap ko si Pavel kaharap ang dating ako na may tanong sa kanilang mukha at nag tataka.
"Paumanhin ginoo, ngunit maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit nandito tayo?"tanong ng Karma na nasa harap ko. Tila nadurog ang puso ko dahil sa sinabi ng Karmang nasa harap ko.
Para akong nanunuod ng telenobela at walang magawa kundi panuorin kung paano namin saktan ni Pavel ang isa't isa noon.
"S-sino ka?" Napatingin ako kay Pavel ng sabihin niya ang mga salitang iyon.
"P-Pavel ako to... Ako to si Karma." Sagot ko habang nakatingin sa dalawa.
"Pasensya na, hindi ko din alam kung bakit nandito ako." Napa yuko ako at napa punas ng luha dahil sa mga narinig ko. Tumalab ang sumpa ni Alada, naganap ang sumpa nya at narito ako upang masaksihan kung paano namin makalimutan ni Pavel ang isa't isa noon ilang daang taon na ang lumipas.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & t****k: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure