4

1479 Words
“NAKAKAIRITA na ang kakulitan ni Mama,” wika sa kanya ni Patrick. Magkayakap sila sa loob ng isang hotel room at tanging kumot ang tumatakip sa kanilang kahubdan. Katatapos lamang nilang magsalo sa maiinit na sandali. At bagaman tila hindi magandang paksa ang binuksan ng binata, mas piniling namnamin ni Faith ang ligayang nalasap bunga ng pag-iisa ng kanilang katawan. Isiniksik pa niya ang sarili sa katawan nito. “Bakit?” tanong din naman niya. “Isinasama ako sa Amerika.” Hindi siya agad nakakibo. Sa pandinig niya, hindi isang simpleng pangungusap iyon. Malakas ang kutob niya na inilalayo si Patrick ng mama nito sa kanya. “Nag-aaway na nga kami, eh,” patuloy nito. “Sinabi ko naman sa kanya ang mga plano ko. Gustong kong patunayan sa lahat na kaya kong tumayo sa sarili ko. Pinag-aral na niya ako. Kung gagamitin ko ang impluwensya niya, di parang siya na rin ang nagpatakbo ng buhay ko?” “Hindi ka sasama sa kanya?” parang nananantiyang tanong niya. Tinitigan siya nito. “Para iwan ka dito? Nope, Faith.” Ganoon na lamang ang kaligayahang pumuno sa kanya dahil sa narinig. Humilig siya sa dibdib nito. “I love you, Patrick.” “Mahal kita, Faith. Mahal na mahal. Hindi ako makakatagal na hindi ka makikita. Papayag lang akong sumama sa Amerika kung kasama ka rin.” “H-hindi naman iyon puwede.” “Puwede. Let’s get married.” Nagulat siya. Magkahalo ang tuwa at pangamba na tumingin siya dito. “M-may plano pa tayo, di ba?”  “Nakikita ko rin naman ang punto ni Mama. Mas maraming opportunity sa Amerika. Iyon nga lang, hindi ako matutukso sa mga oportunidad doon kung magkakahiwalay naman tayo. Pero kung mayroong tsansa para maging magkasama tayo, why not?” “Akala ko ba, gusto mong patunayan na kaya mong umunlad sa sarili mong sikap?” tudyo niya. “Sweetheart, magagawa ko rin iyon kahit nasa Amerika na tayo. Baka nga mas mabilis pa nating maabot ang pangarap natin pag nandoon tayo. Magpakasal na tayo.” “Twenty-two pa lang ako,” may pangambang wika niya. “Twenty-three ka lang. Baka hindi pa natin makayang magpamilya.” “Ano ka ba? Bakit hindi natin makakaya? Pareho na tayong mature.” “Hindi pa lumalabas ang resulta ng board exam mo.” Napapalatak ito. “Oo nga. Malapit nang lumabas iyon. Medyo kinakabahan din ako.” “Makakapasa ka, Patrick. Matalino ka.” Pumihit ito paharap sa kanya. “Sabi nila, suwertihan lang kung minsan ang pagpasa sa board exam. May kakilala nga ako, magna c*m laude nung graduation pero dalawang take na sa board exam, hindi pa rin pumapasa. Kaya mahirap ding makampante.” “Huwag mong isipin iyon. Iba siya, iba ka. Suwerte ka naman palagi, ah?” nginitian niya ito at niyakap. “Yeah. Ikaw yata ang lucky charm ko.” Siniil siya nito ng halik at minsan pa ay naghari ang alab ng pag-ibig nila sa isa’t isa. That lovemaking seemed different. There was an extra tenderness in every touch. There was an extra heat in every kiss. There was an extra passion in each thrust. And when she reached her c****x, damang-dama niya ang malaking kaibahan niyon sa mga dating naranasan niya. “I love you, Faith,” humihingal pang bulong sa kanya ni Patrick nang tumigil ito sa paggalaw sa ibabaw niya. Masuyo niyang hinaplos ang basa sa pawis na mukha nito. “I love you too, Patrick. Alam mo iyan.” Ngumiti ang binata at kinintalan siya ng halik sa mga labi. “Alam ko. Faith, kahit na ano ang mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko. Always. Forever.” Namasa ng luha ang mga mata niya. “Same here, sweetheart. Wala akong ibang lalaking mamahalin kung hindi ikaw.” They shared another tender kiss. Tila ayaw na nilang tapusin ang halik na iyon. And when they did, they did it reluctantly. Iba ang kaligayang pumupuno sa dibdib ni Faith nang mga sandaling iyon. Ligaya na tila may kambal na kaba. At ayaw man niyang mag-isip ng negatibo, tila mga negatibong ideya namang ang nagsusumiksik sa likod ng kanyang utak. May kutob siyang may mangyayaring hindi maganda. Kaya nga ba kahit na mahirap ipaliwanag ay hindi rin niya gustong makadama ng labis na kaligayahan. Kasabihan nang may kapalit na lungkot ang sobrang saya. “O, bakit tulala ka?” tudyo sa kanya ni Patrick. “W-wala.” At kinuha na niya ang sariling damit at nagsimulang magbihis. “Ihahatid na kita,” wika ni Patrick at kumilos na rin. Tumango siya. HINDI NA MAIPINTA ang mukha ni Faith. Alas onse na nang umaga pero hindi pa siya tinatawagan ni Patrick. Nasanay na siyang tuwing umaga ay tumatawag ito sa opisinang pinapasukan niya. At bagaman naiirita na siya, hindi naman niya maitangging kinakabahan na rin siya. Mapamahiin pa naman siyang tao. Hindi mawala sa isip niya na baka may kapalit ang labis na kaligayahang nadama niya nang nagdaang gabi. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kaysa naman kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya ay nagpasya na siyang tawagan si Patrick. Hindi niya ugaling tawagan ito. Ang katwiran niya, si Patrick ang dapat na maunang tumawag sa kanya. pero hindi na rin siya makatiis. “Ma’am Faith?” sagot sa kanya ng katulong nang magpakilala siya. “Faith na lang, Yolly. Alam mo namang hindi ako sanay na tinatawag na Ma’am. Nandiyan ba si Patrick?”  “Ay, naku, Ma’am—este Faith, maaga silang umalis ni Senyora Paz. Darating kasi si Ma’am Janica. Susunduin nila sa airport. Baka nga pabalik na iyon, eh. Nakaluto na nga si Manang ng lunch. Puro mga paborito nga ni Ma’am Janica ang ipinaluto ni Senyora.” “G-ganoon ba?” aniyang hindi naitago ang paglungkot ng tinig. “Ay, oo. Parang anak na kasi ni Senyora si Ma’am Janica. Iyong guest room nga, ipina-general cleaning pa samantalang palagi naman iyong nililinis. Busy’ng busy nga kami dito. Kung hindi ko pa alam, parang palaging may fiesta dito. Si Senyora kasi, asikasong-asikaso niya palagi si Ma’am Janica basta nagbabakasyon dito. Maya’t maya, nagpapaluto ng mga paboritong pagkaing Pinoy. Sabagay, masarap din namang pakainin si Ma’am Janica. Puring-puri niya ang luto ni Manang.” “B-baka naaabala na kita, Yolly. Sige, salamat.” Maige sanang madaldal si Yolly. Dahil hindi na niya kailangang mag-usisa pa. Ang kaso ay masakit din sa kanyang marinig ang mga sinasabi nito. “Ay, oo nga. Hindi ko pa nadadakot iyong winalis ko. Sasabihin ko na lang kay Sir Patrick na tumawag ka.” Nang ibaba ang telepono, hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang naging panlulumo niya. Hindi niya alam kung magtatampo kay Patrick o magseselos. Parang ayaw tanggapin ng isip niya na nagawa ng binata na hindi siya tawagan dahil lamang kay Janica. Ang dami namang telepono sa paligid pero bakit hindi nito nagawang makatawag sa kanya kahit sandali lang samantalang gawi na nito ang tawagan siya tuwing umaga. Tahimik niyang binalikan ang kanyang trabaho. Hinarap niya ang mga for filing niya kaysa itutok ang mata sa computer gayong hindi naman niya ganap na maipo-focus ang konsentrasyon doon. “Faith, phone,” tawag sa kanya ng kasamahan niya. “Lalaki,” tudyo pa nito. Sumigla siyang bigla. Mabilis siyang tumayo at sinagot iyon. “Patrick?” “Patrick ka naman diyan,” ani Jude na siyang tumatawag. “Ako ito, ang pinakapogi mong best friend.” Bahagya siyang natawa kahit na nadismaya siyang hindi pala si Patrick iyon. “Oo na, pinakapogi na. Akala mo naman ay may iba pa akong best friend, eh, nag-iisa ka lang. Bakit?” “Ang taray mo naman. Magbabago yata ang isip ko, eh.” “Huwag kang maarte. May sumpong ako. Bakit ka tumawag?” “Ano ka ba? Di ba, ililibre kita sana kaya lang hindi tayo natuloy? Gusto mo ngayong lunch na lang?” “Wow, Jude, mukhang mapera kang talaga ngayon, ha? Ikaw pa ang nagpupumilit na manglibre. Sige nga, saan mo naman ako ililibre?” “Aba, depende sa iyo. Bocarino’s o Via Mare?” Napasipol siya. “Aba, galante!” “Di ba, sabi ko nga kumita ako? Ang laki ng komisyon ko, Faith. Dalawang kotse ang naibenta ko kamakalawa. At top of the line units ang mga iyon. Ano, samantalahin mo nang may pera ako. Sa susunod, ikaw naman ang manglilibre sa akin.” “Shoot. Pero Jollibee lang o McDo.” “Kuripot,” kantiyaw nito. “Hihintayin kita sa lobby mamayang lunch break, ha? Bumaba ka agad at baka mainip ako, magbago ang isip ko.” “Eleven-fifty nine nasa lobby na ako,” tatawa-tawang sabi niya. Pansamantala, nakalimutan niyang masama ang loob niya kay Patrick. Palibhasa, nami-miss na rin naman niya si Jude. Hindi na sila masyadong nakakalabas dahil mas binibigyan niya ng oras si Patrick, siyempre pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD