(LORIE'S POV) "Ano ba'ng bibilhin mo? Dumaan na tayo kanina sa canteen, sabi mo wala kang bibilhin tsaka hindi ka naman gutom." nagtatakang usisa sa akin ni Mira nang malapit na kami sa school canteen. "Oo nga." sang-ayon naman ni Sela na tila nagtataka rin. "Ano kasi... Parang nag-crave kasi ako bigla sa pansit tapos may kalamansi. Parang ang sarap no'n, medyo maasim..." palusot ko sa kanila pero bigla rin akong naglaway nang maisip ko ang pansit na pinigaan ng kalamansi. "Para ka namang buntis... Laging may cravings. Noong isang araw naman nilantakan mo 'yong sinigang kahit napakaasim. Tapos one time, naka-dalawang order ka no'ng gulay na laing eh hindi ka naman noon dati kumakain." ani Mira kaya napaharap ako at napanganga sa kanya. Oo nga, noh?! Pero paano naman ako mabubuntis eh

