Chapter Two
Nagulat ako sa biglang paglapit at pagbati niya sa akin. Tinignan ko siya at parang bigla siyang nahiya sa kanyang ginawa. Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng pisngi ko sa pagtingin ko sa kanya.
"Uhm- I'm Damien Reyes, transferee ako. I'm sorry kung bigla akong lumapit at bumati," nahihiyang sambit nito.
"Nako don't worry, bago ka lang diba?" si Ellie ang sumagot sa kanya. Hindi ko parin mahanap ang lakas ng loob na magsalita. Hangga't nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko ay hindi ako magsasalita.
"Oo, naghahanap kasi ako ng magiging kaibigan. Kay Alisa ako lumapit kasi parang mabait at approachable siya," sagot niya kay Ellie at napakamot siya sa batok niya.
"ah eh, hello," nahihiya kong bati sa kanyan.
"Ano ba yan Alisa ang awkward mo naman. Hi Damien, I'm Elysse Lyie Gomez, Just call me Ellie." Inilahad ni Ellie ang kanyang kamay kay Damien.
"Nice meeting you, Ellie. You can just call me Dame then," sagot niya kay Ellie at nag-shake hands silang dalawa.
"I'm Aleshiana Marie Corpuz, you can call me Alisa. Nice meeting you too, Dame." Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam kong ilalahad ko ba ang kamay ko or what.
"Dame, saang school ka nga pala galing? Buti at dito ka sa school namin lumipat?" tanong ni Ellie sa kanya. Sa aming dalawa ni Ellie ay siya ang social butterfly, ako naman ay tahimik lang sa gilid at nakikinig.
"Actually galing ako sa probinsya. Ibinenta na kaso ang lupain namin doon kaya dito na kami sa Makati lumipat," sagot niya kay Ellie. Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin pero hindi ko ito masyadong pinagtuonan ng pansin.
"Woahh cool! may hacienda din pala kayo kagaya nina Alisa!" masayang sabi ni Ellie at tumingin siya sa akin.
"Nako hindi naman gano'n kalaki ang lupa namin para matawag ito na hacienda," nahihiya na sagot ni Dame.
Mas pinili ko na makinig lang sa pag-uusap nilang dalawa. Sa bawat tanong ni Ellie ay may naisasagot naman Dame. Hanggang sa dumating ang homeroom teacher namin ay hindi sila natapos sa pag-uusap nila.
Sa buong pag-le-lesson namin ay lumilipad ang utak ko. Naiisip ko kung ano ba ang madadatnan ko sa Eretria sa pagpunta ko doon. Magugustohan ko ba doon? Baka naman unang araw ko palang ay gusto ko ng umuwi kaagad. Pero siguro ay maganda naman doon.
"Hoy Alisa!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Ellie na nakatayo sa harapan ko.
"Bakit ba?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga notebook ko na nasa lamesa.
"Tumayo kana diyan nagugutom na ako," ani nito sa akin at hinaplos haplos niya ang kanyang tiyan.
"Sandali lang. Ilalagay ko lang ang nga gamit ko sa loob ng bag," sagot ko sa kanya.
Habang ipinapasok ko ang mga notebook ko ay narinig ko ang pagyaya niya kay Dame na sumama sa amin. Dahil sa bago palang dito si Dame ay wala itong kaibigan, sa tingin ko din ay magiging magkaibigan ang dalawang to. Habang palapit sila sa akin ay may pinagkukwentohan nanaman sila.
"Alisa tara na," yaya ni Ellie sa akin. Tumayo na ako at naglakad papalpit sa kanilang dalawa.
Habang naglalakad kami sa hallway ay napapatingin ako sa mga room na nadadaanan namin. Halos walang laman ang mga ito dahil sa lunch break at usually ay nasa canteen o di kaya naman ay nasa cafeteria ang mga estudyante. May mangilan ngilan din na lumalabas ng campus para kumain sa mga restaurant sa paligid.
Hindi na kami lumalabas ng campus ni Ellie kapag lunch break. Masyadong mainit kapag lumabas pa kami ng campus, tirik na tirik ang araw. Hindi kakayanin ng balat ko ang sobrang init for sure mamumula at mangangati ito. Kaya sa cafeteria na lang kami kumakain, madami naman cafeteria dito kaya hindi nag-o-overload ang mga ito.
"Alisa ako na maghahanap ng table natin. Kayong dalawa ni Dame ang mag-o-oder ng kakainin natin ha?"
"Yung usual ba ang sayo?" tanong ko sa kanya.
"Yep!" Naglakad na siya palayo sa amin ni Dame.
Habang nakapila kami ay nanatili kaming tahimik. Pinili kong hindi magsalita dahil na rin sa hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako katulad ni Ellie na madami ang alam sabihin. I'm more of a listener.
"Alisa um, ano yung order niyo ni Ellie? Ako na mag-o-order," ani ni Dame. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pagkamot niya ng kaonti sa kanyang tenga.
"Ha? nako huwag na. Nakakahiya."
"Don't worry Alisa. I just want to treat you and Ellie a lunch. Kayong dalawa ang una konh kaibigan simula noong lumipat kami dito," sabi nito at lumingin siya sa akin. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Ngayon lang ha? Carbonara at Lasagna ang order namin," sagot ko sa kanya at ngumiti ako.
"Drinks?"
"Lemon juice kay Ellie at Coke sa akin."
Inulit niya ang sinabi ko sa babae na kumukuha ng order sa cafeteria. Habang hinihintay ko si Dame ay inilibot ko ang paningin ko sa cafeteria. Napansin ko naman ang patitig sa akin ng isang senior high (base sa uniform). Ang weird na may senior dito sa cafeteria, usually kase ay sa labas or sa mall kumakain ang mga yan. Dahil na rin sa dalawang oras na lunch break nila ay hindi sila dito sa campus kumakain.
"Alisa tara?"
"Ibinigay na ba yung number?"
"Oo, ibinigay na."
"Osige tara na."
"Alisa, your voice is so soft. I like it."
Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi ni Dame. People tend to praise my voice, like they would always say that it is so soft and gentle. Pero si Dame lang ang nagsabi na gusto niya ito, hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa sinabi niyang iyon.
Naging gano'n lagi ang routine namin sa pagkain ng lunch. Minsan ay ako ang maghahanap ng table pero madalas na si Ellie ang naghahanap. Naging magkasundo yung dalawa dahil sa pareho sila ng mga hilig.
"Dame have you seen it?"
"Yung alin Ellie?" tanong pabalik ni Dame kay Ellie.
Nandito kami ngayon sa tables and benches sa school grounds. Wala na kaming lessons sa mga subjects pero hindi pa kami pwedeng umalis ng school. Biglaan kasi ang meeting ng mg teachers namin kaya ipinaalala nila sa amin na hintayin nalang daw namin ang oras bago umuwi.
"Yung bulletin board ang panget ng design!"
"Ay oo! Nakita ko nga kanina. Sino naman kaya ang nag-design nun?"
Isa sa pagkakapareho nilang dalawa ay ang pag-ju-judge sa mga bagay bagay dito sa school. Minsan naman ay ang mga estudyante pero hinahayaan ko lang silang dalawa. Hindi naman kasi sila umaabot sa punto na nakikipag-away sa mga estudyante.
"Kayong dalawa talaga, pati bulletin board ay pinagdideskitahan niyo!" saway ko sa kanila.
"Eh kasi naman Alisa ang panget. Hindi dapat idini-display ang mga gano'n," sagot ni Ellie sa akin. Tinignan ko silang dalawa na naka-upo sa harapan ko.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya. Napa-iling na lang ako at ibinalik ko ang attensyon ko sa aklat na binabasa. Nakikinig ako sa kanilang dalawa kahit na nagbabasa ako. Ilang beses silang nagpalit palit ng topic pero nakakasabay naman ako sa kanilang dalawa.
"Isang buwan na lang magbabakasyon na yay!" masayang ani ni Ellie. Tinignan ko siya at bumalik ang tingin ko sa libro.
"Oo nga. Saan ba kayo laging nagbabakasyon?" tanong ni Dame sa kanya. Panlimang topic na nila ngayon ang pagbabaskyon.
"Minsan sa ibang bansa kami nag babakasyon," sagot ni Ellie kay Dame.
"Sa Eretria ako magbabakasyon ngayon. Niyaya ako ni Kuya na magbakasyon doon," sagot ko habang nakatingin padin sa binabasa ko.
"Sa Eretria pala ang hacienda niyo, Alisa. Baka sa ibang bansa din siguro kami ngayon."
"Omg! sama ako!"
"Eh? baliw kaba? As if papayagan ka ni Tita Elaine," sagot ko kay Ellie.
"Ih kasi naman e, ang tagal ko ng gustong makapunta doon. Nakapunta kana ba sa Eretria Dame?"
"Next year nalang. Tignan ko muna if okay bang magbakasyon doon," sagot ko kay Ellie.
"Hindi pa. Pero malapit lang sa Eretria ang dati naming lupain."
Hindi na ako nakasunod sa pinag-uusapan nila dahil sa napuno ang isip ng kung ano ba ang meron sa Eretria. Kahit na may lupain kami doon at hindi pa ako nakakapunta doon. Hindi din kasi nagyaya sina Mama na magpunta ng probinsya, kaya first time ko din makapunta doon.
~~~