Chapter Six

2319 Words
Chapter Six "What do you like?" tanong sa akin ni Daxon habang nakatingin sa mga pagkain na nasa harapan namin. I said iiwasan ko siya how did I end up being with him here at bayan? "Wala akong gusto. Gust buy whatever you need to buy," ani ko dito habang umiiwas ang tingin sa mga masarap na pagkain na nasa harapan ko. Nakakainis naman kasi itong si Yuri bakit ako pa ang pinasama pa dito kay Daxon. Pwede naman siya na lang ang sumama eh. Iniiwasan ko nga itong kaklase nito dahil iba ang apekto nito sa akin. Natatakot ako na baka magkaroon ako ng hindi kanais nais na pakiramdam. I take note what Mama said to me that I shouldn't like someone that is younger to me. Because older men are alot better and they would love more mature than younger boys. "Are you sure? Ang daming masasarap na pagkain ah!" pangungulit nito sa akin habang sinusubukan niyang ipakita sa akin ang mga pagkain. Mariin akong umiling at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Patuloy ako naglalakad hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presensya nito. Nang makalayo ako sa kanya ay naglakad lakad ako at tinitignan ang mga nadadaanan kong stalls. Sa ilang minuto akong naglalakad at hindi ko malala kung paano ako makakabalik sa bahay namin. Hindi ko din maalala kung nasaan ang nakapark ang kotse na sinakyan namin kanina. Great! Mukhang maliligaw pa ako sa pag-iiwas ko na makausap si Daxon. "Hello po can I ask about something po?" tanong ko sa ale na nagtitinda ng apple. "Ay ano iyon ineng? Naliligaw ka ba?" tanong nito pabalik sa akin at kagaad naman akong tumango sa kanya. "Bago lang po kasi ako dito and hindi ko alam yung daan pabalik kung sana yung kotse namin," pagpapaliwanag ko sa ale. "Ah, ineng dumeretso ka lang diyan sa kantong yan at kumaliwa ka. Makikita mo doon kung sana ang parking mga kotse." "Pero di naman po ako dun nanggaling kanina." "May isang daan kasi dito na magdala sayo papunta sa parking lot, ineng. Marami din kasi ang naliligaw kaya ginawa nila iyon para sa mga turista dito." "Gano'n po ba? Salamat po. Bili narin po pala ako ng green apple," ani ko at itinuro ang mag apple an binebenta nito. “Ilan ang gusto mo ineng?” tanong niya sa akin habang kumuhuha ito ng supot. "Sampung piraso po," nakangiti kong sambit at inaabot ang pambayad ko sa kanya. Nagsimula naman niya akong panguha ng sampung apple at kumuha ito ng dalawang red apple. Noong iniabot niya sa akin ang supot ng mga apples ay bibigay ko na ang aking bayad at nagpaalam na ako sa kanya. Yakap yakap ko sa aking mga braso ang mga supot ng apple habang naglalakad ako. Kalamado akong naglalakad dahil alam ko na tama ang dinadaanan ko. Pagkatapos kong kumaliwa sa eskinita ay nakita ko na nakapark ang aming kotse. Mabilis naman akong lumapit dito at sumakay sa likod ng kotse. Mukha naman nagulat si Manong sa bigla kong pagsakay sa kotse. "Senyorita uuwi na po ba tayo?" tanong nito noong mapansin niya ako na magsuot ng seatbelt. "Si Daxon?" Kahit naman iniiwasan ko ito ay ayaw ko naman siyang iwanan dito. Malayo panaman ang bahay namin mula dito sa bayan "Hindi niyo po ba kasama?" nagtatakang tanong ni Manong sa akin. "Ha? Hala hindi pa po ba bumabalik dito?" Nasaan naman kaya yun? Ang akala ko ay bumalik na siya kanina dito. Huwag mo sabihin hinahanap niya ako, ay baka naman hindi gano'n. Siguro ay naghahanap pa siya ng mga kakailanganin nila sa project. "Hintayin lang po natin siya Manong, baka kasj may binili siya na kinakailangan nila sa project," sambit ko habang inaayos ko ang mga apple sa kabilang upuan. Gagawin ko ang lahat para sa shotgun seat uupo si Daxon. Ayaw ko na siyang makatabi sa kotse after nang nangayari kanina. Ipinikit ko ang aking mata dahil sa mukhang matagal pa bago makabalik dito. Kaya mas mabuti na umidlip muna ako habang wala ito. Nagulat naman ako biglang pagtunog ng telepono ni Manong. Wala naman ako dalang phone kaya for sure sa kanya yun. Hindi ko iminulat ang mga mata ko hinayaan ko nakapikit ang mga ito. Nagbabakasali na makatulog muli ako. "Hello po Senyorita Yuri," dinig ko sabi ni Manong. Tumawag si Yuri? Bakit kaya may papadagdag pa kaya siya mga ipapabili. "Ha? Ano kasama ko po si Senyorita Alisa dito sa kotse. Anong nawawala?" tarantang tanong ni Manong. Iminulat mo naman ang mga mata ko at bakita ko na sinulyapan ako ni manong sa rear mirror. "Natutulog po siya kanina dito sa kotse. Tas ngayon kakagising niya lang po, gusto niyo po ba siya makausap?" Naghintay ng ilang segundo si Manong bago niya iniabot sa akin ang telepono. Tinanggap ko ito at inilapit ko ito sa aking tenga. "Hello? Yuri?" sambit ko at sinalubong ako ang sigaw ni Yuri. "Saan ka galing?! Ang sabi sa akin nan Daxon nawawala ka. Alam mo bang kanina kapa niya hinahanap?" pagalit at nag-aalalang boses na sambit ni Yuri sa akin. "Ha? Hindi naman ako nawawala. Ano nauna lang ako ng paglalakad sa kanya," depensa ko naman sa aking sarili. "Nagpaalam ka ba na mauuna ka? Daxon is still searching for you. Tinitignan niya ang bawat stalls para lang mahanap ka," ani ni Yuri. Parang na guilty naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam na hahanapin ako ni Daxon. I thought he would go on searching for the things they need. "Sorry," mahinang boses ko na sambit. "Huwag ka sa akin mag-sorry. Kay Daxon ka mag-sorry. Sige na tatawagan ko siya na nandyan kana sa kotse." At ibinababa na ni Yuri ang tawag. Sobra sobrang pagka-guilty ang aking nararamdaman ngayon. I shouldn't have done that, dapat kung ayaw ko yung ginagawa niya ay sinabi ko hindi yung nawala na lang ako bigla. Maybe I should wait for him to arrive here para makapag-sorry naman ako. Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin ko na siyang papalapit sa kotse. Ngunit kumunot ang aking noo ng makita ko ito na mah kaakbay na babae. Ano na guilty guilty pa ako tas ganyan lang makikita ko. Ang sabi hinanap ako pero mukhang kalandian ang hinanap nito. "Manong mauna na po kayo. Hindi ako makakasabay," sambit nito noong nasa tapat na siya ng bintana ni Manong. After niya itong sabihin ay tumuloy na siya sa paglalakad palayo sa amin kasama yung babae na kaakbay niya. Nagsayang lang ako ng pagka-guilty sa kanya. Pagdating sa bahay ay inabot ko kay manang ang dala kong mga apples at nilagpasan si Yuri pati ang mga kasama nito. Umakyat ako sa aking silid at kinuha ang aking telepono. Ikwento ko kina Ellie ang nangyari para mawala ang pagkainis ko. Naguilty ako sa wala. Me: Gising pa ba kayong dalawa? Ellie: Oo kakatapos ko lang mag dinner. Si Dame baka nasa plane pa, mamaya pa