(LORIE'S POV)
Sabado. Nagulat pa ako sa biglang pagdating ni Ninong Max.
Halos araw-araw na lang simula nang una niyang pagbisita sa bahay ay lagi na siyang bumibisita. Gaya ngayon.
"Ninong Max. Good afternoon po."
Binuksan ko ang gate at pinapasok ko siya. Humalik din ako sa pisngi niya bilang pagbati.
"Nandiyan ba si Henry?"
"Naku, Ninong, maaga pong umalis."
"Saan daw pumunta?"
"Hindi ko po alam, baka may date." Biro ko kaya natawa si Ninong. Pero malay ba namin kung totoo ang sapantaha ko.
"Gusto mo po ba Ninong na pumasok muna sa loob?" Tanong ko pa kay Ninong.
"Hmm... Sige. Baka pauwi naman na si Henry. Pero hindi ba ako makakaabala sa iyo?"
"Hindi naman po, Ninong! Aalis nga din po sana ako at makikipagkita sa friends ko kaya lang bigla akong tinamad. Kaya nanunuod na lang po ako ng movie."
"I see. Pero bakit naman tinamad ka? Women your age often like to go out. Pero ikaw, mas gusto mo pang manuod dito sa bahay niyo." Nangingiting komento ni Ninong.
"Baka po kasi yayain din nila ang mga boys na friends namin. Tapos mauwi pa sa tuksuhan o date ang mangyari. Kaya wag na lang. Ikaw, Ninong, siguro po nalulungkot ka sa bahay mo kasi ikaw lang mag-isa roon."
"Yeah, right... Kaya nga yayayain ko sana si Henry. Kaso umalis pala siya."
"Tawagan mo na lang po kaya, Ninong. Juice po, Ninong?"
"Sure. Thank you, Lorie."
Nasa sala na kami at iminuwestra ko sa kanya ang sofa. Nang maupo na siya ay dumiretso naman ako sa kusina. Nagtimpla ako ng juice at kumuha din ako ng cookies at dinala ang mga iyon sa sala.
"Ito na po, Ninong."
Ibinaba ko muna ang tray sa lamesita. Habang ipinapatong ko na ang juice ni Ninong malapit sa kanya ay bigla siyang nasamid nang sunud-sunod. Nagulat ako at nagmamadaling inilapit sa kanya ang baso na may lamang juice pero ewan ko ba kung anong katangahan ang sumanib sa akin at nadulas iyon sa kamay ko kaya nabuhos ko sa hita ni Ninong Max ang juice!
Napatingin kami sa short niya na basang-basa na.
"S-Sorry po, Ninong! Ang clumsy ko talaga."
Inilapag ko sa lamesita ang basong halos wala nang laman at mabilis na kinuha ang tissue holder na nasa malapit. Humugot ako ng maraming tissue at dali-daling pinunasan ang mga hita ni Ninong Max. Basang-basa na ang short niya kaya kumuha ulit ako ng tissue at diniinan ko lalo ang pagpunas sa short niya.
"Ako na, Lorie!" Turan ni Ninong Max pero hindi ko siya pinansin.
Patuloy ko lang idiniin ng husto ang tissue sa nabasa niyang short hanggang sa mahigpit na pinigilan ni Ninong ang kamay ko.
Awtomatiko akong napatingin sa mukha niya at napansin kong namumula ang mukha, leeg at tenga niya. Bakit naman kaya?
"Ako na." Aniya na tila may nginig sabay hawak sa kamay kong nakadiin sa short niya.
"S-Sige po, Ninong... Sorry po ulit..."
Saad ko. Akmang hihilahin ko na ang kamay ko pero nang ibaba ko ang tingin ko ay nagulat ako dahil ang kamay kong may hawak na tissue ay nakadiin na pala sa mismong sentro ng mga hita ni Ninong! May nadiinan din akong matigas na hindi ko napansin kanina, pero ngayon.... Gosh!
Mabilis ko nang binawi ang kamay ko at hinayaan siyang punasan ang sarili niya. Pakiramdam ko ay ako naman ang pinamumulahan ng mukha!
"P-Pasensiya ka na, Ninong..." saad ko sabay tuwid ng pagkakatayo.
"Pasensiya ka na rin. Ahm, Lorie...?"
"Po?" Pinilit ko nang iangat ang mukha ko at tumingin sa kanya kahit nakakaramdam pa rin ako ng hiya.
Parang nadiinan ko yata iyong ano ni Ninong Max!
"Ahm, next time, puwede bang magsuot ka muna ng panloob na damit bago ka humarap sa labas o magpapasok ng bisita?"
Napakunot ang noo ko. Panloob na damit? Ano ba'ng sinasabi—
Awtomatiko akong napayuko nang ma-gets ko na ang gustong sabihin ni Ninong!
Shit! Bakat na bakat ang n*****s ko!
Hindi naman kasi talaga ako nagsusuot ng bra kapag nandito lang ako sa bahay tutal ay madalas mag-isa lang ako. Noong unang beses na punta nga dito ni Ninong at noong mga sumunod ay wala din pala akong suot na bra. Pero ngayon lang nangyaring manipis na puting sando lang ang suot ko kaya halatang-halata tuloy ang dibdib ko!
Kaya siguro nasamid si Ninong dahil nakita niya ang dibdib ko! Nakakahiya naman sa Ninong ko!
"Ahm... P-Pasensiya na po, Ninong. Sanay kasi akong hindi na nagsusuot ng bra kapag mag-isa lang ako." Saad ko. Palagay ko ay pulang-pula na ang mukha ko!
"Oh, I see... Baka lang kasi may ibang makakita sa dibdib mo, I mean, sa iyo na ganyan ang hitsura mo... You know... Someone who might disrespect you and take advantage of you..." Aniya sabay iwas ng tingin sa akin.
Oh my gosh! Ibig sabihin, nakita ni Ninong Max ang dibdib ko? Nasilip niya nang di inaasahan ang n*****s ko kaya siya sunod-sunod na napaubo? Eyy, bakit naman kasi naging careless ako? Nakalimutan kong manipis na sando lang ang suot ko at yumuko pa ako! Nakita na tuloy ni Ninong Max ang boobs ko!
"O-Opo, Ninong... Pasensiya na rin po kung nadiinan ko ang ano mo..." saad ko naman at ako naman ang napaiwas ng tingin sa kanya.
Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa amin. Hanggang sa bigla na lang kaming nagkatinginan at napangiti sa isa't'-isa.
"Gusto mo po bang humiram ng pamalit na short, Ninong?" Basag ko sa katahimikan.
"Okay, why not." Sagot naman niya.
"Sige po, ikukuha lang kita ng short ni Daddy."
Tumalikod na ako sa kanya at umakyat sa ilang baitang lang na hagdan para pumunta sa kuwarto ni Daddy. Hindi talaga iyon second floor pero mas mataas ang flooring kaysa sa sala at kusina.
Naghanap ako ng maayos na short ni Daddy at nang makakuha na ako ay mabilis akong tumalikod sa closet.
Pero nagulat ako dahil nasa likod ko na pala si Ninong Max! Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa pagkagulat at mabuti na lang ay maliksi akong nahawakan ni Ninong Max. Matangkad siya kaya hindi niya yata natantiya ang paghawak niya sa akin kaya imbes na sa baywang ko siya makahawak ay ang ibaba na ng dibdib ko ang nahawakan niya. Feeling ko nga ay nasayaran pa ng mga daliri niya ang ilalim ng boobs ko dahil naramdaman ko pa roon na gumalaw ang daliri niya.
"I-I'm sorry..." aniya at kaagad niya rin akong binitawan.
Napakagat-labi na lang ako sabay abot ng short ni Daddy sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba kay Ninong Max. Parang nai-excite ako sa kanya sa paraang hindi dapat...
"Ito na po ang short, Ninong Max... Kahit dito ka na rin po magbihis... Magpapalit din po muna ako ng damit." Saad ko at muli ay hindi na naman ako makatingin ng diretso sa kanya.
Tinungo ko na ang pinto, pero bago lumabas ay parang may sariling isip ang katawan ko na napalingon ako kay Ninong Max. Napangiti siya sa akin, kaya napangiti rin ako sa kanya bago kagat-labing lumabas.