(LORIE'S POV) "Where do you want to eat, love? May gusto ka bang kainin? Wala bang kini-crave ang babies natin?" Nakasakay na kami ni Max sa kotse niya at kakalabas lang namin sa gate ng school. Ngiting-ngiti siya sa akin at panay hawak at pisil pa siya sa isang kamay ko. Kanina nga sa school ay tila proud na proud pa niyang hinawakan ang kamay ko at tila ipinapangalandakan niya sa lahat ng makakakita na asawa na niya ako. Ang singsing ko ay nailipat na niya dati sa kaliwang palasingsingan ko habang siya naman ay matagal nang nasa kaliwa ang singsing na wedding ring daw namin. Tsk. "Hmn. Parang gusto ko ng Black Forest Cake for dessert." "Fine. Pero kaunti lang. Bilin ng doktor na 'wag masyado sa matatamis at chocolates. And you have to drink plenty of water after eating sweets." Nap