yun darating. Why is there something wrong? Me: Naiirita ako sa isa sa mga kagrupo ni Yuri dito. Nakakabanas. Ellie: Wow first time ko atang mabasa yan na galing sa'yo. Usually kasi you are so composed at hindi mo pinapansin kapag nakakainis. Me: He's different, Ellie. Naguilty pa ako dahil hinanap daw niya ako kasi inakalang nawawala ako tapos nakita ko may kaakbay na babae. Oh edi nagsayang lang ako ng pagka-guilty. Ellie: Woaah! so it's a he? Ano naman nakakainis dun? Me: Ellie binasa mo ba message ko? Ang sabi kasi ni Yuri na hinahanap daw niya ako kasi nawawala daw ako. Syempre ako naman naguilty dahil iniwan ko siya. Ellie: Bakit mo naman kasi iniwan? Me: Basta huwag mo na itanong. Nakakainis. Sige na maliligo muna ako ang lagkit ko na. Ibinababa ko na ang aking telepono at pumasok na ako sa banyo dito sa aking silid. Habang naliligo ay hindi mawala sa aking isipan ang pagkainis ko sa lalaking yun. Ngayon lang ako nainis ng ganito sa isang lalaki or sa isang tao. Mostly kasi ay hinahayaan ko lang ang mga ito hindi ko alam bakit parang affected ako masyado sa lalaking yun. Pagtapos kong maligo ay nagsuot ako ng oversized shirt at track pants. Pinatuyo ko ang aking buhok bago ako bumababa sa sala. Pagbaba ko ay nakita ko na nandito pa rin ang mga mga kagrupo ni Yuri. Ang akala ko ba ay saglit lang sila. "Oh Alisa nandito kana pala. Sabi ni manang ikaw daw may dala sa mga apple?" Napalingon nama ako sa aking likuran ng marinig ko si Kuya Lev. "Kuya Lev! Kamusta ang pagtulog mo? Ah oo dala ko yung mga apples mukha kasi silang masarap eh," sagot ko sa kanya bago ko siya halikan sa pisngi. "Ayos naman nakapag pahinga ako ng mabuti. Kumuha ako ng isa ha?" sambit nito habang ipinapakita sa akin ang apple na na hawak niya. "Bakit nagpapaalam pa okay naman kahit hindi ka magpaalam eh. Oo nga pala bakit nandito oa mga kagrupo ni Yuri? Gabi na ah." "Yun nga gabi na kaya dito ko na lang sila papakainin ng dinner. Okay lang naman yun sayo diba?" May magagawa ba ako Kuya Lev? Basta ba lubayan ako ng Daxon na yan baka bigla ko siya masapal ng plato sa inis. Tumango naman ako kay Kuya Lev, "Okay naman sa akin Kuya Lev. Parang ang panget nga na pauwiin natin sila na hindi pa nakakain." "Senyorito natapos na po ang paghahanda ng hapunan," ani naman ng isang katulong na lumapit sa amin ni Kuya Lev. "Sige ate Fe tatawagin ko lang sina Yuri. Alisa ikaw mauna kana sa dining room, sa may kabisera kana umupo." At naglakad na si Kuya Lev palayo sa akin. Pumasok na ako sa dining room at kagaya ng sabi ni kuya ay sa kabisera ako umupo. Nalulula naman ako sa dami ng pagkain na nakahapag ngayon dito sa aming lamesa. Parang double ito ng pagkain noong unang araw ko dito. "Yuri mukhang mapapasarap na naman ang aming kain nito." "Oo nga, mukhang uuwi na naman akong busog." "Kaya gusto ko na lagi tayo magka kagrupo eh. Ang sarap ng mga pinapakain n'yo sa amin." "Sus ang sabihin mo manggagamit ka lang Leo!" "Ay wala na trash talk na si Leo. Uuwi na niyan yan na umiiyak." Yan ang naririnig kong pinag-uusapan nila habang palapit sila dito sa dining room. At pagpasok nila ay parang bigla silang nahiya noong nakita nila ako na nandito. Akala siguro nila ay wala ako sa dining room. Pagpasok nila ay sumunod naman si Kuya Lev at si Yuri. "Umupo na kayo! Ngayon pa kayo nahiya kay Alisa," sambit ni Yuri. Kaagad naman siyang nilingon ni Kuya Lev dahil sa kanyang sinabi. Hindi nga pala alam ni Kuya Lev ang usapan namin ni Yuri na hindi niya ako tatawaging ate. Ang totoo kasi niyan hindi naman talaga nahihiya si Yuri na tawagin akong ate. Kagabi kasi ay naglalaro kami ng uno, then natalo ako yun ang parusa sa akin or should I say deal namin. "Oo nga kanina niyo pa ako nakikita dito sa bahay ngayon pa kayo nahiya," nakangiti kong sambit. Tumingin naman sa akin si Kuya Lev na parang hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. Nagsimula na kaming kumain, at parang makakain ako ng maayos dahil wala si Daxon. Mukhang maagang umalis kanina o baka naman sumama dun sa babaeng kasama. "I thought ka-group mo si Daxon?" tanong ni Kuya Lev kay Yuri. "Kuya umuwi na siya kasi may family dinner daw sila kaya umuwi ng maaga," sagot ni Yuri kay Kuya Lev. Tumango naman si Kuya Lev at itinuloy nito ang pagkain niya. At dahil walang sagabal ay nakakain ako ng matiwasay. Habang kumakain ay hindi rin natapos ang pag-aasaran ng mga kagrupo ni Yuri. Natatawa pa nga ako minsan sa mga sinasabi nila eh. Noong matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa taas. Upang matulog dahil sobrang nararamdaman ko ang pagod sa kanina. Aligaga ngayon dito sa bahay dahil naglilinis ang mga katulong at naghahanda din sila ng pagkain. Ngayon na kasi darating yung dalawa. Nakalapag na sila kaninang umaga, at nagbibiyahe na sila papunta dito sa Eretria. Ang sabi sa akin ni Dame ay gagamitin nila ang chopper nina Ellie papunta dito. "Alisa nasaan ba daw sina Ellie?" tanong ni Kuya Lev sa akin. "Kuya Lev ang huling sabi sa akin nilang dalawa ay nakasakay na sila sa chopper nina Ellie," sagot ko kay Kuya Lev. Walang appointment ngayon si Kuya Lev ngayon kaya nandito din siya tumutulong. "Nasaan pala si Yuri hindi pa kami nagkakausap nun ng nangyari kagabi ah." "Ano kaba Kuya Lev hayaan mo na yun. Deal naman naming dalawa yun eh," pagpapaliwanag ko sa kanya. "Kahit-" hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Kuya Lev. "Kuya Lev naman hayaan mo na si Yuri." "Hay ewan ko sa inyong dalawa!" Iniwan na ako ni Kuya Lev dito sa sala. Aakayat na sana ako ng aking kwarto ngunit napahinto ako sa biglang pagpasok ng hindi inaasahang bisita. "Alisa, andyan ba si Yuri?" rinig kong tanong nito mula sa aking likuran. Napahinto ako sa paglalakad ngunit hindi ko ito nililingon. "Wala umalis," maiikli kong sagot sa kanya habang nakatalikod padin. Ayaw kong makita ang kanyang mukha ngayon. "Saan daw nagpunta? May itatanong sana akong importante," sambit muli nito. Napapikit na lang ako dahil sa naiinis ako na hindi pa ito umaalis. "Hindi ko alam. Tawagan mo na lang." Nagsimula na akong magklakad palayo sa kanya. Nakakadalawang hakbang palang ako ay naramdaman ko na ang paghawak nito sa aking braso. Napasinghap ako sa paghawak nito sa aking braso. Ramdam na naramdam ko ang maiinit niyang kamay na marahang hinahawakan ang aking braso. "Why won't you face me?" marahan nitong tanong. Hindi ako makasagot dahil hinahabol ko pa ang aking kinapos na hininga kanina. "Kailangan pa ba kitang harapin? Aakyat na ako sa taas." "But I want to see your face." ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD