Chapter Fifteen
"Ate Alisa kakain na daw tayooo!" dinig kong sigaw ni Yuri mula sa labas ng aking kwarto.
Mabilis ko naman pinataya ang phone ko habang may ngiti sa aking labi. I have been texting Daxon back and forth. For the past hours of our free time ko dito sa aking silid. The plan of putting my phon on airplane mood is long gone.
Ellie has been calling me all the time, but I just muted them so that I can't receive ang notifications from them. I even got a text from Dame saying I can talk to him if I have a problem. But I choose to leave Manila instead of talking to them, maybe I'm just gonna pretend when I came back.
"Ano bang ginagawa mo sa taas?" tanong ni Kuya Lev kay Yuri habang naka upo kami ngayon sa dining table.
"I'm resting Kuya Lev. Napagod kasi ako sa pag-go-grocery natin kanina," sagot naman ni Yuri habang sumasandok ng pagkain.
"Utot mo! Anong resting resting pinagsasabi mo naririnig kita sumisigaw," sabi naman ni Kuya Lev.
"She's shouting? I didn't hear that," takang tanong ko. Wala kasi akong narinig na kahit anong ingay kanina habang masa kwarto ako.
"See even Ate Alisa didn't hear about the shouting na sinasabi mo Kuya Lev," mayabang na sabi naman ni Yuri.
"Are deaf Alisa? Buong bahay rinig ang pagsigaw niyan even si Manang na nasa kusina narinig siya."
Am I being unaware of my surroundings just because I was texting with Daxon. Or maybe hindi lang talaga gano'n kalakas ang pagsigaw ni Yuri. Her room is on the east wing of the house, while mine is on west wing of the house.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay nagtatalo sina Kuya Lev at Yuri kung talagang maingay ba si Yuri o hindi. Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa habang kumakain. Hindi parin kasi mawala sa isip ko ang text ni Daxon sa akin kanina. His text are so addicting that can't remove them on my head.
"What are you gonna do here now Alisa?" Kuya Lev ask me on a monday morning. Nandito ako sa harapan ng bahay namin naka upo sa pavilion. I ask manang ba dito ihahatid ang almusal ko.
"Magbabasa ng libro Kuya Lev. Kaya ko mag-isa dito sa bahay lalo na't madami akong dalang books," sagot ko sa kanya at ipinakita ko ang mga librong nakapatong sa table.
"You sure? If gusto mo mamasyal you can ask Manong to drive you around Eretria."
"Ano oras lumalabas si Yuri? Susunduin ko siya," sambit ko habang dahan dahan ko inilalapag ang teacup ko sa lamesa.
"Bakit mo siya susunduin? Aalis kayo?" tanong ni Kuya Lev sa akin. Nakakunot pa ang noo nito hahang nakatingin siya sa akin.
"Nope? I just want to see their school," maikli kong sagot kay Kuya Lev.
"Okay, 5:00 pm ang labasan nila. Take care okay?" Hinalikan ako sa noo ni Kuya Lev bago siya tuluyang umalis.
Sa pag-alis na Kuya Lev ay itinuloy ko ang pagbabasa ko ng aklat na hawak hawak ko kanina. The fresh air and quiet environment help me a lot to focus on the book that I'm reading. This is one of the reason kung bakit dito sa labas ko napagpasyahang magbasa.
I turned off my phone last saturday evening. Mute can't hold Ellie's calls and texts to me, hindi ko na nireplayan ang huling text sa akin ni Daxon. And maybe going to Yuri's school would help me to see even a glimpse of him. I kind of wanted to see him even just once everyday if I can't talk to him.
"Senyorita Alisa maari ko na po bang kunin ang pinagkainin niyo?" tanong sa akin ng isang katulong. Napalingon naman ako sa kanya na may dalang tray ngayon.
"Sure tapos naman din po ako. And can I ask for orange juice after an hour?" I said in a very polite tone of voice. I don't want to sound rude because she's older than me. Even if she's working for us but she's stil older to and I need respect her.
"Masusunod ko Senyorita," sagot nito sa akin habang patuloy nitong nililinis ang mga pinagkainan ko sa lamesa.
"And Ate you should eat breakfast na din po it's getting late," paalala ko dito at nginitian ko siya at tinuloy ko ang pagbabasa ko.
Tahimik akong nagbabasa dito sa labas habang ang mga tunog ng mga dahon ng halaman ang naririnig ko sa paligid. Pamunsan ay ang huni ng ibon na nagpupunta sa taas ng pavilion. This is perfect to me.
Noong matapos ko isang aklat ay tumayo na ako upang mag inat. I can feel my body getting stiff because of sitting for a long time. I even eat my lunch here at pa and dahil ayaw kong isira ang ang book na binabasa ko. I even read the book while eating, and I'm greatful na pasta ang lunch na binigay sa akin ni Manang.
Pumasok na ako sa loob ng bahay upang makaligo. Hindi ako pwedeng malate sa pagsundo kay Yuri dahil baka umalis to ng bigla sa school. After kong maligo ay nagsuot kulay cream string strap and backless above the knee dress. I wore a brown 2 inches heels sandals, before slightly curling my hair.
"Oh my God!!" tarantang sabi ko noong makita ko ang orasan sa aking silid. Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumakbo na ako palabas ng aking silid.
"Manong tara sunduin na po natin si Yuri," madali kong sabi pagsakay ko sa backseat ng kotse namin.
"Masusunod po Senyorita," sambit naman ni Manong at sinimulan ng paandarin ang kotse.
Habang nakasakay ako sa kotse ay pinapanood ko ang dinadaanan namin. The scenery here is really beautiful and very familiar to me. Ngumiti ako ako habang pinapanood ko ang dinadaanan namin. Ngunit kaagad naman nawala ang ngiti ko noong marealize ko na maaring umalis kaagad si Yuri.
"Manong can I borrow your phone po? I'm just gonna contact Yuri," marahan kong pakiusap kay Manong habang nag-da-drive ito.
Kaagad naman niyang inabot sa akin ang ang phone nito at mabilis ko naman tinagawan ang number ni Yuri. Natawa ako pangalan nito sa telepono ni Manong, I didn't expect this name. 'Senyorita Yuri'
"Hello Manong bakit ka po natawag?" tanong kaagad ni Yuri pagkasagot nito sa tawag.
"It's me your Ate Alisa. Wait for us diyan sa school mo susunduin kita," sabi ko naman sa kanya habang patuloy ako nakatingin sa dinadaanan.
"Ha? Bakit mo ako susunduin? And why are you using Manong's phone?"
"Ang daming tanong Yuri just wait for us there," sabi ko dito at pinatay ko na ang tawag. Binigay ko na muli kay manong ang kanyang phone.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa school ni Yuri. Kaagad naman akong bumababa upang hanapin si Yuri. Dahil na rin sa madaming lumalabas na estudyante ay madali akong naka pasok sa school. Pagpasok ko sa school ay napapalingon ang iilang estudyante sa akin.
"Alisa? Hinahanap mo ba si Yuri?" pagkarinig ko palang sa boses niya ay bumilis na ang t***k ng puso ko.
"Hey Daxon, Yes I'm looking for nakita mo ba siya?" tanong ko sa kanya habang nililibot ko ang aking paningin upang iwasan ang mga tingin nito sa akin.
Suddenly I hear some whispers of the students who are passing by us.
"Who's that girl?"
"Is she new here? And talking to Daxon?"
"And here I thought si Shana lang ang threat natin. And this girl shows up."
"Is that type of clothes is allowed at our school?"
Madami pa akong narinig na bulong bulungan sa mga dumadaan na estudyante. But what shocked me is the way Daxon seems doesn't hear all this whispers.
"Sumama kina Alex. Ang sabi niya sa akin ay sabihin ko na lang sa'yo," sagot naman ni Daxon habang nakatingin siya sa akin.
"H-ha? I said susunduin ko siya eh," I said in a very small voice.
"Why? May pupuntahan ba kayo? I can accompany you if you want to," mahina nitong sabi sa akin and it seems like ako lang nakarinig.
"Sa bayan sana. I want to buy something," sagot ko sa kanya. Even if wala talaga akong pupuntahan with Yuri. But since Daxon offered he would accompany me I suddenly want to go somewhere with him.
"I help you. Wala naman ako ginagawa," naka ngiting sabi nito ngayon sa akin. I'm about to go crazy right now.
"Really? Let's go, naghihintay sa labas ang driver namin," yaya ko sa kanya.
"Magpapaalam muna ako sa mga pinsan ko," ani nito at itinuro ang dalawang lalaki na nakatayo sa tabi ng isang Mercedes-Benz na kotse.
Naglakad ito palapit sa kanila at sumunod naman ako sa kanya. Paglapit nito sa dalawang lalaki ay nagulat ang dalawa na may kasama si Daxon.
"Hindi ako sasabay sa inyo," maikli sabi ni Daxon sa dalawang lalaki. These must be his cousins, they look different and the same at the same time.
"Aalis ka Daxon?" tanong ng isang lalaki na mukhang kaedaran lang ni Daxon.
"Yes, Aalis kami ni Alisa," ani naman ni Daxon at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Kaagand naman naibaling ang tingin ng dalawang lalaki sa akin.
"Hello," bati ko sa dalawa habang nakangiti sa kanila ngayon.
"Hello Ate Alisa. You look so pretty," bati sa akin ng nakakabatang pinsan nila.
"Hello and you are?"
"Aiden, Ate Alisa. Dito ka rin po ba nag-aaral?" tanong nito sa akin. Aiden is really so cute, he look very young and cheerful.
"How cute naman, Aiden. Nice meeting you. No I'm just visiting here I live in Manila," I said to him with a smile on my lips. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa lalaking kausap ni Daxon kanina.
"Clyden Adriatico nice meeting you Alisa," sambit nito at iniabot ang kamay niya sa akin.
"Nice meeting you too Clyden," bati ko sa kanya at tinanggap ko ang kanyang kamay.
"Tama na yan! Aalis na kami. Sabihin mo na lang kay Tita Cali na uuwi din ako mamaya," sabi ni Daxon at tinignan niya ang kanyang mga pinsan.
"Shana will look for you," marahan na sabi ni Clyden dito. That name is very familiar to me I feel like I heard that name before.
Looking at these three cousins they are look really have something that attractive them. It's like they have their own charisma and they are very charming. I get it why people would get so interested with these three. Being near this three seems like I was being surrounded by beautiful paintings in the museum.
"Just tell her may ginawa lang ako with my groupmates," sagot ni Daxon sa kanyang pinsan. Napansin ko naman na naka tingin lang sa akin si Aiden kaya nginitian ko siya.
"Alisa let's go?" yaya nito sa akin at kumaway muna ako sa dalawa bago ko sinundan si Daxon.
Paglabas namin sa school ay kaagad ko nakita ang kotse namin. Sumakay ako sa likod habang si Daxon naman ay sumakay sa shotgun seat.
"Manong sa bayan po tayo. Si Yuri ay may pinuntahan kaya kaming dalawa ni Daxon ang sa bayan." Tumango lang sa akin si Manong at nagsimula na itong mag-drive.
My plan was just to fetch Yuri sa school but here I am sitting at the backseat of our car, while Daxon is sitting at the shotgun seat. I don't really thought of going to the bayan.
Now ano bibilhin ko doon? Bakit ko ba kasi sinabing may bibilhin ako? Pwede naman gusto ko kumain diba? Bat kailangan bibilhin pa. I should think anything na pwede ko bilhin sa bayan. Something na importante na kailangan ko pang pumunta sa school ni Yuri. I don't want Daxon to think that I just went there for nothing.
"Senyorita Alisa hihintayin ko po ba kayo sa parking ng bayan o tatawag po kayo?" tanong ni Manong sa akin habang nag-da-drive pa ito. Alam kong malayo layo pa kami sa Bayan dahil parang limang minuto palang kami nakaupo sa kotse.
"Hindi naman po kami magtatagal ni Daxon sa Bayan manong. Can you please to wait for us?"
"Or maybe go around din po Manong. Para hindi naman po kayo mainip kakahintay," ani ni Daxon. Tumango tango naman ako sa sinuggest nito para kay manong.
"Oo nga po Manong. Maybe eat na rin po kung nagugutom kayo."
"Salamat po."
Napangiti naman ako noong napapayag namin si Manong na mamasyal din. I sometimes think din kung ano ba ginagawa nila habang naghihintay. It made me worry about them too kaya, I feel really glad na sinabihin ni Daxon na pwede mamasyal si Manong.
Pagdating namin sa Bayan ay bumababa na ako kaagad sa kotse. And sumunod na sa akin si Daxon now that we are here nahihirapan na ako maghanap ng bibilhin. Sa bawat paglalakad namin ay nag-iisip ako ng kung ano ba talaga bibilhin ko dito. Sa bawat tingin ko sa mga stalls ay parang gusto ko na bilhin ang mga yun upang matapos na to.
Habang naglalakad kami ay damang dama ko ang titig ni Daxon sa akin mula sa likod ko. Parang nanlalambot ang mga tuhod sa mga titig nito. Kaya naman gustong gusto ko na makahanap bibilhin ko para maka iwas na ako sa titig ni Daxon.
"May bibilhin ka ba talaga?"
"Oh dear God! don't whisper on to my ears," I suddenly out loud and sa sobrang hiya ko ay tinakbohan ko siya.
~~