Chapter One
Growing up my mother would always tell me that, "You must find someone older to love you, Alisa."
"Why someone older, Ma? What if I love someone that is younger to me?"
"Alisa baby, love will only work kung mas matanda sayo ang lalaki."
"Eh?? Bakit po gano'n?"
"You see Alisa women tend to mature faster than men. If kasing age mo yung lalaki you are probably more matured to him like 3 years."
"Gano'n po ba Mama?" Kahit na hindi ako masyadong naniniwala sa sinabi ni Mama sa akin ay pinili ko nalang sumangayon sa kanya.
Ang mga salitang iyon ni Mama ay parang tumatak sa aking isipan. Hindi nawala ang mga salitang iyon sa isip ko. Hanggang sa mag-highschool ako ay dala dala ko ang mga iyon.
"Alisa! Nakita mo na yung bago nating classmate?" tanong sa akin ni Ellie habang inaayos ang kanyang buhok.
"Oo, saang school siya galing?" tanong ko pabalik sa kanya. Tumingin ako sa kina-uupuan noong bago naming kaklase. Pero kaagad din bumalik ang tingin ko sa libro na hawak ko.
"Ewan hindi ko din alam eh. Pero ang gwapo niya diba?"
"I don't think so?"
"I find him gwapo pero hindi ko siya type. Mas gusto ko padin yung mga senior high," nakangiting sambit nito sa akin. Inirap ko lang siya, parang si Mama tong si Ellie.
"Yeah right older guys are better," sagot ko.
Habang nagbabasa ako ng libro ay nararamdaman ko na may nakatingin sa akin. Ipinagsawalang bahala ko ito at itinuloy ang ang pagbabasa ko.
"Sana ay hindi na pumasok ang susunod nating teacher. Nakakatamad gusto ko lang ma-upo dito at hintayin uwian."
"Ellie ang tamad tamad mo talaga, pero sana nga ay hindi na siya pumasok. Ayaw ko mabitin dito sa binabasa ko," sagot ko kay Ellie habanag nakatuon padin ang pansin sa binabasa ko.
"Ano ba yang binabasa mo? Noong isang araw kapa tutok na tutok diyan ah."
"Manga, Ellie. Hindi mo alam ang mga ganito dahil you only read snow white," sagot ko sa kanya. Isinara ko ang libro na hawak ko at ipinatong ko ito sa lamesa.
"Whatever, Alisa. Bibili ako ng turon sama ka?"
"Hindi, ibili mo na langa ako."
"Sayang titingin sana tayo sa SHS building, pero ako na lang sige."
Hindi na ako nakasagot pa kay Ellie dahil nasa labas na kaagad ito ng classroom namin. Nasa ika-limang subject na kami pero dahil wala pa din yung teacher ay ginawa ito ng break ng mga classmates namin. Tinignan ko yung binabasa ko kanina at napag-isipan ko na mamayang gabi ko na lang ito babasahin.
Nilibot ko ang paningin ko sa silid namin at na gulat ako noong nagtugma ang tingin namin noong bagong classmate namin. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. What the hell? Bakit ako kinakabahan? Kaagad akong umiwas ng tingin pero ramdam ko padin ang tingin niya sa akin. What's wrong with him. Sinubukan kong yumuko sa table ko habang hinihintay ko na bumalik si Ellie. I feel so conscious with the thought of him staring at me.
"Uy Alisa!"
Nagulat naman ako sa bigla akong inalog ni Ellie. Hala nakatulog ako?! Kaagad ko naman inangat ang ulo ko.
"Ang tagal mo! nakatulog na ako sa sobrang tagal mo!"
"Sorry na masyado akong nag-enjoy sa kakatingin eh. Oh eto na turon mo, hindi ko na pinalagyan ng condensed dahil alam kong ayaw mo." Iniabot niya sa akin yung turon at umupo sa tabi ko. Tinignan ko si Ellie na may hawak ding sariling turon, napa-iling na lang ako noong naalala ko yung sinabi niya.
Matagal ko nang kaibigan tong si Ellie, simula noong nag-elementary ako ay kaibigan ko na siya. Hanggang ngayong grade 9 kami ay magkaibigan padin kami, hindi ko alam na magtatagal kami na ganito. Ellie would always drag me to SHS building para makasulyap lang siya ng mga gwapong nasa senior high. Hindi ko alam kung bakit hanggang sulyap lang siya sa mga ito. Kahit na may natitipuhan siya ay hindi niya ito tinatanong kung ano ang pangalan o kahit na ano.
You see Ellie is not ugly for her to be shy to talk to those guys. Like she has slender body type, her hair is short and curly. Ang kanyang mga mata naman ay mapupungay at ang kanyang ilong ay maliit pero matangos. Para sa akin ay siya ang tunay na definition ng morena beauty, kaya hindi ko lang maisip na dahilan yung hindi siya maganda. Oh well baka gusto niya lang talagang tignan ang mga ito.
"See you tomorrow Alisa," ani ni Ellie sa akin habang kumakaway siya.
Sumakay na ako sa kotse namin at hinatid na ako sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag noong nakarating kami kaagad sa bahay. Walang masyadong traffic kaya naman maaga akong naka-uwi. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng isa sa mga katulong namin.
"Magandang hapon po Miss Alisa. Mag mimeryenda po ba kayo?"
"Magandang hapon din, busog pa ako. Dumating na ba sina Ate?"
"Wala pa po sila Miss."
"Okay," sagot ko atsaka na ako nagpatuloy na umakyat sa taas papunta sa silid ko.
Pagpasok ko sa aking silid ay ipinatong ko ang bag ko sa mini sofa at humiga ako sa bed. Para naman akong nakahinga ng maluwag noong nakahiga ako, parang na ngalay ang katawan ko pagkakaupo sa school maghapon. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ako tumayo para makaligo na.
Habang namimili ako ng susuotin ay may kumatok sa pintuan ko. Inayos ko muna ang suot ko na bathrobe bago ko binuksan ang pintuan. Pagbukas ko ay nakita ko si ate na nakangiti sa akin.
"Alisa kanina kapa ba?"
"Mag-iisang oras na akong nandito ate bakit?"
"Maaga ka atang naka-uwi ngayon?"
"Walang masyadong traffic eh. Magbibihis lang ako ate." Iniwan ko siya at naglakad ako papunta sa walk-in closet ko para makapag bihis ako.
"Gusto mo na bang kumain? Para hindi na tayo sasabay kina Mama?"
"Baka magalit sila sa atin. Alam mo naman si Mama gusto niya tayo laging kasabay kumain," sagot ko sa kanya habang sinusuot ko ang shorts.
"Gusto niya tayong makasabay kumain para may ma-set up siya sa atin," ani naman ni ate. She's right, kapag kasabay namin kumakain sina Mama ay lagi siyang may inirereto sa amin. Mostly mga anak ng business partners nila.
"Wala naman tayong magagawa. Atsaka ayaw ko mapagalitan kay Papa. Alam mo naman ma kapag nagalit si mama for sure si Papa ang sisihin nun," sambit ko at nagsimula na akong maglakad palabas ng closet.
"Kapag may inireto siya sa akin ay hindi na ako sasabay ulit sa pagkain. Siya nga pala nakita ko kanina si Ellie sa building namin, may gusto ba siya doon?"
Maria Eliana Corpuz, nasa grade 12 na si ate matanda siya sa akin ng apat na taon. Siya ang ikalawa sa aming magkakapatid. Her features are very much similar to Papa, she has a fair skin and her height is like papa too. Matangkad si Ate, parang kasing tangkad niya nga ata si Kuya e. And for her facial features ay parang may kaonti siyang nakuha kay Mama. Her eyes are almond shape and the color of her eyes are light brown. Napakahaba ng kanyang buhok, hindi ko pa ata siya nakitang nagpagupit ng maiksi, she has a full bangs. Ayaw ni Ate na nirereto siya ni Mama sa mga lalaki. Ang gusto niya ay siya mismo ang makahanap ng lalaking mamahalin niya.
"Nag-sight seeing lang siya nun Ate. Bumili kasi siya ng turon kaya ayun napadpad sa building niyo," sagot ko sa kanya habang nag susuklay ako ng buhok. Si Ate naman ay naka-upo sa may mini sofa ko dito sa aking silid.
"Hay nako si Ellie talaga," ani ni Ate. Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay habang si Ate ay nag-scroll sa kanyang telepono.
"Uuwi ba si Kuya ngayon?"
"Ang sabi ay uuwi siya ngayon kasama si Yuri," sagot ni Ate sa akin. Para naman akong nabuhayan sa sagot niya sa akin. Sa probinsiya kasi sila nakatira ni Kuya.
"Talaga? I'm so excited, sana ay makarating sila bago tayo mag-dinner."
"I missed Yuri, sana ay gano'n parin siya. Maliligo muna ako, Alisa." Tumayo siya at naglakad na palabas ng aking silid.
Paglabas ni Ate ay umupo ako sa vanity chair at tinignan ko ang sarili sa salamin. Green, almond and upturned eyes. Long leashes with arch eyebrows, high cheekbones small pink lips and pointed nose. Hinaplos ko ang namumula ko na pisngi, my cheeks are always like this rosy cheeks. Dahil na rin siguro sa kulay ng balat ko kaya mamula mula ang pisngi ko. My facial features is really like my mother I inherit her green eyes. Sa aming magkakapatid ay ako lang ang mayroong kulay green na mata. My hair is wavy at the bottom, it's long and shiny.
Ang katawan ko naman ay normal lang para se edad ko. Ang height naman ay medyo matangkad ako ng kaonti pero dahil sa itsura ko ay napagkakamalan akong mas bata se edad ko.
"Alisa! Bumababa kana nandito na sina Kuya!" rinig kong sigaw ni Ate mula sa labas ng pintuan ko. Dali dali naman akong lumabas ng kwarto ko at bumababa.
Pagbaba ko ay nakita ko si Kuya na nakangiti sa akin habang nakalahad ang kanyang mga kamay. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kuya namiss kita!"
"Aw me too, Alisa. Namiss ko ang malumanay mong boses," sabi ni Kuya at hinalikan niya ang ulo ko.
Levier Corpuz, is the eldest among us. He's like five years older to Ate and nine years older to me. Sa probinsiya siya nakatira dahil siya ang namamahala sa farm at cotton plantation namin doon. Ayana Ouri Corpuz, the youngest. Kasama niya si Kuya sa probinsiya dahil ang sabi niya ay mas gusto niya ang ambiance doon. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya pero kung ipagtatabi kami ay parang mas bata ako sa kanya dahil sa height ko.
"Yuri, namiss ka ni Ate. Nag-eenjoy kaba doon?" tanong ni Ate kay Yuri at niyakap niya ito.
"Syempre naman Ate Rina ang saya kaya doon. Walang masyadong polusyon at malinis ang hangin!" masayang sagot nito kay Ate.
"Narinig mo yun Alisa? Ganyan ang boses na lagi kong naririnig parang lagi akong inaaway," sambit ni Kuya at lumingon siya kay Yuri.
"Eh yang mukha mo banaman ang lagi kong nakikita! Ang panget panget mo," sagot pabalik ni Yuri sa kanya.
Natawa lang kami ni Ate sa kanilang dalawa. Kahit silang dalawa ang magkasama doon sa bahay namin sa probinsiya kapag dumarating sila dito ay lagi silang nag-aasaran.
"Alisa sumama ka sa amin sa bakasyon mo."
"Ha? bakit naman? Anong gagawin ko doon?"
"Vacation! Ate Alisa sumama kana dali, magugustohan mo doon, promise."
"Kayong dalawa bakit si Alisa lang sinasama niyo?"
"Hindi ka pwede sumama sa bakasyon dahil tutulong kay Mama sa bago niyang pastrie shop," sagot ni Kuya at kaagad naman napasimangot si Ate.
"Magpapaalam muna ako kay Mama at Papa," sambit ko at tinignan ko yung dalawa.
"Huwag kang mag-alala kami ni Kuya Lev ang bahala kina Mama," nakangiting sambit sa akin ni Yuri. Napangiti din ako sa kanya at niyakap ko siya. Namiss ko din siya, namiss ko ang pagiging sweet niya sa akin.
"Lev? Yuri??" Sabay saby kaming napalingon sa pintuan at nakita namin doon sina Mama ata Papa.
Kaagad naman lumapit sina Kuya at Yuri sa kanilang dalawa. Napangiti ako dahil ramdam ko ang saya nina Mama dahil kina Kuya. Once a month lang kami na kokompleto ng ganito kaya naman sobra ang saya nina Mama.
Matapos ang pagbati nina Kuya kina Mama ay nagpunta na kami sa kusina upang kumain.
"Ma, isasama po namin sa Eretria si Alisa."
"Eretria? Kailan naman?"
"Sa bakasyon niya po sana," sagot ni Kuya. Sumulyap naman ako sa reaction ni Mama mukhang papayag naman ito na sumama ako kina Kuya.
"Kailan ba ang bakasyon mo Alisa?"
"Three months po mula ngayon, Mama."
"Okay sige, mabuti pa at sumama ka sa dalawa. Ang Ate Rina mo ay maiiwan dahil siya ang tutulong sa akin sa pastrie shop."
"Pa? pumapayag po ba kayo?" tanong naman ni Yuri kay Papa.
"Gusto mo bang sumama Alisa?" tanong sa akin ni Papa. Alam ko naman na papayagan ako ni Papa na sumama dahil gaya ng lagi niyang sinasabi 'kung saan kayo masaya.'
"Gusto ko po, Papa."
"Kung gano'n ay pumapayag ako," nakangiting sabi ni Papa sa akin. Napangiti din ako sa kanya. Papa is always so supportive sa mga gusto namin.
"By the way Rina one of my business partner so-"
"Mama I said no blind dates for me!" pinutol ni Ate ang dapat na sasabihin ni Mama.
"Pero anak naman," mahinang sambit ni Mama sa kanya. Tinignan lang siya ni Ate at umiling sa kanya.
"Honey baka naman kasi wala pa sa isip ni Rina ang mga ganyan. Alam mo naman senior na siya, madami silang ginawa," pag-aawat ni Papa kay Mama. Alam ni Papa na siya lang ang makaka-awat kay Mama sa mga ganitong usapan.
"Oo nga Mama ang bata bata pa ni Rina hayaan mo muna siyang mag-enjoy," pangsasangayon ni Kuya.
"Pinagtulungan niyo pa ako. Oo na sige na hindi na kita irereto."
Naging tahimik ako sa sa buong pagkain namin dahil baka ako naman ang mapansin ni Mama. Hindi ako nakakatangi kay Mama kaya kung ako ang kakausapin ni mama ay baka sumangayon ako kaagad.
"Balita ko umuwi kahapon si Kuya Lev?" bungad na tanong sa akin ni Ellie kinaumagahan.
"Oo, pero umalis din sila kaninang madaling araw. May pasok pa si Yuri kaya kaagad silang bumalik," sagot ko sa kanya. Inilagay ko sa sabitan ang aking bag bago ako umupo. Si Ellie naman ay nakatayo padin sa harapan ko.
"Sayang! hindi ko man lang nakita si Yuri."
"Si Yuri ba talaga ang gusto mo makita?"
"Oo. Sino pab-"
Hindi natapos ni Ellie ang kanyang sasabihin dahil sa biglang pagsulpot at pagsasalita noong bago naming kaklase.
"Good morning, Alisa."
~~~