Chapter Four
Napailing na lang ako noong makaalis na yung lalaki kanina sa harapan ko. Akala niya ba mauuto niya ako sa paganon ganon niya? I live in the city kaya alam ko ang style ng mga gano'n. Yayain ka nila i-tour kunwari sa lugar then ililigaw ka. Didn't know na pati dito sa Eretria may mga gano'ng klaseng tao. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtitingin tingin ko sa mga stalls dito.
May nakita naman ako na nagtitinda ng pudding. Mabilis akong lumapit sa stall na yun at nagtanong kung magkano.
"Ate magkano po pudding niyo?" marahan kong tanong habang nasa pudding parin ang tingin ko.
"Singkwenta isa ganda, ano bibili ka?" Hala ano daw? Parang ngayon ko lang narinig yung salitang yun ah.
"Opo dalawa nga po," ani ko naman dito. Hindi ako sigurado kung magkano babayaran ko dahil sa hindi ko naman alam kung magkano yung singkwenta na yun.
Habang binabalot ng nagtitinda yung pudding ay kinuha ko naman ang wallet ko. Hindi ako makapili sa mga papel na pera ko kung ano ibabayad ko. Nahihiya naman akong magtanong muli kung magkano yung binili ko.
"Bago kaba dito?" tanong naman sa akin nung nagtitinda. Kaagad naman napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita ako maliit na ngiti sa kanya mga labi.
"First time ko po dito. I'm here for vacation lang po," sagot ko at ngumiti ako kay ateng nagtitinda.
"Kaya pala ngayon lang kita nakita dito. Sige libre ko na lang sa'yo yang mga pudding. Welcoming gift sa'yo, sana mag enjoy ka dito."
"Hala! nakakahiya naman po bayara-"
"Nako hija huwag ka mag-alala ganito talaga dito. Kung malalaman lang ng pinagbilhan mo na bago ka dito ay hindi nila pababayaan yan," ani nito at tinuro ang hawak ko na pancake.
"Maraming salamat po!" masayang sabi ko naman dito. Iniabot na niya sa akin tung plastic kung nasaan ang mga pudding. Bago ako makaalis sa stall ni ate ay nag-bow muna ako at tuluyan na naglalakad palayo.
Habang naglalakad ako pabalik sa kotse ay napapalingon ako sa mga tao na nag-uusap. Mukhang magkakakilala kasi sila halos dito, ganito ba talaga kapag sa probinsya. Sa manila kasi sobrang konti lang ng mga nakasalubong mo na kilala mo. Even sa subdivision namin ay hindi magkakakilala ang mga tao dun. Iba talaga siguro kapag nasa probinsiya people are more of friendly.
Noong makita ko ang kotse namin ay sumakay na kaagad ako sa likod at nagsimula na nag-drive si manong. Pagdating namin sa bahay ay inilagay ko muna sa fridge yung pudding. I want to eat the pudding cold kase, maybe I will wait for Yuri na lang to come home bago ko kainin.
"Senyorita ano po gusto niyo kainin for lunch?" tanong sa akin ng isa sa mga katulong dito sa bahay.
"Kahit ano na lang po siguro," malumanay na sagot ko dito at tumango ito sa akin bago umalis.
Nandito ako ngayon sa dinning room namin kinakain ko yung pancake na binili ko kanina. I must say mas masarap pa ito kesa sa mga cafe dun sa manila. Ano ba meron sa mga pagkain dito sa Eretria bakit napakasarap. Hanggang sa matapos kong kainin ang pancake ay hindi mawala sa ang lasa nito. Parang nakatak na ang lasa nung pancake sa aking isipan.
Noong matapos akong kumain ay iniligpit ko yung pinagkainan ko at umakyat na ako sa kwarto ko. Tinignan ko naman ang aking phone at nakita ko na may messages yung dalawa sa gc namin.
Ellie: Wish both of you are here. Dami ko nakita na pwede nating i bash Dame.
Dame: Demonyo ka layuan mo ako!
Ellie: Mas demonyo ka kaya sa akin no. Atsaka akala ko bang natutulog ka?
Dame: Wala di na ako makatulog ang dami mo kasi dada. Anyways kamusta kaya si Alisa sa Eretria.
Ellie: I bet she's enjoying the food there now.
Dame: Yeah, I would too kung nandoon ako.
Me: Ang ingay niyo talagang dalawa.
Dame: Alisaaaa! kamusta diyan? gusto mo na mag-stay diyan?
Mag-ta-type sana ako ng reply ngunit hindi ko ituloy dahil sa biglang pagtunog ng aking telepono. Sinagot ko kaagad ang tawan nilang dalawa at inayos ko ang pagkakahiga ko sa bed. Medyo nakaramdam kasi ako ng pagod ngayon. Hindi naman gano'n katagal ang paglilibot ko sa bayan pero it's my first time na maglibot sa unfamiliar place.
"Kwento mo habang naka video call tayo. I wanna see your face while talking," bungad na sambit ni Ellie pagkasagot ko sa tawag. Nasa loob na siya ngayon ng kanyang hotel room, hindi katulad kanina na nasa pool area siya.
"Ang daming arte talaga nitong si Ellie ang sarap kutusan," inis na sambit naman ni Dame.
"Well maganda naman ang surroundings dito. Napakafresh ng hangin and even the house dito ang gaganda. Sa bayan naman ang daming nagtitinda ng pagkain," panimula kong kwento sa kanila. Nakikita ko naman ang pagtango tango ni Ellie at Dame.
"Masarap pagkain? Tana ba yung sinasabi ni Dame? Baka gawa-gawa niya lang yun ah," sambit naman Ellie.
"Hoy hindi ko gawa gawa yun. Masarap kaya talaga mga pagkain diyan," depensa naman Dame sa pambibintang ni Ellie.
"Dame is right, masarap mga pagkain sa bayan."
"Diba? Sabi ko naman sa'yo eh!" ani naman ni Dame at inilabas niya ang kanyang dila. Umirap naman si Ellie dito at natawa lang ako sa kanilang dalawa.
"Then amoy na amoy ko din ang aroma ng mga itinitinda nilang pagkain dun, parang gusto ko ngang tikman lahat ng pagkain dun eh."
"Now you are giving me more reason na makapunta dyan," sabi naman ni Ellie at nag pout ito.
"What pumunta tayo next week?" suggest naman ni Dame. Nanlaki naman ang mata ni Ellie at ngumiti ito.
"OMG! OMG! Sure punta tayo huhuhu," excited na sabi naman nito.
"Teka bakit parang ang impulsive niyo namang dalawa ata," ani ko naman sa kanilang dalawa medyo gulat ako sa bigla nilang plano na pagpunta dito.
"Why? Hindi mo pa ba natatanong si kuya Lev?" tanong naman ni Ellie.
"Hindi pa. Ang busy kase ni kuya eh. Maghapon siyang dalawa dito sa bahay," sagot ko naman sa tanong nito.
"Maybe let's wait muna if papayag kuya ni Alisa before tayo mag plano," ani naman ni Dame at parang babagsak ang balikat ni Ellie.
Nararamdaman ko naman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Actually ay kanina ko pa nararamdaman ang antok, ngunit inuna ko lang ang pakikipagkwentuhan sa dalawa. Gusto ko muna pagkinggan silang dalawa hanggang sa tuluyan akong makatulog.
Nagising naman ako paggalaw ng aking higaan, naramdaman ko din ang iilang buhok na nasa mukha ko. Alam kong hindi sa akin ang mga buhok na ito dahil iba ang amoy nito. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Yuri na nakahiga sa aking tabi. Nakapatong ang kanyang ulo sa aking braso at nakayakap ito sa aking bewang. Mukhang pagod na pagod ito galing sa school.
"Yuri," pagtawag ko dito habang inaalog ko ng kaonti ang kanyang katawan.
"Hmm?" sagot nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Hey! Yuri wake up na," patuloy na paggising ko sa kanya dahil nararamdaman ko na ang nangangalay ang braso ko. At for sure darating na din niyan si Kuya. I want both of us to welcome Kuya.
"Good morning Ate!" ngiting bati nito sa akin noong magising siya.
"Good morning ka diyan. Maggagabi na kaya no, tumayo ka na ba dumating na si Kuya," ani ko sa kanya at umambang tatayo na.
"Mamaya pa darating si Kuya niyan Ate. Teka maliligo muna ako!" Mabilis itong tumayo sa at tumakbo na ito palabas ng aking silid.
Pag-alis ni Yuri ay tumayo na ako upang mag-ayos ng aking damit. Pagkatapos ko ay inayos ko ang aking buhok at kinuha ang aking phone bago lumabas. Bumaba na ako mula sa aking silid at sinalubong ako ng mga katulong namin na busy sa pag-aayos ng dinning room.
"Good evening po Manang," bati ko kay Manang ng napadaan ito sa aking harapan.
Ngumiti naman sa akin si Manang bago siya sumagot, "Magandang gabi din po Senyorita Alisa." At tumuloy na ito sa paglalakad papunta sa kusina.
Umupo naman ako sa isa sa mga sofa namin dito sa sala at tinignan ang aking telepono. Maraming text message sina Ellie ngunit hindi ko muna ito binuksan dahil may text sa akin si Ate.
From: Ate Marina
Alisa? How are you? Okay ka naman ba diyan? Nag-eenjoy ka ba? I just hope that you are enjoying your stay there. Ate misses you bumalik ka dito ha?
Kumunot ang aking noo ng nabasa ko ang kanyang text sa akin. Did something happen to Ate? Nagsasagutan ba ulit sila ni Mama?
To: Ate Marina
Hello Ate! Unang araw ko palang dito pero nag-enjoy naman na ako ang sarap ng pagkain. Of course babalik ako diyan, why may nangyari ba?
Pagka-send ko ng text ay siya naman pagpasok ni Kuya. Pagdating niya ay tumayo ako sa aking kinauupuan at nilapitan ko siya. Niyakap ko si Kuya at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Alisa how's your day here?" salubong na tanong niya sa akin at hinalikan nito ang aking ulo.
"Okay naman Kuya ang dami ko na try na pagkain sa bayan," masaya kong sagot kay Kuya habang nakangiti ako sa kanya.
"I'm glad that you enjoyed your visit there. Dumating na ba si Yuri?" tanong ni Kuya ng makalayo ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Naliligo siya Kuya bakit? May problema ba?"
"Pag-uusapan natin mamaya sa dining area. Maliligo lang ako and then pupuntahan kita sa doon."
Pagakyat ni Kuya ay nagpunta na ako sa dining room at doon ko binasa ang text ni Ate Marina sa akin.
From: Ate Marina
Nothing happened, Alisa. It's just the house feels so empty without you here. I feel so alone.
Ate Marina is a type of person that would always seek someone's company. She would get lonely whenever I'm not there by her side. She might look like a snobbish person but deep inside her she's wanting someone's company. Ate Marina's vulnerable side is the reason why I don't want to leave her there in Manila.
To: Ate Marina
Ate if you are lonely ask Mama or Papa na magpunta ka din dito. Hayaan mo na si Mama sa pastry shop niya.
I know Mama wouldn't let Ate Marina leave, but Papa would surely agree. Kaya naman ang kailangan lang namin ay kausapin na si Mama. I should open this to Kuya, parang di ako mapapakali na mag-isa lang si Ate Marina doon.
Ilang minuto pa ay pumasok na si Yuri dito sa dining area. Umupo ito sa upuan na nasa harapan ko ngunit ang kanyang tingin ay nasa kanyang phone.
"Who are you texting?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at tinago ang kanyan phone.
"Groupmates ko lang Ate. Dumating na ba si Kuya?" tanong nito pabalik sa akin. Napansin ko naman na pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri. Is she nervous? Ano ba nangyari dito.
Sasagot pa sana ako sa kanya ngunit dumating na si Kuya. Nakakunot ang kanyang noo at mukhang naiinis ito o kaya naman ay galit. Mabilis siyang umupo sa kabisera ng dining table at pag upo nito ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Yuri.
"Tell me what happened," malamig na boses na sabi ni Kuya. This made me raise all the hairs in my body. Nakakatakot talaga si Kuya kapag ganito siya kaseryoso.
"Kuya kase sila naman magsimula eh. Nanahimik lang ako tapos pumasok sila sa room namin at hinila ang buhok ko," ani ni Yuri. Nanlaki naman ang mata ko sa kanyang sinabi, at ngayon ko lang napansin ang iilang pasa sa kanyang braso.
"They are accusing you na ikaw daw ang sumugod. Sabi ng guidance sa school niyo ikaw daw ang naghahamon ng away," seryosong sambit naman ni Kuya.
Habang ako naman ay nakaupo lang pinapakinggan ko silang dalawa na nag-uusap.
"Pinaniniwalaan mo ba sila?" tanong ni Yuri. Sinulyapan niya si Kuya at sumulyap din siya sa akin and I just gave her a smile of assuming.
"No, of course not. I know that you wouldn't do that. I just want to hear your side, gusto ko malaman ang dahilan ng pang-aaway nila sa'yo."
"You look so angry."
"I'm angry dahil inaakusahan ka nila sa bagay na di mo ginawa. So tell me what happened?"
"They are angry at me because Daxon is one of my groupmates. They said na hindi ko dapat kinakausap si Daxon."
Daxon? It's quite a familiar name, but what? Inaway nila si Yuri dahil lang kagroup niya ang isang lalaki? Those girls are crazy.
"Daxon? The Adriatico boy?" tanong naman ni Kuya habang nakataas ang kanyang kilay.
"Those girls are crazy!" wala sa sarili kong sambit. Dahil hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa kwento ni Yuri.
"Adriaticos are so famous and everyone want ro be with them. Ang nagagalit sila sa mga babae na lumalapit sa mga ito. But not all the girls yung iba lang na delusional ang nakakaisip na gawin yun," paliwanag muli ni Yuri. Habang nagsasalita ito ay napalailing na lang ako sa aking narinig.
"Kakausapin ko sana bukas ang guidance niyo Yuri, ngunit mayroon akong business meeting sa mga Adriatico. Alisa, can you accompany her to school?"
"Pwede na ako magpunta doon?" tanong ko habang tinitignan ang dalawa.
"Yes, sasabihan ko ang guidance nila. Daxon and the other girls involved are also there, so please stop your sister in any physical fight."
~~