Chapter Eight
Pagdating sa peryahan ay namangha ako sa sobrang ganda. Ang liwanag at ang daming ilaw na iba-iba ang mga kulay. Madami ding tao ngayon dito at mukhang nag-eenjoy sila sa mga rides. At sa mga maraming game stalls dito.
"Woah! Ang ganda naman ng peryahan dito Dame," manhang sabi ni Ellie habang nasa harap ang tingin.
"Diba sabi ko naman sa'yo maganda dito eh. First time niyo ba sa peryahan?" tanong naman ni Dame sa aming dalwa ni Ellie.
"Yeah first time namin sa peryahan. Usually kasi ay sa amusement park lang kami nagpupunta," pagpapaliwanag ko kay Dame. Nailing naman siya na parang hindi nagustohan ang isinagot ko.
"Ano ba yan, amusement park? Panget ng childhood niyo di pa kayo kakapay perya," mapanunyang boses ni Dame na sabi sa aming dalaw ni Ellie.
Hinawakan naman niya ang kamay naming dalawa ni Ellie at hinil niya kami papasok sa sa peryahan. Paglagpas namin sa bakod ay parang napasok kaminsa ibang dimension. Napakaganda at may iba ibang music din bawat stalls.
Una kaming dinalan ni Dame dun sa parang carousel. Yun doon kami unang sinakay ni Dame, after namin doon ay sumakay kami sa isang ride na medyo weird. It's a Jollibee like ride, then umiikot ito ng mabagal then bibilis. Muntik na ako maano sa rides na yan dahil sa katabi kong bata. Niyakap kasi nito braso ko kaya naman mas kinabahan ako, lalo na't tumutunog ang rides.
Pagtapos namin sa isa pang rides ay nag-aya naman si Ellie na kumain muna bago sumakay ulit.
"What do you want to eat Alisa?" tanong sa akin ni Dame habang nakatingin ito sa mga pagkain sa stalls.
"I want, hotdog sandwich and ano yun oh! Hindi ko alam kung ano tawag dun," sagot ko kay Dame habang itinuroturo ko yung isang pagkain na di ko alam ang pangalan.
"Ah that's ano bibingka, you want that? How about you Ellie?"
"I that you kulay violet na pahaba," sabi naman ni Ellie habang tinuturo yung katabi nung bibingka daw sabi ni Dame.
"Seriously? bakit hindi niyo alam ang tawag sa yan? That's puto bumbong," sabi naman ni Dame habang umiiling siya sa amin. Iniwan niya kaming dalawa ni Ellie dito na nakaupo.
"Nag-eenjoy ka ba?" tanong ni Ellie sa akin at tinignan niya ako.
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti, "Oo naman. Ikaw ba nag-eenjoy ka?"
"Yeah! It's my first time to visit this kind of place and it was fun!" Dama ko sa boses ngayon ni Ellie na masaya siya. Great, seeing her happy makes me more happy.
"I'm glad that you are happy! Balik tayo dito next summer ha?"
"Oo naman! I would love to comeback here lalo na ganito kaganda dito," maligayang sambit ni Ellie.
This night is really fun. I just hope that this won't end, because I know na kapag bumalik na kami ng manila ay school ay madami nanamn ako gagawin.
"Alisa, do you want this?" tanong naman ni Dame sa akin ipinakita ang isang cotton candy stick na hawak niya
"Bakit si Alisa lang tinatanong mo?" Nakataas na kilay na sabi ni Ellie habang kinukuha nito ang mga binili ni Dame.
"Alam ko naman kasi na wala kang tanggi kaya di na kita tatanungin. Oh heto ang sa'yo!" At iniabot ni Dame kaya Ellie ang isa pang cotton candy stick.
"Dame, thank you!" nakangiti kong sabi kay Dame noong iniabot niya sa akin ang aking mga pagkain.
Inuna kong kinain yung hotdog sandwich, because the bibingka smell sweet. Kaya naman hinuli ko na ito, because it would linger on my tongue if I eat it first.
Habang kumakain kami ay pinag-uusapan naming tatlo ang gagawin namin bukas. These two really likes going out, napaka adventurous nila. Sinasabi palang nila ang gusto nilang gawin ay napapagod na ako. I should have just save my energy noong wala pa sila dito. Dahil mukhanb simula bukas ay mapapagod na ako ng sobra sa kakagala nila.
"We can go to the other side, kung saan yung mansion ng mga Adriatico and yung flower plantation ng mga Villavicencio," suggest naman Dame. At naalala ko yung flower plantation na nadaanan ko noong papunta ako dito.
"Can we go there? Inside? I want to see the flowers," tanong ko Dame. I really wanted to go in there because the flowers are so beautiful and looks so fresh.
"Every weekend they let someone visit their plantation. I'm gonna ask some of workers that I know there," ani naman ni Dame sa akin. Tumango tanga ako habanag nakangiti ngayon sa kanya.
"Oh you mean those beautiful plantation? I want to go there too. Maybe you can ask Kuya Lev, if ever na di pumayag yung kilala ni Dame."
"There's a possibility na business partners sila. Kasi diba cotton ang sainyo? And flowers ang sa kanila."
It doesn't make any sense pero nag-agree pa rin ako. I want to visit that plantation kahit minsan lang. I'm not a big fan of flowers, but those flowers from plantation feel like I fell in love when I saw them.
"Ano huli nating sasakyan bago umuwi?" tanong naman ni Ellies noong matapos kaming kumain.
"Viking? Or the horror train?" suggest naman ni Dame.
"Omg! horror train please!"
Itinapon na namin sa basura ang pinagkainan namin sa basurahan at naglakad na papunta sa pila ng horror train. Hindi naman gaanong kahaba ang pila dahil mukhang hindi ito masyadong gusto ng mga taga dito.
"Teka! dalawa lang ang seats na magkatabi, mukhang mahihiwalay nanaman si Alisa sa ating dalawa," sambit naman ni Ellie habang niyayakap nito ang braso ni Dame.
"Bakit ako nanaman? hindi ba pwedeng ikaw muna mahiwalay?"
"Nope! Dame is my personal seatmate! Bleeh!"
"What if iwanan kita?" pagbabanta ni Dame sa kanya.
Umiling na lang ako sa dalawa na nagtatalo pa rin hanggang ngayon. Habang mas palapit kami sa pasukan ng horror train ay parang mas gusto ko nalang mag-isa talaga. Dahil parang mas nakakatakot kung may katabi ako. Noong kami na ang sumasakay sa train ay nasa may bandang dulo ako and ayaw paandarin ang train kung hindi ito puno.
"Mayroon ba gusto mauna na sa inyo? Kulang kasi ng isa!" anunsyo ng isa sa mga staffs dito.
"Yung isa po naming kasama mauuna na!" sigaw ng isang lalaki. Hindi ko na sila tinignan dahil nasa likod ko ang mga ito. Tinignan ko kasi etong sina Dame at Ellie sa harapan ko nagtatakutan na.
Pagsakay ng isang lalaki sa aking tabi ay pumasok na kaagad sa loob ang train at sobrang dilim na. Hindi ko man lang makita kung sino tong katabi ko ngayon. Puro sigaw at gulat na hiyaw ng mga nasa train ang naririnig ko. Isang minuto palang kami sa loob at parang ang sigaw ni Ellie nandito na kami ng dalawang oras.
This horror train doesn't scare me that much, dahil bukod sa wala akong nakikita. At bago pa makarating sa aking pwesto ay narindi na ako sa sigaw ng mga nasa harap. Etong katabi ko naman ay minsan napapasinghap. Parang takot din ngunit tahimik lang siya. Sinubukan ko siyang tignan noong may maaninag ako na ilaw at nagulat ako noong mamukhan ko ito.
"Daxon?" mahina kong sambit. Napalingon naman siya sa akin at mukhang gulat din noong makita ako.
"Alisa? Is that you?" tanong niya dahil nawala na ang ilaw dumilim na muli.
"Yeah, it's me. Ano ginagawa mo dito?"
"Kasama ko mga kaibigan namin ni Yuri at ako napagtripan nila paunahin."
"Kasama mo ba si Yuri?"
Wala ba talaga akong takas sa isang to? Nagpunta ako sa peryahan with a thought of baka makalimutan ko muka niya. But here I am sitting beside him on a horror train. And talking to so casually like he's not the person I'm avoiding.
"Oo kaso nakasakay sila sa vikings. Ikaw ba mag-isa ka lang?" tanong naman nito pabalik sa akin. He sounds so sincere right now.
"Nope, I'm with my friends. Yung dalawa na nasa-"
"AHHHHHHH!"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsigaw ng mga nakasakay sa horror train. Pati itong si Daxon ay napasigaw sa gulat dahil sa pagsigaw ng mga nakasakay.
"Sorry about that. Oh kasama mo tong dalawa? I thought mag-isa ka lang, yayain sana kita."
"Nah, I'm not alone. Actually uuwi na nga kami after nito," pagpapaliwanag ko dito.
"Is that so. Maybe let's enjoy this horror train." Tumango ako sa kanya kahit hindi naman niya makikita.
Maybe being with Daxon at this time is alright. Talking to him right now feels so comfortable and calming. He's so easy to talk with it's I could forget about all worries when I'm talking with him. I wish I could stay here right now, without any worries and everything. Without a thought of "Mama wouldn't like this."
"Ang sabi ni Ellie gusto mo daw mamasyal sa plantation ng mga Villavicencio?" tanong ni Kuya Lev sa akin habang nag-aalmusal kami ngayon.
Sinulyapan ko naman si Ellie na nakangiti habang si Dame na nakatingin lang sa akin. Ibinalik ko kay Kuya Lev ang aking tingin kay Kuya Lev na naghihintay ng sagot ko.
Nandito kasi kami ngayon sa dining room kumakain ng almusal. Kami lang apat ang nandito na kumakain dahil si Yuri ay ayun tulog pa dahil sa sobrang late na daw nakauwi kagabi. Kaya naman kami lang apat muna kumakain ngayon.
"If pwede sana Kuya Lev. When I first saw it fell in love with it's beauty," sagot ko kay Kuya Lev. I'm hoping na sana ay payagan kami ni Kuya Lev na magpunya dun.
"Sakto pupunta din ako mamaya doon. Sumama na kayo sa akin para makapasok kayo sa main garden nila," sagot naman ni Kuya Lev. Tinignan niya kaming tatlo bago siya tumango.
"Wow! We can visit their main garden? Ang sabi sobrang ganda daw dun, mostly family members lang nakakapunta," manghang sambit naman ni Dame na may ngiti ngayon sa labi.
"I'm excited ano kaya susuotin ko kapag nagpunta tayo dun!" Ellie said with a dreamy glowing eyes. I never knew that Ellie would be this excited for this flower plantation visit.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa taas para makaligo at makapagbihis. Ang sabi kasi ni Kuya Lev ay after 30 minutes ay aalis na kami. Kaya naman nagmamadali ako naligo at ang una kong nakuhang damit ang susuotin ko nalang.
Sinuot ko ang damit nakuha ko pero noong nakita ko sa full length mirror ang suot ko ay parang gusto ko na magpalit. It was a spaghetti starp fitted top with a line skirt about the knee dress. I just hope na mas malala na lang ang suot ni Ellie compare sa akin. I'm sure na mga damit pang summer ang dala nun.
"What are you wearing Alisa?" takang tanong naman ni Ellie sa akin noong makita niya ako.
Nagulat naman sa kanyang suot ngayon. It was a simple white dress. I never thought she would have a simple dress gosh.
"Magpapali-"
"Alisa aalis na daw tayo!" sigaw ni Dame mula sa baba kaya naman wala na akong nagawa kundi ito ang suotin ko.
Pagdating namin sa plantation ng mga Villavicencio ay parang mas lalo kong na-appriciate ang ganda ng lugar. Their plantation is out of this world. And ang bahay no it's a mansion is like from fairytales. I'm no fan of fairytales but their house really looks like that. Noong ma-i-park na sa parking ang kotse namin ay hinihintay ko muna makalabas si Kuya Lev bago ako lumabas.
"Mr. Corpuz it was nice seeing you here now," bati ng isang middle age na lalaki. Maybe this is Mr. Villavicencio, he doesn't look that old naman.
"Mr. Villavicencio, it's my pleasure to get invited by you. By the way sinama ko pala kapatid ko, she said that she fell in love sa plantation niyo."
Namula naman ang mga pisngi ko sa sinabi ni Kuya Lev dahil napatingin sa akin si Mr. Villavicencio ngayon. Nag-bow naman ako ng kaonti dahil sa hiya noonh tinignan niya ako.
"Wow. It's a pleasure to meet your sister Mr. Corpuz. Kung gusto niyo mamasyal sa plantation it's fine. May mga staff kaming mag-aassit sa inyo. My daughter love our plantation so much too kaya we will do our best to make it so beautiful," mahabang sabi ni Mr. Villavicencio sa akin. He has a daughter I guess that daughter of her is really pretty just like their plantation.
Noong pumasok na sa loob sina Kuya Lev at Mr. Villavicencio ay naglakad na kami papunta sa plantation. Sinalubonh naman kami ng mga nagtatrabaho dito. All of them are so welcoming, they will tell a story about the history of the plantation. Nasabi din nila ang iilang meaning ng mga flowers nila. It was so endearing watching the flowers.
"Ate pwede ba bumili ng tingi dito? Like yung for bouquet lang?" biglang tanong naman ni Ellie sa kasama naming babae ngayon.
"Pwede naman po Miss. We offer bouquets and other flower arrangements."
"Hala Ate pwede nun padeliver sa manila?"
"Sino nanaman bibigyan mo ng flower sa manila?" sabay na tanong namin ni Dame kay Ellie.
"Yung rival ko lang dun sa isang lalake na bet ko. Ate how about yung sa yung sa pang funeral? Magbabayad ako kahit magkano," sabi naman ni Ellie. Mukha namang nagdadalawang isip si ate ngayon.
"I'm gonna ask Madam Athena po," sabi ni Ate na kasama namin.
"Oh is that Mrs. Villavicencio? Can I talk to here?"
Ako na talaga nahihiya ngayon kay Ellie kaya naman iniwan namin siya dun kasama si Ate girl bahala sila. Basta kami ni Dame ay nagtitingin tingin ng flowers.
"Narinig ko kayo ni Daxon kagabi sa likod," bigalng sabi nito at mabilis akong napalingon sa kanya.
"What?"
"I heard you two. Talk, I think you like him."
~~