(LORIE'S POV) "Grabe talaga, Lorie. Natakot ako sa hitsura ng Ninong mo! Galit na galit talaga siya no'ng nasabi kong nag-bar ka! Parang ayaw ko na tuloy siyang maging crush. Nakakatakot pala siyang magalit. To think na inaanak ka lang niya tapos ganon na agad 'yong galit niya? Galit kung galit!" Napapatitig na lang ako kay Sela habang nagku-kuwento siya kung paano niya nasabi kay Ninong Max na sumama ako kay Filip sa bar dalawang araw na ang nakakalipas. Ang lakas ng energy at boses niya habang nagku-kuwento, nakatayo pa at nanlalaki ang mga mata. "Ay 'day wala pa 'yan sa galit niya sa bar! Sinasabi ko sa'yo Sela, bagsak sa sahig 'yong kaibigan ni Filip sa isang suntok lang! Natulala nga ako, akala ko talaga biglang may shooting sa bar tapos nakita ko na lang 'yong Ninong ni Lorie." K

