“JUDE!” bulalas niya nang makita ito sa lobby ng building na pinapasukan niya. “Naligaw ka?”
“Hindi ako naligaw. Dito talaga ang punta ko. Sinusundo kita.”
“Ha? Bakit? May problema ba?” Bigla siyang kinabahan. “Galing ka ba sa amin? Ano ang nangyari sa mama ko?”
“Kalma ka lang, okay? Kung anu-ano agad iyang pinapasok mo sa isip mo. Ano bang problema? Masama ba namang sunduin ang best friend ko?” nakangiting sagot nito.
“Hindi naman. akala ko lang kasi, may problema na. Surprise ito, ha? Dati, tumatawag ka muna bago ka manundo.” Nakahinga siya nang maluwag. Hangga’t maaari ay ayaw niya ng sorpresa. Nagka-phobia siya buhat noong bigla na lamang may tumawag sa mama niya at ibinalitang naaksidente ang papa niya.
“Actually, ganoon nga din sana ang balak ko. Pero naisip ko rin kesa naman sa maghanap pa ako ng payphone, naisip kong dumiretso na lang dito tutal malapit na ang alas singko.”
“Kainis ka. Nate-tense ako sa ganyan, eh.”
“Stop it. Sinabi ko na ngang sumusundo lang ako. Ano, tara na? Kumita ako ngayon, ililibre kita.”
“Eh, Jude, susunduin din ako ngayon ni Patrick.” At nang mapatingin siya sa entrance ay nakita na nga niyang paparating na ang binata. Wala ang ngiting inaasahan niyang makikita rito. Madilim ang mukha nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Jude.
Lihim na lamang na napailing si Faith. Nakakalungkot na tanggapin na ang dalawang lalaking malapit sa puso niya—sa magkaibang dahilan ay hindi nagkakasundo. Pinagseselosan ni Patrick si Jude. At si Jude naman ay hindi rin lumapat ang loob sa binata. Hindi lang nagsasalita ng kontra si Jude laban kay Patrick dala na rin ng respeto sa kanya.
“Speaking of the devil,” sabi ni Jude na nakita rin ang direksyon ng kanyang mga mata. “Well, this is not my day. Uuwi na lang ako. Papasyalan na lang kita sa bahay kapag off mo. Iyon ay kung wala kayong lakad ng boyfriend mo.” Idiniin pa nito ang salitang boyfriend para minsan pa ay ipahalata nito sa kanya ang grudge laban kay Patrick.
“Ingat ka, Jude,” sabi na lang niya.
“Of course. Kahit naman hindi mo na sabihin.” Tumalikod na ito. Nang magkasalubong ang dalawang lalaki, nakita niya ang matabang na pagtatanguan ng mga ito.
“Ano ang ginagawa dito ng lalaking iyon?” padaskol agad na tanong sa kanya ni Patrick nang makalapit.
“Sinusundo ako. Ililibre daw niya ako kaya lang sabi ko, susunduin mo rin ako.”
“Let’s go,” wika nito at inakay na siya.
Hanggang nakasakay na sila sa kotse nito ay hindi pa rin ito kumikibo. Alam niya, sira ang mood nito dahil kay Jude. At iyon ang hindi niya maintindihan kung minsan. Hindi kaya puwedeng maging magkaibigan din ang dalawa tutal ay best friend naman niya si Jude? Wala namang dapat pagselosan si Patrick. Ni crush, hindi niya pinag-ukulan si Jude.
Pero sabi nga ng isang kaopisina niya, kahit ang pinakamagaling na lalaki ay mayroon pa ring insecurity. At sa kaso ni Patrick, malamang na si Jude ang insecurity nito. Dahil madalas, sinasabi nito sa kanya na humanap siya ng best friend na babae at hindi lalaki.
Pero magagawa ba niyang palitan si Jude bilang best friend? Para na nga rin niya itong kapatid.
“Sweetheart, nagseselos ka na naman ba kay Jude?” basag niya.
Isang marahas na paghinga ang tanging naging sagot nito.
Hinaplos niya ang mukha nito. Alam niya, kahit wala siyang narinig na tugon nito ay nakuha na niya ang sagot.
“Hindi ka talaga dapat magselos dahil alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Patrick. It is you that I’m in love with. Si Jude, mahal ko rin pero bilang matalik na kaibigan at para na ring kapatid.”
Hinuli ni Patrick ang kamay nito at hinalikan isa-isa ang kanyang mga daliri. “I love you, Faith.”
Napangiti siya. Kapag ganitong nakikitaan niya ng maliit na insecurity si Patrick, pakiramdam niya ay lalo siyang napapamahal dito. It makes him more human. Tila bumababa ito sa isang pedestal na siya rin naman ang nagtayo para dito.
Umusog pa siya ng upo palapit dito. “I love you, too, Patrick.” Dinala niya sa pagitan ng kanyang dibdib ang kamay nito. At pagkuwa ay iniangat niya ang mukha para siya na ang mismong humalik dito.
Ang magaan sanang halik ay nagsimulang dumiin nang hulihin ng mga labi ni Patrick ang ibabang labi niya. Wonderful sensation instantly spread from the roots of her hair down to her toes. Hudyat iyon ng minsan pang pagkapukaw ng mga natural na init sa kanyang katawan.
Siya ang naunang nangahas na nanaliksik sa loob ng bibig nito. She searched his tongue and teased it. Isang ungol ang umugong sa lalamunan ni Patrick at sinapo ang magkabilang pisngi niya.
When he kissed her back, higit iyong malalim at maalab. Siya na ang kusang nagdaiti ng sariling katawan sa binata. Inabot niya ang kamay nito para paglakbayin sa kanyang katawan.
“Do you know what you’re doing to me, sweetheart?” nanghihibo na bulong nito sa kanya nang dumako ang mga halik nito sa likod ng kanyang tenga.
Napaliyad siya at sa mga labi ay kaagad na gumuhit ang pilyang ngiti.
“Are you in pain, sweetheart?” At dumama ang kamay niya sa ibabaw ng pantalon nito. She felt the hardness beneath. Lalong nangahas ang kamay niya sa lugar na iyon.
“Jesus!” daing ni Patrick. Isang mariing halik ang ginawa nito sa kanyang mga labi at mabilis na binalingan ang manibela. Sa isang paglingon nito sa kanya ay nabasa niya ang init na nagmumula sa mga mata nito. “Paano iyan, hindi ka na naman makakauwi nang maaga?”
Pero sa halip na maalarma, isang matamis na ngiti pa ang sumilay sa kanyang mga labi. “Tsk! Gagabihin na naman ako,” kunwa ay may pag-aalala sa tinig niya pero makikita naman sa kanyang mga mata ang kakaibang ningning.