Chapter Three
Mabilis na lumipas ang mga araw at heto ako ngayon naka-upo sa van namin at pinapanood ang dinadaanan. Hindi ko alam na aabot na parang kalahating araw ang aabutin papunta dito. Nakalimutan kong magdala ng babasahin kaya heto ako ngayon nakikinig ng music.
Napansin ko naman ang isang arc na may naka sulat na; 'Eretria, lands of everything.' Para naman akong nakahinga ng maluwag noong nakita ko ito. Paglagpas ng van namin sa arc ay parang pumasok ako sa isang bagong mundo. The ambiance here is really different, ang dinadaanan namin ay sementadong daan. Sa gilid naman ay mga fences na iba't-ibang klaseng mga tanim. May nadaanan din kaming flower plantation na naka-agaw ng pansin ko, napakaganda ng mga ito. Hindi ko napansin ang bahay dahil sa masyado akong na mangha sa plantation, do they sell flowers there? or baka bulk orders lang tinatanggap nila.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may nadaanan naman kami na malaking mansion. Mataas ang mga gate pero mas mataas ang bahay at malaki ito, kitang kita mula sa labas ang ganda ng mansion. Napakalaki at napakaganda ng mga bahay dito. Malayo layo pa kami sa dahil alam ko na binanggit ni Kuya na dadaanan muna namin ang paaralan ni Yuri bago makarating sa amin.
"Alisa!" salubong sa akin ni Kuya. Bumababa ako sa van at tumakbo ako palapit sa kanya. Niyakap ko siya at siya naman ay hinalikan niya ako sa ulo.
"Kuya namiss kita!" masaya kong sabi sa kanya at hinigpitan ko ang pagkakayakap ko.
"Namiss din kita, Alisa. Gutom kana ba?"
"May pagkain na ba kayo Kuya?" tanong ko sa kanya. Inakbayan niya ako at naglakad kami papasok ng bahay namin.
"Oo naman. Nagpahanda ako dahil alam ko na darating ka. Manang pakihatid naman po sa taas yung mga gamit ni Alisa."
"Masusunod po senyorito."
Naglakad kami ni Kuya papunta sa kusina at habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko ang disenyo ng bahay namin. Malaki ang pagkaka-iba ng bahay namin dito sa Eretria pati na rin sa bahay namin sa Makati. Our house there is like very modern, ang floor namin doon ay black marble at mostly ay glass wall. Samantalang dito ay more on Spanish style, it was made on woods but it's a stylish wood.
Pagdating sa kusina ay sumalubong sa akin ang malaking lamesa na kulay mahogany. May nakahapag ding pagkain dito, at naamoy ko ang bango ng mga pagkain sa lamesa. Bigla naman tumunog ang tiyan ko at namula kaagad ang pisngi ko sa nangyari.
"Mukhang gutom na gutom ka, Alisa. Halika umupo kana dito," ani ni Kuya at ipinaghila niya ako ng pag-upuan. Umupo na ako at si Kuya naman ay umupo din sa kabisera ng lamesa.
"Ang haba kasi ng biyahe Kuya. Nakalimutan kong magpahanda ng snacks bago ako umalis."
Kinuha ko na yung lalagyan ng kanin at linagyan ko ang aking plato. Kumuha ako ng beef broccoli at cordon bleu, habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na ilibot ang paningin sa paligid.
"The ambiance here is different from our house in Makati."
"I can see it Kuya. Napakalaki ng mga lupain dito at ang hangin ibang-iba kumpara doon."
"Kapag nag-stay ka ng isang taon dito parang nadagdagan ng ilang taon ang buhay mo," natawang sabi ni Kuya sa akin. Alam ko kung ano ang sinusubukan gawin ni Kuya. Gusto niya akong tumira dito kasama sila, but I think living here is not for me.
"Kuya living here is not for me. I might stay here for vacation but I can't see myself settling here," sagot ko sa kanya.
Nagsimula na akong kumain at para naman nabuhayan ang dugo ko noong natikman ko ang pagkain. Napakasarap iba ang lasa ng pagkain na ito na dito naluto kaysa sa naluto sa bahay namin. I should tell Mama about this, maybe she should find new chef for us.
"Oh well. Tama ka nga naman, You are a epitome of shy city girl for me. Magka-iba talaga kayo ni Yuri, siya naman ay daring province girl."
"Oo nga pala nasaan si Yuri?"
"Nagpaalam may pupuntahan daw siya kasama yung kaibigan niya. May pasok pa sila hanggang next month pa siya," ani ni Kuya bago uminom ng tubig.
"Parang ang tagal naman?"
"Magkaroon kasi sila ng isang buwan na interruption kaya nadagdagan ng isang buwan ang pagpasok nila."
"Ikaw Kuya? Wala kabang gagawin ngayon?"
"Mayroon, minove ko mamayang 4:00 pm dahil hinintay kitang dumating."
"Gano'n ba Kuya, baka matulog niyan ako after kumain."
Ipinagpatuloy ko ang pagkain at ninamnam ko ang pagkain dito dahil napakasarap. Parang ang pagkain dito ang magdedesisyon kung babalik at magtatagal ako dito. Matapos kong kumain ay umakyat na ako sa aking silid, naligo muna ako bago ako humiga sa aking higaan. Pati ang higaan ko dito ay ibang-iba din, kagaya ng bahay ay spanish style ito. Napakalambot din kaya kaagad akong nakatulog.
"Ate Alisa!"
Napamulat ako noong may naramdaman ako nag umaalog sa akin. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Yuri sa akin. Umupo ako at nagulat ako noong bigla niya akong niyakap.
"Ate Alisa dumating ka!!"
"Of course, hindi ba't sabi ko sa'yo dito ako magbabakasyon?"
"Yay!! I will do my best para mag-enjoy ka sa bakasyon mo dito. Mamasyal tayo pagkatapos ng klase ko," ani niya at humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.
"Oo sige. Kumain kana ba? Saan ka nga pala galing?"
"Kakain palang Ate Alisa, ikaw ba? Ginawa namin yung group project kasama yung mga ka group ko."
"Kumain na kami ni Kuya kanina. Mabuti pa ta kumain kana din," sabi ko sa kanya. Tumayo na ako sa bed at naglakad na palabas ng silid. Sumunod siya sa akin at yumakap sa braso ko.
Habang pababa kami ng hagdanan ay nakayakap siya sa braso ko. Yuri is always so clingy and sweet to me. Kaya naman kapag umuuwi sila ay lagi lang siyang nadikit sa akin. Siguro dahil sa bata pa siya kaya she wanted me to be by her side.
"Ate Alisa tabi tayo matulog ha?"
Buong gabi ay nakukwentohan kami ni Yuri hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako sa araw na nagmumula sa kulay puting kurtina dito aking silid. Wala na si Yuri dahil may pasok pa daw siya. Bago ako bumababa ay naghilamos muna ako.
Pagbaba ko ay nakita ko si Kuya na paalis na ng bahay.
"Alisa magandang umaga. May pagkain na sa kusina, mayroon akong client na ime-meet ngayon."
"Good morning din Kuya. Mag-iingat ka, See you later."
Matapos kong kainin ang almusal ko ay bumalik ako sa sala namin. Nakaramdam ako ng pagka-inip pero mabuti at biglang tumunog ang telepono ko. Sakto ang pagtawag ni Ellie at Dame sa akin. It's a video call. Pagsagot ko sa tawag ay sumalubong sa akin si Ellie na nakasuot ng shades habang naka two piece. Si Dame naman ay balot na balot habang nakahiga na sa bed.
"Hello! Kamusta??" salubong na tanong ni Ellie. Umayos niya ng pagkaka-upo at mas lalo kong nakita ang paligid niya sa likod.
"Istorbo ka. Matutulog na sa ako eh!" reklamo ni Dame sa kanya. Natawa naman si Ellie na parang natutuwa pa sa pang-iistorbo kay Dame.
"Tamang tama ang pagtawag niyo. Hindi ko alam na maiinip pala ako dito."
"Eh? Si Yuri ba nasaan?"
"Mukhang inip na inip ka nga Alisa."
"May pasok pa kasi si Yuri eh. Isang buwan pa," pagpapaliwanag ko. Nilibot ko ang tingin ko sa aming sala.
"Ang aga-aga. Bakit hindi ka mamasyal? Hindi ka naman siguro maliligaw."
"Oo nga, Alisa. Alam ko masasarap ang pagkain diyan sa bayan."
"Talaga ba? Baka magpapatulong ako kay manong mamaya sa bayan. Nasaan nga pala kayo?"
"Nasa hawaii ako," sagot ni Shana sa akin.
"London, at maadaling araw na dito. Mamaya na tayo mag-usap ulit."
Pagkapatay ng tawag ay umakyat ulit ako sa aking silid at nagbihis na ako. Magpupunta ako sa bayan para tignan masarap nga ba ang pagkain dito.
"Manong, puwede po ba tayong magpunta ng bayan?"
"Oo naman po, Senyorita."
"Salamat po, Manong." Sumakay na ako sa kotse. Habang nagbibiyahe kami ay pinapanood ko ang dinadaanan namin. Walang masyadong taong nakakalat sa daan dito parang lahat sila ay may trabahong ginagawa.
Pagdating sa bayan ay nag-park si Manong habang ako naman ay naglakad lakad. Dala ko yung wallet at phone ko kaya kung may magustohan man ako ay bibili ako. Nagpunta ako sa isang stalls na naka-agaw ng pansin ko.
"Ate magkano po?" tanong ko at itinuro ko ang chocolate flavor pancake.
"Sampung piso yung tatlo," sagot ni Ate na nagtitinda.
"Twenty pesos po. Ate pwede pa-seperate yung chocolate syrup?"
"Pwede naman po." Pagka-abot sa akin nung pancake ay nagbayad ako. Laking sasalamat ko na may smaller bills ako ngayon.
Pagtanggap ko sa sukli ay nagpunta ako doon sa nagtitinda ng mango graham shake. Pero hindi pa ako nakaka-order ay may lalaking biglang humawak ng palapulsuhan ko.
"Hey! I haven't seen you in a while," ani nito. I look at him confused, kumunot ang noo ko at tinignan ko siya ng masama.
"Are you crazy?"
Tinignan ko siya mukha naman siyang may kaya sa buhay. His hair is curly and black. He has fair to pale skin complexion and a muscular athletic body. Napansin ko din ang mga mata niyang kulay black and upturned. His nose is pointed with little bit thick lips. Nakasuot din siya ng kulay navy blue na polo with khaki shorts. Matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako ng kaonti.
"I'm sorry miss, akala ko ikaw yung kaibigan ko."
"It's fine," maikli kong sagot sa kanya.
"Are you new here?" tanong niya sa akin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago ko siya sinagot.
"I'm here for vacation."
"Kaya naman pala bago ang mukha mo. May kasama kaba? Hindi magandang mag-isa ang isang babae dito," ani nito at tumingin siya sa paligid. Sumunod naman ang tingin ko sa kanya.
"Kasama ko yung driver namin," sagot ko.
"Gusto mo bang samahan kita? I mean I can tour you here."
"No thank you. Atsaka I don't even know you bakit naman ako magpapasama sayo?"
"Oh yeah I'm sorry. I was just offering, you seems like new and don't know where to go."
"No-"
"Dax! Tara na hoy nagugutom na ako."
~~~