Halos matumba ako sa aking kinatatayuan dahil sa mga nasaksihan ko. Ibang awra ng Pavel ang aking nakikita ngayon habang hawak hawak ang puno nang dugo na spada. Sa kaliwang kamay niya ay bitbit-bitbit ang dalawang ulo nila Bael at Cynrad.
Pinatay niya ang mag kapatid, pinatay niya sila Bael at Cynrad ng walang awa. Pinatay niya ang dalawa kapalit ng buhay ko.
Agad na tumulo ang luha ko sa mga naisip ko.
"Bakit..." Bulong ko habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Pavel na walang emosyon ngunit umaagos ang luha.
"Bakit.... Pavel... Bakit?!" sigaw ko, nagbabakasakali na marinig niya ako. Marahas niyang pinunasan ang luha niya saka tumalikod sa katawan ng mga kaibigan niya.
"Dalawang buhay, kapalit ng kalayaan ni Karma," malamig at mukhang wala sa sariling sabi ni Pavel. "Pasensya na, ngunit mas mahalaga ang buhay ng babaeng mahal ko, kesa sa pag kakaibigan nating tatlo," Nagsimula syang maglakad habang dala-dala ang ulo ng dalawa. Umiling ako.
"Pavel, hindi ka dapat pumatay," Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya na naglalakad palayo. Bigla na namang dumilim ang paligid, agad itong napalitan ng ibang lugar, lugar kung saan nakatayo si Pavel sa harap ni Alada, habang ang ulo ng dalawang kaibigan niya ay nasa baba at harap ni Alada.
"May napatay na ako," Malamig na sabi ni Pavel. "Ibalik mo na sa akin si Karma," Mahinang sabi niya kay Alada. Napatingin ako kay Alada na nanlalaki ang mga mata.
"Pumatay ka talaga ng tao para sa mahinang babae na yun?" tanong ni Alada, tumingin sa kanya si Pavel.
"Uulitin ko, ibalik mo na sakin si Karma gaya ng kasunduan," malamig na sabi ni Pavel. Agad kong naamoy ang galit at selos at ingit na dumadaloy kay Alada.
"Wag mo akong utusan hangal!" sigaw ni Alada saka sinipa ang ulo ng dalawang kaibigan ni Pavel.
"Bakit ka pumatay?" tanong nito kay Pavel.
"Hindi ba't ‘yon ang binigay mong kundisyon?"tanong ni Pavel kay Alada, nakatitig lamang si Alada kay Pavel.
"At nagtiwala ka naman sa akin? Isa akong demonyo, hindi mo dapat ako pinag kakatiwalaan."
"Makapangyarihan ka at bukod doon ikaw lamang ang makakapag pabalik kay Karma sa akin, kaya gawin mo na ang napagkasunduan--"
"At sa tingin mo ba gagawin ko ‘yon?" Napatingin ako kay Pavel na wala paring emosyon. "Hindi ko ibabalik ang babaeng mahal mo sayo dahil isa na siya sa amin ngayon," sabi ni Alada, nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Pavel sa kanyang spada.
"Hindi ko kakalabanin ang kapatid ko para lang sa nais mo." Ngising sabi ni Alada. Tumalim ang tingin ni Pavel kay Alada.
"Pinatay ko ang dalawang matalik kong kaibigan para sa kundisyon mo, kaya ngayon. GAWIN MO NA ANG KUNDISYON NA SINABI MO! IBALIK MO NA SA AKIN SI KARMA!"sigaw ni Pavel at akmang susugod kay Alada ng ibalibag siya nito sa pader.
"Pavel!"sigaw ko at akmang pupuntahan si Pavel ngunit may kung ano na namang salamin ang nakaharang sa aking harap.
"Pakiusap." mahinang sabi ni Pavel. "Ibalik mo sa akin si Karma," dagdag nito habang tumutulo ang luha.
"Hindi sa lahat ng pag kakataon tao ay masusunod ka. Kailangan niyong matuto ng leksyon dahil sa mga kasakiman na meron kayo," sabi ni Alada. "Ang ama ng babaeng nag ngangalang Karma ay masyadong ganid sa kapangyarihan at trono ng kaharian, ikaw naman masyado kang sakim at makasarili na dumating sa punto na pinatay mo ang dalawang kaibigan mo para sa babaeng mahal mo," sabi ni Alada, tanging pagtulo lamang ng luha ang nagagawa ko.
"Lahat ng sobra ay masama, kailangan niyong matuto sa pag kakamali niyo. Ibinenta mo ang kaluluwa mo sa akin at pumatay ng dalawang tao para sa babaeng ninanais mo, ngunit hindi mo na isip na isa lamang itong patibong upang turuan ka ng leksyon," sabi ni Alada. Naiyukom ko ang kamao ko.
Si Alada, siya ang taga-gawa ng karma, siya ang gumagawa ng mga karma at masasamang pangyayare sa isang taong sumusobra na ang ugali. Si Alada, ang tagalitis ng mga sakim at mga ganid sa kapangyarihan, si Alada ang demonyong nagpaparusa sa mga sakim at makasarili. At ‘yon ang kasalanan na hinaharap ni Pavel.
Naging makasarili si Pavel at ‘yon ang mali niya.
"Ako, si Alada, ang taga-gawa ng karma ay sinusumpa na sa oras na pumatak ang ikaalabing dalawang bilang sa orasan sa tuwing bagong taon ay makakalimutan niyong mga nasa winsoul ang kung sino kayo at sino ang mga mahal niyo, kayo ay aking sinusumpa upang nang sa ganon ay matutunan niyo ang leksyon niyo!" sigaw ni Alada, sabay n’on ang pagbalot ng itim na kapangyarihan sa paligid, ilang minuto ang lumipas ay muling umaliwalas.
Nakatingin lamang si Pavel kay Alada. Wala siyang emosyon.
"Karma," bulong niya, tumulo ang luha ko.
"Pakiusap, kahit saglit lang, ibalik mo siya sa akin. Kahit saglit na panahon lang, pakiusap Alada," Natigilan si Alada sa sinabi ni Pavel. Umiling ako habang nakatingin kay Pavel.
"Hind ka ba nakakaintindi? Hindi ko pwedeng--"
"Kahit saglit lang, kahit isang lingo lang, pakiusap, ibalik mo sa akin ang babaeng mahal ko," wala sa katinuang sabi ni Pavel.
"Pavel. Wag mong gawin ‘to," Umiiyak na sabi ko, ngunit hindi nya ako naririnig.
"Bakit ba gusto mong bumalik sayo ang babaeng yun? Gaano mo ba siya kamahal?!" sigaw ni Alada.
"Mahal na mahal na mahal na mahal, umabot na sa puntong ibinenta ko ang aking kaluluwa sayo at pinatay ang dalawang matalik kong kaibigan at naging dahilan kung bakit may sumpa ang bayan," mahinang sagot ni Pavel.
"Masyado kang makasarili--"
"OO NA! MAKASARILI NA! KAYA PAKIUSAP! IBALIK MO NA SA AKIN SI KARMA KAHIT SAGLIT LANG!" sigaw ni Pavel. Nagulat si Alada sa marahas na pagsigaw ni Pavel, tumalim ang tingin niya kay Pavel.
"Ibabalik ko sya sayo gaya ng nais mong kahit isang linggo lamang, ngunit pag tapos n’on bagong sumpa ang bibitawan ko," malamig na sabi ni Alada. Umiling ako.
"Wala akong... Pake-alam kung anong sumpa ‘yan, ibalik mo sa akin si Karma, pakiusap," mahinang sabi ni Pavel. Mas lalong naningkit ang mata ni Alada, nag labas siya ng itim na usok sa kanyang kamay saka binigkas ang panibangong sumpa.
"Sinusumpa ko, na paulit-ulit mong masasaksihan kung paano mamamatay at paano kunin ng kadiliman ang kaluluwa ng babaeng mahal mo, sinusumpa ko na kahit kailan hindi ka mamamatay hangga't hindi sumapit ang pagkikita niyo ng pangisang daan at apat na’pong Karma sa mundo. Isinusumpa ko, na sa harap mo mismo mamamatay ang babaeng mahal mo! At pag nagkita na kayo ng pangisang daan at apat na’pong Karma, sabay kayong maglalaho sa dilim at magiiba ng landas patungo sa liwanag at dilim!" sigaw ni Alada at kasabay n’on ang pag dilim ng paligid.
Nanghina ang tuhod ko dahil sa mga narinig ko. Napaupo ako habang nakatingin sa madilim na kawalan.
Ibig sabihin, si Pavel noon at si Pavel ngayon ay iisa. Ibig sabihin, hindi pa namamatay ang Pavel noon at Pavel ngayon. Nakakalimutan lamang nila ang mga naganap dahil sa sumpa ni Alada sa bayan, hindi pa namamatay si Pavel at hanggang ngayon ay inaabangan niya parin ang pagkikita nila ng pangisang daan at apat na’pong Karma sa mundo.
Matagal nang nabubuhay si Pavel, ngunit hindi nag babago ang kanyang panglabas na anyo maging ang kanyang pag iisip.
Ang sumpa ni Alada sa bayan ang naging dahilan kung bakit nakalimutan ako ni Pavel.
Biglang lumiwanag ang paligid, nanatili akong nakaupo sa lugar ko at ‘di umaalis. Nakayuko lamang ako habang iniisip ang mga natuklasan ko ngayon lamang.
"Karma," Napa-angat ako ng tingin ng may isang pares na sapatos ang nasa harap ko, tinignan ko sa mukha ang mayari non at nakita si Pavel na naka tingin sa akin habang naka ngiti.
"Bumalik ka," Masayang sabi ni Pavel at niyakap ako, nanigas ang katawan ko habang yakap-yakap ako ni Pavel.
"Akala ko ay hindi ka niya ibabalik sa akin." bulong niya, nanatili akong nakatulala. Agad na tumulo ang luha ko at niyakap siya.
"Pavel, bakit...?" mahinang tanong ko habang yakap-yakap siya, hindi siya sumagot. Sa halip ay tumingin siya sa akin.
"Kailangan nating umalis sa bayan na ito at magtungo sa malayong Lugar, Karma, magtatanan na tayo," sabi niya kaya natigilan ako.
"Ngunit Pavel--"
"Wala na tayong oras Karma, mamayang hating gabi ay bagong taon na, kailangan nating maka-alis sa bayan na ito bago maghating gabi, kaya tara na," sabi niya at tinulungan akong tumayo.
Kung tama ang iniisip ko, tatakasan namin ang sumpa ni Alada gaya ng ginawa nila Tanda at Abiah.
Napatingin ako kay Pavel na hawak-hawak ang kamay ko habang seryosong nakatingin sa daan.
"Natatakot ako." bulong ko kaya napatingin siya sa akin, tumigil kami sa pag lalakad.
"Natatakot ako na makalimutan ka," dagdag ko, tumulo ang luha sa mga mata ni Pavel saka ako niyakap.
"Pangako, hindi mangyayare ang kinakatakutan mo," s abi niya habang yakap yakap ako.
Ang Pavel noon at Pavel ngayon ay iisa, ngunit ang pinagkaiba ay ang Pavel noon ay makasarili at ang Pavel ngayon ay walang matandaan sa lahat ng nangyare isang daang taon na ang lumipas.