Nanatili akong naka tayo at naka tingin kay Siir na ngayun ay kausap ang magulang at tumatayong magulang ni Pavel. Hindi ko maiwasang mag isip kung sino ba talaga siya matapos kung malaman na nakikita niya pala ako at alam niyang hindi ako ang nasa katawan na kasama ngayun ni Pavel.
Sa puntong yun, hindi ko maiwasang mag alala. Kalaban ba o kakampi si Siir? Ang huli niyang sinabi ang tumatak sa akin.
"Para patas ang laban." Banggit ko ng maalala ko ang huli niyang sinabi sa akin.
Hindi siya kaaway, hindi rin sya kakampi. Kung ganon, hindi ko masasabi kung mapag kakatiwalaan ko sya o hindi.
Ang isa pang pinag tataka ko, hindi ko nakita ang babaeng ito sa nakaraan ni Pavel nong siya ay mapadpad dito sa Winsoul Kingdom. Hindi ko siya nakita at wala akong matandaan na naging kababata siya ni Pavel sa pagkat si Pavel ay ganyan na ang anyo at hindi nag babago ang anyo matapos ang sumpa ni Alada.
Sa paanong paraan naging kababata ni Pavel si Siir kung ganyan na mismo ang natural na anyo mo Pavel mula noon?
Muli akong napatingin kay Siir na nakangiti, hinihintay ko na matapos siyang makipag usap sa mga kausap niya upang pormal na kausapin si Siir, alam ko na hindi siya agad aamin kung sino ba talaga siya pero nais ko lang malaman kung matutulungan niya ba ako sa pag bawi ng katawan ko mula kay Alada.
Hindi ko alam kung nasaan ngayon sila Pavel at Alada, matapos nila umalis ay hindi ko na sila sinundan pa dahil sa mga katagang sinabi ni Siir bago ko pa man sila sundan.
Nakita ko na nag bigay pugay na si Siir sa mga kausap niya at tumayo, nagtama ang paningin naming dalawa habang ang ngiti sa kanyang labi ay hindi pa umaalis.
Nag simula syang maglakad papunta sa dereksyon ko.
"Sa silid ko tayo magusap Karma." Nakangiti niyang sabi saka ako nilagpasan. Sinundan ko siya ng tingin saka sumunod sa kanya. Sa bawat pag lakad namin patungo sa kanyang silid ay pinagmamasdan ko ang kanyang mga galaw at detalye ng katawan.
Hindi ko nakikita na may ibang nakasanib sa kanya, normal lamang siya sa aking paningin, isang normal na tao na may normal na kaluluwa. Wala akong makita na demonyo sa loob ng kanyang katawan at wala akong makita na kakaiba sa kanya.
Wala rin akong maamoy na kakaiba sa kanya, bagay na mas nagbigay ng katanongan sa akin kung sino ba talaga sya.
Sa harap ng isang gintong pinto kami ay tumigil, binuksan ng ilang tagasilbi ang pinto saka sya pumasok, sumunod ako sa kanya sa loob at nilibot ang tingin. Normal lamang ang kanyang silid, kasing laki ng kay Pavel pero ang desenyo ay kakaiba.
Lumabas ang mga nakasunod na tagasilbi sa kanya kaya naman tumingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin, kami na lamang dalawa ang natira dito sa silid, ngayon ay malaya na kaming makakapag usap.
"Sino ka ba talaga?" Walang paligoy ligoy na tanong ko, ang ngiti sa kanyang labi ay hindi parin nawawala. Nakatitig siya sa akin na para bang natutuwa siya na makita ako.
"Karma." Tawag niya sa pangalan ko. Pinagmasdan ko lamang siya. Hindi ko alam kung makikipag laro pa ba siya sa akin bago ko malaman kung sino siya.
"Wala akong oras para makipaglaro pa sayo Siir." Malamig kong sabi, natawa siya.
"Ang isang kaluluwa na gaya mo ay nauubusan na pala ng oras ngayon." Natatawang sabi niya saka napailing iling.
"Ikaw, sino ka ba?"balik niyang tanong kaya medyo nainis ako sa kanya.
"Ako si Ksara, ang may hawak ng fourth circle at prinsesa sa underworld." Taas noong sabi ko dahilan para matawa siya ng malakas.
Tumaas ang kilay ko dahil sa ginawa niyang pag tawa, ano ang nakakatawa?
"Talaga ba? Sa anyo mong iyan isa kang prinsesa sa Underworld? Halatang nag papatawa ka Karma." Sabi nito at umupo sa kama niya.
"Wala akong pakealam kung natatawa ka, sabibin mo sa akin kung sino ka at kung matutulongan mo ba akong makuha ang katawan ko." Sabi ko, mas lalo siyang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ko.
"Isa kang prinsesa kamo sa underworld, bakit may katawang tao ka?"tanong niya kaya niyukom ko ang aking palad dahil sa inis. Ano bang pakealam niya? Bakit ang dami niya naman atang nalalaman?
"Sagutin mo na lamang ang tanong ko." Sabi ko. Tumingin siya sa akin habang naka ngiti, ilang segundo lamang ay biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi dahilan para matigilan ako.
Agad na nag seryoso ang awra niya at walang mababakas na emosyon mula dito, ang mala anghel niyang pagmumukha ay naging nakaka kilabot dahil sa pagkawala ng ngiti sa kanyang labi.
"Sino ako?"tanong niya saka ngumisi, dahilan para mas lalo akong matigilan.
Tumayo siya dahang dahang lumapit sa akin, sa isang kurap lamang ng mata ay biglang nag bago ang anyo niya dahilan para mapaatras ako.
Ang kaninang mapuputing balat ay napalitan ng pula at nag babagang balat, ang buhok niya ay nawala at naging mga ahas ang mata niya ay nawala at naging kulay itim lahat ang dila niya ay naging dila ng mga ahas at ang mga paa niya ay naging paa ng ibon.
"Ako si Mira." At ang boses niya, naging nakakatakot ito at nakakatindik balahibo. "Ang unang tagapangalaga ng fourth circle at prinsesa ng underworld." Dagdag niya dahilan para matigilan ako at manigas.
Marahas niyang hinawakan ang pisngi ko at itinaas sa ere, nakatitig lamang ako sa kanya at patuloy na inaabsorb ang sinabi niya.
Siya ang unang taga pangalaga ng fourth circle?
At ang prinsesa ng underworld?
"Natatakot ka na ba Karma?" Tanong niya saka inihagis ako sa gilid ng kama niya dahilan para mapapikit ako dahil sa isang iglap lamang ng mata ay nasa harap ko na naman siya.
"Ang lakas mong sabihin na ikaw ang prinsesa ng underworld kahit na alam naman nating dalawa na isinumpa ka lamang." Nakangisi niyang sabi saka hinawakan ang buhok ko.
"Matutulongan ba kitang mabawi ang katawan mo?"tanong niya saka hinila ang buhok ko dahilan para mapadaing ako sa sakit.
"Oo, kung gugustuhin ko at kung nanaisin ko." Natatawang sabi niya saka ako binitawan at muling bumalik sa anyong tao niya.
"Ngayon Karma, tatanongin kita. Gusto mo bang mabawi ang katawan mo?" Tanong niya habang nakangiti sa akin. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.
Bakit hindi ko alam ang tungkol sa unang tagapangalaga ng fourth circle? Kung siya ang unang tagapangalaga bakit naririto siya ngayon?
"Oo." Sagot ko, ngumiti ng pagkatamis tamis si Siir.
"Kapalit ng isang kondisyon." Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin. "Tutulongan kitang makuha ang katawan mo pero akin ang buhay ng lalaking iniibig mo." Wika niya dahilan para matigilan ako.