(LORIE'S POV) "Lorie? Buti naman at pumasok ka na, girl!" Salubong agad sa akin ni Sela nang papasok na sana ako sa room. "Text kami ng text sa'yo pero hindi mo naman sinasagot!" Saad din ni Mira na katulad ni Sela ay sinalubong din ako, hinarangan pa nga nila ako sa mismong pinto ng classroom. Tila ba inaabangan talaga nila ang pagdating ko. "Bigla ka na lang nawala noong students assembly! Alam mo bang pinag-alala mo kami? Hinanap ka kaya namin!" "Oo nga. Tapos nalaman pa naming may nawawala raw na estudyante sa course at year natin. Grabe. Narinig naming sinabi ni Dean sa pumuntang pulis at sabi rin nong isang lalaki, si Mrs. Roosevelt daw 'yong estudyante. Eh wala namang apelyidong gano'n sa klase natin, 'di ba?" "Oo nga. Tsaka ikaw lang naman ang biglang nawala noong assembly. So

