Chapter 9: Unang Tagapangalaga

1334 Words
Mabilis akong napatayo dahil sa sinabi ni Siir o mas magandang tawaging Mira. Kumunot agad ang nuo ko habang nakatingin sa kanya, naiyukom ko ang palad ko dahil sa inis na dumaloy sa aking katawan. Wala siyang pinagkaiba kay Alada, isa rin siyang ganid sa kapangyarihan at hindi maaasahan. Ano pa nga ba ang maaasahan ko sa mga demonyo? Ni hindi sila mapagkakatiwalaan. Sarili lamang nila ang iniisil nila at kapangyarihan nila.  Hindi sila kikilos ng walang kapalit.  "Wala ka rin palang katulad kay Alada, isa ka rin sa mga demonyong ganid sa kapangyarihan at hindi kikilos ng walang kapalit." sabi ko dahilan para bumalik siya sa anyong demonyo niya at sakalin ako paangat sa lupa. "Huwag mo akong ihalintulad sa kapatid kong yun, tao." Galit niyang sabi at hinagis ako sa gilid ng kanyang silid dahilan para mapadaing ako sa sakit ng tumama ang aking likod sa pader, sa isang iglap ay nasa harap ko na naman siya. Nag balik siya sa kanyang anyo bilang tao saka ngumiti sa akin ng pagatamis tamis. "Mag kaiba kami ni Alada, hindi ako ingetera kagaya niya." Sabi niya habang nakangiti pero halatang may galit sa kanyang mga salita. Nakita ko ang pagilaw ng kanyang mga mata, para akong masisilaw sa ilaw na nag mumula sa kanyang mga mata, napapikit ako pero sa aking pagpikit ng mata ang siyang pag papakita sa akin ng ilang mga imahe kung saan naruruon si Mira. Sa silid kung saan lagi kong pinaparusahan ang mga kaluluwa ng mga taong nagkakasala ay naruruon si Mira at siya ang gumagawa ng mga gawain ko bilang taga pangalaga ng fourth circle, Kitang kita ko kung paano niya pahirapan ang mga kaluluwa ng taong napunta sa fourth circle. Tuwang tuwa siya habang pinaparusahan ang mga kaluluwa at mas lalong lumalaki ang ngiti sa kanyang labi kapag lumalakas ang hiyawan at daing ng mga kaluluwa dahil sa sakit na kanilang nararamdaman. "Mira." Sabay kaming napatingin ni Mira ng pumasok sa silid si Alada, biglang nawala ang ngiti sa labi ni Mira at napalitan ng seryosong awra. "Pinapatawag ka nila Ama at ina." Sabi ni Alada, tumingin lang si Mira sa kanya saka bumalik sa pag paparusa sa mga kaluluwa. "Mira, wala ka bang naririnig?!" Sigaw ni Alada pero parang walang naririnig si Mira at patuloy lamang ang pag paparusa niya sa mga kaluluwa.Sa isang iglap ay nasa harap niya na si Alada at bigla niyang sinakal si Mira na agad namang pumalag sa kanya at tinutukan ng patalim sa leeg si Alada.  "Narinig ko ang iyong sinabi, pero hindi ka ba makaramdaman na ayaw kong mag tungo at mag pakita sa kanila?" Nakaka kilabot na tanong ni Mira kay Alada. "Napaka suwail mo talaga, hindi na ako mag tataka kung bigla ka nalamang bigyan ng parusa nila ama at ina." Inis na sabi ni Alada saka tinulak si Mira palayo sa kanya. "Talaga ba Alada?  alam kong alam mo na ako ang paburito nila sa ating lahat." Nakangiti at nang aasar na sabi ni Mira habang nakatingin kay Alada, nakita ko at ramdam ko ang pagka yamot ni Alada kay Mira. "Hindi ko alam kung paano ka nila naging paburito dahil sa ganyang pag uugali mo." Inis na sabi ni Alada. "Bakit, naiingit ka ba na ako ang kanilang paborito at hindi ikaw?" Tanong ni Mira kay Alada kaya mas lalong nainis si Alada dahil sa mga sinabi ni Mira.  Hindi sumagot si Alada, sa halip ay ngumisi lamang ito kay Mira at sa isang iglap ay nakalapit na ito kay Mira at biglang bumulong sa mga tenga nito. "Tignan natin kung hanggang saan at kelan ka nila magiging paborito." Nakangising sabi ni Alada at biglang nawala, naiwan si Mira na mag isa na lamang sa silid at may seryosong awra. Bigla na lamang nilamon ng malaking apoy ang mga kaluluwang nasa harap ni Mira bago padabog na lumabas si Mira sa silid.  Nag bago ang lugar, ang nakikita ko ngayon ay sila ama at ina na kausap si Alada at halatang seryoso ang mga awra.  Biglang humangin ng malakas at nag bukas ang pinto ng silid nila ama at ina, niluwa noon ang galit na galit na si Mira."Anong kalapastanganan itong aking nabalitaan?" Galit na tanong ni Mira kila ama at ina ng siya ay makapasok, umupo si Alada sa tabi ni ina habang may ngisi sa kanyang labi. Dama ko ang galit na nananalaytay kay Mira ngayon, nag aapoy ang kanyang mga mata sa galit at maging ang kanyang buntot ay nababalutan ng kulay pulang apoy.  "Nakarating na pala sayo ang balita." Seryosong sabi ni ina kay Mira, biglang naghagis ng apoy si Mira sa gawi ni Alada na agad namang naglaho ng iharang ni ama ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Ina na balita, pero ang alam ko lamang ay galit na galit si Mira ngayon. "Mga baliw na ba kayo? nawiwindang na ba ang mga utak niyo?" galit na tanong ni Mira. "Anong mali sa ginawa nila Mira?" Nakangising tanong ni Alada. "Mali? Lahat! bakit ako papalitan bilang taga pangalaga ng fourth circle? bakit ako papaalisin sa mundo na ito at bakit hindi niyo hiningi ang opinyon ko tungkol sa bagay na ito?!" Galit na tanong ni Mira. "Hindi ka nag tungo dito sa aming tanggapan noong isang araw hindi ba? pinapapunta ka namin dito pero hindi ka nagtungo." Galit na sabi ni ina. "Sapagkat abala ako sa aking mga ginagawa, hindi niyo ba naiintindihan ang bagay na iyon?!" Sigaw ni Mira. "Talaga ba Mira? hindi ba't sinabi mo sa akin na wala kang pake-alam kung ano ang nais sabihin nila ama at ina sayo?" Tanong ni Alada kay Mira na agad na kinakunot ng nuo ni Mira. "Anong mga pinagsasabi mo?" Iritang sabi ni Mira habang galit na nakatingin kay Alada. "Hindi ba't sinabi mo rin na puro sarili lamang nila ama at ina ang iniisip nila, na ikaw ang paborito nilang anak kaya dapat ang utusan nila ay ako sapagkat hindi ako ang paborito." Sabi ni Alada. "Tumahimik ka Alada, hindi ko alam kung ano yang mga pinag sasabi mo, wala akong sinasabi na--" "Talaga ba Mira? wag ka na mag sinungaling, ang turing mo sa amin na mga kapatid mo ay mga maliliit na insekto sapagkat ikaw lamang ang paborito nila ama at ina." Sabi ni Alada. "Manahimik ka!" Sigaw ni Mira at sa isang iglap ay nasa likod na siya ni Alada at nakatutok kay Alada ang spada nito. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Mira habang ang pag ngisi naman ni Alada ay tanaw na tanaw ko rin.  "Tama na Mira!" Sigaw ni Ama at tumayo mula sa kanyang kinauupuan, bagay na ngayon ko lamang nakita sapagkat ni minsan ay hindi ko pa nakikita na tumatayo si Ama sa kanyang kinauupuan. "Lumalaki na ang ulo mo Mira!" Sigaw ni Ina at ginamitan ng kapangyarihan si Mira para mapaluhod at mabitawan ni Mira ang kanyang sandata, agad na napaawang ang labi ko ng makita ko kung paano nila pag tulongan si Mira. Kitang kita ko ang lungkot at galit na dumadaloy kay Mira.  "Tama na Mira, siguro tama nga talaga ang ginawa naming desisyon na palitan ka bilang tagapangalaga ng fourth circle at prinsesa ng underworld." Seryosong sabi ni ama kaya nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Hindi naman patas na hindi niyo hiningi ang opinyon niya!" Sigaw ko pero walang pumapansin sa akin. "Kaya simula ngayon Mira, ikaw ay tinatanggalan ng posisyon bilang prinsesa ng underworld at tagapangalaga ng fourth circle." Napaawang ang labi ko ng bigkasin ni ama ang mga salitang iyon. "Ikaw rin ay ipapatapon sa mundo ng mga tao kung saan makakabalik ka lamang dito sa ating mundo kapag natalo mo na si Alada." Bigkas ni ina kaya naaptingin ako kay Mira na galit na galit habang umiiyak at nakaluhod, napatingin ako kay Alada na nakangisi habang nakatingin kay Mira. Agad kong iniyukom ang aking kamao dahil sa sinabi ni ina at ama. Alada, talagang napakasama mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD