SA SHOP tumuloy si Faith. Doon siya nagpalipas ng buong maghapon habang pilit na pinakakalma ang damdamin. Galit na galit siya kay Patrick. Galit din siya sa kanyang sarili. Hindi niya matanggap na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Patrick gayong pinagdududahan naman nito ang pagiging ama sa kanyang anak. Hindi niya namalayang ginabi na rin siya doon. Bandang alas siete nang tumawag sa kanya ang kanyang mama. “Anong oras ka ba uuwi?” “Maya-maya, Ma. Mayroon lang akong tinatapos na imbitasyon,” kaila niya. Ang totoo ay kanina pa siya nakapagligpit. Sadya lang na nagpapalipas pa siya doon ng oras. “Baka naman puwedeng bukas na iyan? Kanina ka pa hinihintay ni… Robin.” “Tatapusin ko lang ang pagkakabit ng ribbon. Maaga ang pick-up nito bukas, eh,” dahilan pa niya. “Diretso uwi na,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


