Chapter Seven

2265 Words
Chapter Seven "Can you remove your hand," mahina kong sambit kay Daxon. Ngunit imbes na bumitaw ito ay mas lalong humigpit ang hawak nito sa akin. "Turn around first," sagot nito sa akin. "Daxon? What are you doing here?" Narinig ko ang boses ni Yuri. Dahil sa pagdating ni Yuri ay nawala sa akin ang atensyon ni Daxon. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumakbo ako paakyat. Mabilis ko sinara ang aking pintuan at linock ito. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso ko ngayon nakakainis. Napatalon naman ako noong tumunog ang phone ko na hawak hawak ko. Tinignan ko ito at nakita ko na tumatawag si Ellie sa akin. "Hello Alisa nasa Eretria na kami! Kaso hindi namin alam papunta sa bahay niyo," bugad na sabi ni Ellie sa akin. Parang nawala ang kaba ko noong marinig ko kanyang boses. "Hintay lang kayo sa may arko pupuntahan kayo ni Kuya Lev diyan," sagot ko sa kanya. Inayos ko ang aking sarili at lumabas na muli ako ng silid ko. "Ay sige sabihin ko dito sa driver namin," sagot ni Ellie. Hindi ko na ito sinagot pa pero hinahayaan ko na nasa tenga ko ang aking telepono. Pagdating ko sa tapat ng pintuan ni Kuya Lev ay kumatok muna ako bago ko ito bukasan. "Kuya Lev, nasa may arko na daw sina Ellie." "Bakit naman di mo ako agad sinabihan? Saglit pupuntahan ko sila, pakisabi anyatin nila ako." "Oh narinig mo naman si Kuya Lev ha? Antayin niyo daw diyan." "Okay sige babush!" Pagbaba ni Ellie ng tawag ay bumalik na ako sa silid ko upang makaligo at magpalit ng damit. Habang naliligo ako ay muntik pa ako madulas dahil sa sabon na nahulog ko kanina. Hindi ko ito napansin ng nahulog dahil nakatulala lang ako sa mga guhit sa ng mga tiles sa dingding. Buti ay napahawak ako sa shower knob. Pagkatapos ko maligo ay nagsuot ako ng isang white string strap backless with plunge neckline above the knee dress and a-line skirt bottom. Kinuha ko ang mga brown strappy sandals at ito mga sinuot ko. At brinaid ko sa harapan ang aking buhok at naglagay ng kulay pink lipbalm. "Wala pa ba si Kuya Lev?" tanong ko kay Yuri noong makita ko siya sa sala na nakaupo. "Wala pa Ate Alisa. Baka mamaya pa niyan yung mga yun. Ang sabi sa akin may inaayos daw silang daan," sagot nito sa akin habang nasa phone niya ang kanyang atensyon. "Mukha ngang mamaya pa sila makakarating kung gano'n." Umupo ako sa tabi ni Yuri at kinuha ko yung isang throw pillow at niyakap ko ito. "Ate Alisa ano pala sabi ni Daxon kanina sa'yo?" Nagulat naman ako sa biglang pagtatanong sa akin ni Yuri tungkol kag Daxon. "Wala naman hinahanap ka lang sa akin. Bakit may sinabi ba siya sa'yo?" Ayaw kong sabihin pa kay Yuri ang mga bagay na sinabi Daxon bago niya kami makita. "Ang weird lang kasi na magpunta siya dito sa bahay. Usually kasi if may nakakalimutan siya pinapahatid niya lang," sambit naman ni Yuri na mukhang nagtataka din ngayon. Yuri, hindi ko rin alam kung ano ba trip niyang kaklase mong yan. Sana lang ay huwag niya kamo guluhin ang utak ko. Nagpunta ako dito para magbakasyon hindi para mastress sa kanya. "Baka naman dahil di ka niya matawagan kanina," sabi ko dito at tumango tango na lang siya sa sinabi ko. "Alam mo Ate Alisa yang si Daxon ang ilap sa mga babae," biglang sabi ni Yuri. Humarap ito sa akin at binitawan ang kanyang phone. Anong mailap sa babae? Kita ko nga nung minsan may kaakbay eh. Pero syempre di ko sasabihin yun kay Yuri, baka ano pa isipin nito sa akin. "Ha? Hindi naman siya mukhang mailap sa inyo noonh nandito kayo ah," sambit ko habang nakatingin din kay Yuri ngayon. Bago kasi kami umalis ni Daxon papuntang bayan ay pinanood ko muna sila mag-shoot ng isanh role-playing video. Sa nakikita ko habang nag-s-shooting sila ay parang okay naman si Daxon sa mga babae. Mukhang comfortable naman ito sa mga kasama niyang babae kahapon. "Yung kahapon ba? Comfortable lang siya sa amin dahil classmate namin siya. Pero kapag ibang babae na umiiwas siya," pagpapaliwanag ni Yuri sa akin. Tumango tango naman ako habang nagsasalita ito. Pero hindi parin mawala sa isip ko yunh babae na kaakbay nito. Mukha ngang mas bata sa kanya yung kasama niyang yun eh. Baka naman sa mga mas bata di siya mailap. O well pake ko ba dun. "Bakit mo nga pala biglang nasabi yan?" takang tanong ko kay Yuri. Parang ang random naman kasi na bigla niya i-open yung ang about kay Daxon. "Don't tell me may crush ka dun?" tanong ko muli sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at ang mukha niya ay parang nandidir ito sa sinabi ko. "Ate Alisa mandiri ka nga. Ako? magiging crush si Daxon? Jusko kung siya na lang tatanda na lang me dalaga," diring diring sabi ni Yuri at nagaamba itong sumuka. "Bakit naman diring diri ka sa kanya? Mukhang madaming nagkakagusto sa kanya ah," ani ko kay Yuri at nginitian ko siya "Eww Daxon is not my type kaya Ate Alisa no! i want someone who is older than me!" Napailing naman ako noong maraning ko ang isinagot sa akin ni Yuri. Mama really have so much affect to us. Her words engraved on our minds that we should marry someone older. "Hay nako ikaw talaga ang bata bata mo pa para isipin mga yan. Mag-aral ka muna!" "Oo naman Ate Alisa mag-aaral ako ng mabuti para maging kagaya mo ako!" "Don't be like me, Yuri. Be yourself, wala kang ibang gagayahing tao." Nginitian naman ako ni Yuri pagtapos ay niyakap at hinalikan niya ako sa pisngi. Sa mga ganitong action ni Yuri ko lang naalala na siya pala ang mas bata sa akin. Pagminsan kasi ay kung umasta ito ay parang mas matanda siya sa akin. Yuri is very sweet girl and I really like babying her so much. I get that she admire me but wanted her to be herself. "Hello! nandito na ang maganda!" Sabay kaming napalingon ni Yuri sa pintuan dahil sa biglang pagsasalita ni Ellie mula sa pintuan. Nakasuot ngayon si Ellie ng floral black dress at hila hila nito ang kanyang maleta. Sa likod naman niya ay nakasunod si Dame na nakasuor ng navy blue shirt and khaki shorts. Sa likod naman nilang dalawa ay ang ilang katulong na may dala sa mga gamit nila. "Waaaah Ate Ellie! OMG!!" Tumakbo naman si Yuri palapit kay Ellie at niyakap niya ito. Tumayo naman ako at nilapitan din si sila. Si Dame ang una konh nilapitan dahil nagyayakapa pa yung dalawa. "How's the flight?" tanong ko kay Dame at niyakap ko siya at nagbeso kaming dalawa. "Gusto ko na lang magpahinga. Jusko pagdating ko sa Hawaii kumain lang kami ni Ellie then sumakay na kami sa private plane nila. Then after sa private plane, chopper naman." Mukhang pagod na pagod na nga ito, kahit naman nakaupo lang sa flight nakakapagod din sa feeling yung gano'n. "Nakahanda na din naman ang room niyo sa taas kaso kumain muna kayo. Ang dami pinahanda ni Kuya Lev para sa inyong dalawa," sabi ko sa kanya habang hinahaplos haplos ko ang kanyang likod. "Hay nako finally makakain na din ng masarap na pagkain. Namiss ko pagkain dito sa Eretria," ani naman ni Dame habang may papikit pikit pa to. "Parang sira. Tara na nga sa dining room, gutom na gutom na akesh," pagyaya ni Ellie. Mukhang tapos na silang magyakapan ni Yuri, kasi ngayon ay nakayakap na si Yuri sa braso niya. Nagkatinginan naman naman kami ni Dame at nagkibit balikat. Sumunod kami sa dalawa habang pinaguusapan namin ni Dame ang tungkol sa biyahe nilang dalawa ni Ellie. "Sa buong biyahe namin walang ginawa yang kaibigan mo kundi makipag-usap sa iba't ibang lalake," pagkukwento ni Dame sa akin. Mukhang narindi din ito sa iba ibang kausap ni Ellie. "Sus parang hindi kapag nasanay kay Elllie. Halos araw araw ata may bagong lalaking kausap yan," mahinang sabi ko naman dito dahil baka marinih ni Ellie. "Sana ay wag lang siya masaktan diyan sa ginawa niyang yan," sabi naman ni Dame habang naka tingin kay Ellie ay Yuri na nagtatawanan sa harap namin. I know Ellie is not the type of person na agad nasasaktan. She might talk to does guys all the time but I know wala naman siyang seseryosohin sa mga yun. Ellie is so prideful when it comes to her feeling. She would never get inlove, it is always the guy who falls for her. Ellie have this mindset na kapag na in love siya ay ang ibig sabihin ay natalo siya. She doesn't want to lose kaya she never settle in just one guy. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yang mindset na yan. Ang sweet and romantic naman sina Tita at Tito. "Woaaaah! Ang dami naman ng mga pagkain. Fiesta ba?" gulat na gulat na sabi ni Ellie noong makita niya ang mga pagkain sa dining table. "Oh home sweet home Eretria," ani naman ni Dame. "Bakit parang normal lang sa'yo ang ganito kadaming pagkain?" Bumaling ito kay Dame na nanlalaki ang mata. "Normal lang yan sa Eretria, right Yuri?" "Ay Oo Ate Ellie normal lang ganyan dito sa Eretria. Minsan nga mas madami pa diyan ang inihahanda." Parehong pareho kami ni Ellie ng reaksyon noong unang araw ko dito, but ako I keep it on myself. For sure masasarapan din siya ng sobra sa mga pagkain dito. Kaya habang kumakain kami ay sinusulyapan ko siya. Kahit naman kasi masarap pagkain dito, Ellie has a weird taste buds. Minsna kahit masarap ang pagkain ay may mga times na hindi ito masarap sa kanya. But seeing her enjoying the food right now made me feel relieved. "Alisa ano maganda ba dito?" tanong ni Ellie sa akin habang tinataas baba ang kanyang mga kilay. Alam ko naman ang ibig sabibin ng kanyang tanong kaya napailing ako, "Ellie, i don't know. Si Yuri ang tanungin mo." "Ha? Maganda naman ang mga scenery dito Ellie," sagot naman ni Yuri habang ngumunguya. "That's not she means Yuri. Ang ibig sabihin niyang si Ellie." "Oo nga ang ibig sabihin ng gagang yan marami daw bang gwapo dito," pagtutuloy naman ni Dame sa sinasabi ko kanina. "Ohh. Ate Ellie you should see some from oue schools," ani naman ni Yuri noong marealize niya kung ano yung tinatanong ni Ellie. "Eh sa school niyo? Mas bata mga nandyan eh!" "Ate Ellie kahit same age ko meron. Isa, Adriatico." Si Daxon ba sinasabi nito? Parang kanina lang sinirian niya ito sa akin. Ngayon siya isusuggest niya kay Ellie. Yuri ewan ko talaga sa'yo, and for sure di rin naman magugustohan yun ni Ellie. Ellie want someone more mature. "Adriatico's? Daxon or Clyden?" tanong naman ni Dame at napalingon kaming tatlo sa kanya. "You them Kuya Dame? It's not Daxon, si Clyden sinasabi ko." May isa pang Adriatico? And here I thought si Daxon lang ang Adriatico na kabatch ni Yuri. And sino naman tong si Clyden, bakit parang mas gusto siya ni Yuri. "Family business partners gano'n. Anyways, Clyden is really good though," pagsasagot naman ni Dame sa tanong ni Yuri sa kanya. "Diba Kuya Dame. He so gwapo and matalino pa. And he's a lot more mature than Daxon no." "Oh, gwapo nga kaso mga bata pa ayaw ko." Tinignan ko naman si Ellies ngayon na hawak ang kanyang phone at nakatingin dito. "Meron naman sa senior high building Ate Ellie panghanap kita no?" Diyan sa ganyan talaga nagkakasundo sina Ellie at Yuri. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nag-uusap sila tungkol sa mga gwapo daw na senior highschool students. Noong matapos na kaming kumain ay umakyat na yung dalawa sa kani kanilang kwarto. Si Yuri naman ay aalis daw, gagal na nanaman siguro. Ako naman ay umakyat na sa aking silid para magpahinga din, may nakita akong book sa room ni Kuya Lev kanina kaha kinuha ko ito. Reading books is my solace and it makes me forget about Daxon. Kahit kausap ko sina Yuri kanina ay di mawala sa isip kong napag-usapan namin kaninang umaga. Gosh, he's so annoying, ginugulo niya ang isipan ko. "Alisa! alis tayo!!" Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Ellie mula sa pintuan ko. May kasunod pa itonh sunod sunod na katok. "Saglet! sisirain mo ba pintuan ko?" Tumayo na ako mula sa bed ko at binuksan ko ang pintuan. Bumungad naman sa paningin ko si Ellie na nakasuot ng black string starp above the knee silk dress. Sa tabi nito ay si Dame na naka plain white t-shirt at black track pants. Seryoso ba silang aalis? Gabi na ah. "Ellie gabi na. Saan naman tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad ako pabalik sa aking bed. "Sa peryahan! Sabi ni Dame meron daw sa kabilang bayan," excited na sabi ni Ellie at umupo siya sa upuna sa vanity table. "Peryahan?" Hindi pa ako nakapunta sa peryahan. Amusement park palang napupuntahan ko, maybe it would be nice if pumunta kami dun diba. "Oo tara dali na. What if may gwapo dun?" "Lagi na lang gwapo hanap nito. Pero tara Alisa maganda doon, madami rides." "Safe ba rides dun?" "Oo naman safe rides dun kaya tara." Alam ko naman na kahit tumanggi ako ay pipilitin parin ako ng dalawa. Kaya itinabi ko na ang aking libro at kinuha ang aking phone. I just hope this trip to peryahan would help me to stop thinking about Daxon. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD