(LORIE'S POV)
"Lorie, maghanda ka ng masarap na dinner dahil pupunta mamaya dito ang Ninong Max mo."
Napaangat ang tingin ko kay Daddy dahil sa sinabi niya. Kakauwi lang niya mula sa trabaho, at ngayon ay kakalabas lang mula sa kuwarto niya pagkatapos magbihis.
"Sige po, Daddy!"
Natuwa ako at nakaramdam na naman ako ng excitement. Limang araw ding hindi bumisita dito sa bahay si Ninong Max matapos ang huling punta niya rito kung kailan naging awkward ang pangyayari sa amin.
Pero ewan ko ba, ngayong sinabi ni Dad na pupunta dito si Ninong Max ay parang gusto ko na namang maulit ang awkward moment naming dalawa.
Mas naa-attract kasi talaga ako sa mga lalaking mas matanda sa akin... At mukhang bumalik pa ang pagkaka-crush ko kay Ninong Max, para ngang lumalim pa iyon o nagkaroon ng ibang dating dahil marahil dalaga na ako ngayon at nagre-react na ang katawan ko sa lalaking nagugustuhan ko.
Tumalima na ako sa ipinag-utos ni Daddy. Nagluto ako ng Cordon Bleu, Chopseuy at Pork Steak.
Saktong nakapagluto na ako nang marinig ko ang pagdating ni Ninong Max. Napakagat-labi ako kasabay ng kakaibang pagbilis ng pintig ng puso ko.
Imbes na magtungo muna ako sa kuwarto ko para magsuot muna ng panloob gaya ng sabi noon sa akin ni Ninong Max ay dumiretso na ako sa sala namin, bumati ako at nagbeso kay Ninong Max na kaagad ding napangiti sa akin.
"Dad, Ninong, nakapagluto na po ako. Kumain po muna kayo." Saad ko sa kanila.
"Iyon naman pala. Sige anak, ihanda mo muna ang mesa at susunod kami ni Max."
Muli ay tumalima agad ako sa inutos ni Daddy.
Hindi nga nagtagal ay nakasunod na sila sa akin at saglit pa ay sabay-sabay na kaming kumain.
"Lorie, wala ka pa rin bang ipapakilalang boyfriend sa akin?"
Muntik pa akong masamid dahil sa biglang tanong na iyon ni Daddy. Maging si Ninong Max ay natigilan din at napalingon sa akin.
"Dad, wala pa po akong boyfriend." Nakanguso kong sagot. Napasulyap din ako kay Ninong Max na agad nagbawi ng tingin at itinuloy na lang ang pagkain.
"Bakit wala? Wala ka ba talagang nagugustuhan sa mga nanliligaw sa'yo? 'Yong anak ni Kapitan, tsaka 'yong MVP player ng basketball team sa kabilang Barangay, hindi ba't nanliligaw sila sa'yo? Nagpaalam pa nga sila sa akin. Iyong classmate mo dati na anak ng may-ari ng Gas Station sa bayan, hindi ba't manliligaw mo rin 'yon? Hindi mo ba gusto kahit sino sa kanila?" Kunot-noo at tila nagtatakang tanong ni Daddy. Tutok na tutok din ang paningin niya sa akin.
Ako naman ay nagtataka sa biglaang pagkakaroon ng interes ni Dad tungkol sa love-life ko, tsaka parang itinutulak na niya akong magkaroon ng boyfriend. Bakit naman kaya? Dati naman ay wala siyang pakialam kahit ang daming nanliligaw sa akin.
"Dad, wala po akong matipuhan kahit isa sa kanila. Eh mga babaero naman po 'yong mga 'yon. Parang nagpapalit lang ng damit kung makapagpalit ng girlfriend. Nacha-challenge lang po siguro 'yong mga 'yon sa akin dahil alam nilang hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend."
Nangunot ang noo ni Daddy sa sinabi ko. Lalo tuloy akong nalilito sa reaksiyon niya. Parang may something kay Daddy, parang gusto niya talagang magkaroon na ako ng boyfriend at hindi ko maintindihan kung bakit?
"Baka naman nagkakamali ka lang, Lorie. Kapag kasi niyayaya kang mag-date, tinatanggihan mo naman. Paano mo sila makikilala kung hinuhusgahan mo agad ang intensiyon nila sa iyo at nire-reject mo sila kaagad nang hindi man lang binibigyan ng chance?"
Ako naman ang napakunot-noo. May kakaiba talaga kay Daddy. Sigurado ako.
"Pare, hayaan mo na lang muna si Lorie kung ayaw niya pang magkaroon ng boyfriend. Siya naman ang mas nakakakilala sa mga manliligaw niya." Pagsang-ayon naman bigla sa akin ni Ninong. Napalingon tuloy ako sa kanya at napangiti. Napangiti din siya sa akin.
"Pareho kasi kayo masyadong pihikan. Tsk tsk." Nailing na lang si Daddy at ipinagpatuloy ang pagkain niya.
Nakahinga na ako ng maluwag. Lalo pa akong napangiti nang palihim na nag-thumbs up si Ninong sa akin.
Pagkatapos kumain ay lumabas sina Ninong at Daddy. Sa isiping sa labas ng bahay sila iinom ay pumuwesto na ako sa sala, sa mahabang sofa para manuod ng TV. Wala naman kasi akong sariling TV sa kuwarto ko tutal ay kami lang naman ni Daddy ang nakatira sa bahay at wala naman akong kaagaw sa TV.
Pero maya-maya lang ay bumalik din sila. Nagyosi lang pala sila at balak na nilang uminom sa sala.
Ipinahanda ni Dad sa akin ang iinumin, chaser at pulutan nila. At nang akmang io-off ko na ang TV at papasok na ako sa kuwarto pagkatapos niyon ay pinigilan naman ako ni Daddy.
"Sige lang anak, manuod ka lang diyan. Dito lang kami ni Ninong mo. Lakasan mo na lang ang volume para marinig mo ang pinapanuod mo." Ani Daddy kaya napangiti ako. Alam kasi niyang may inaabangan akong telenovela kapag gabi at ganitong araw. Wala rin kaming wifi para makapanuod ako ng live coverage sa cellphone ko. Kailangan ko pang magload para makapanuod ako sa cellphone ko.
"Salamat po, Dad!"
Muli na akong umupo sa mahabang sofa.
Sa pang-isahang sofa nakaupo si Daddy, kaya halos katabi ko lang si Ninong Max dito sa mahabang sofa.
Lumipas ang ilang sandali. Nagpaalam muna saglit si Daddy kay Ninong para umihi. Ako naman ay tutok na tutok lang sa pinapanuod ko. Action at romance ang theme ng teledrama na pinapanuod ko kaya kung minsan ay napapangiti at kinikilig ako.
"What are you watching?" Biglang tanong ni Ninong Max. Bahagya pa siyang umusog palapit sa akin.
"Batang Maynila po, Ninong. Sikat itong palabas ngayon." Sagot ko naman sa kanya.
"Oh, hindi ko 'yan alam. I've never watched teledrama." Ani Ninong.
Kinuha niya ang baso ng chaser at uminom siya roon. Pero pagbaba ng kamay niya ay sa nakahantad na hita ko dumantay ang palad niya. Para akong nakuryente, halatang nagulat din siya at hindi niya iyon sinadya kaya kaagad siyang napalingon sa akin.
"I-I'm sorry." Ani Ninong.
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa hita ko bago niya iniangat ang kamay niya.
"Ayos lang po, Ninong. Ninong naman kita." Nakangiti kong sambit.
Para pang may kalandiang biglang sumanib sa akin kaya hinawakan ko ang kamay ni Ninong at muling ibinaba, sa tabi ng hita ko kaya't nasasayaran pa rin iyon ng mga daliri niya.
Napangiti na lang kami ni Ninong sa isa't-isa. Pagbitaw ko sa kamay niya ay saktong bumalik na rin si Daddy.
Pero hindi na umusog ulit palayo sa akin si Ninong Max. At kapag umiinom siya, sa bawat baba ng kamay niya ay nasasayaran ng mga daliri niya ang hita ko. Hinahayaan ko na lang dahil parang natutuwa pa nga ako.
May pagkakataon ngang napahawak ulit sa mismong hita ko si Ninong Max. Napalingon ako sa kanya ay nginitian ko lang siya, ngumiti naman siya sabay pisil ng hita ko.
Hindi iyon nakikita ni Dad dahil nahaharangan ng mesa ang hita ko sa puwesto niya.
Lumipas ulit ang mga sandali hanggang sa natapos na silang uminom. Nalasing na si Dad kaya pumasok na siya sa kuwarto niya at natulog.
"Ingat ka po sa pagda-drive, Ninong. Sigurado ka po bang kaya mo pang magdrive pauwi?" Nag-aalala kong tanong kay Ninong Max nang inihahatid ko na siya palabas ng gate.
"Yeah. Don't worry about me. Sanay akong uminom unlike your Dad." Ani Ninong sabay ngiti sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya. Pagkalabas niya sa gate ay nag-aalangan pa ako kung hahalik ulit ako sa pisngi niya.
Para kasing... Kakaiba na ang nararamdaman ko para kay Ninong Max. Parang nahuhulog na ako nang tuluyan sa kanya. Mali pero hindi ko mapigilan ang tuwa kapag naririyan siya at may nangyayaring kakaiba sa aming dalawa.
"I'll get going. Sige na, pumasok ka na sa loob at isara mo na ang gate niyo. Para 'wag ka nang mag-alala, I'll just text you kapag nakauwi na ako. Alright?"
"S-Sige po, Ninong... Ingat ka po..."
Hindi ko rin napigilan ang sarili kong humalik sa pisngi niya. Simpleng beso lang dapat iyon pero napahawak siya sa baywang ko sabay pisil doon nang bahagya. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa pisngi ko, at tila pag amoy niya sa leeg ko.
"Goodnight..." aniya matapos kumalas sa akin.
"Goodnight po, Ninong... Ingat po..."
Napakagat-labi na lang ako nang maisara ko na ang gate. Gumuhit din ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Ewan ba pero kinikilig ako sa Ninong Max ko!