bc

CONTRACT WITH THE BILLIONAIRE: BE MY BABY MAKER

book_age18+
76
FOLLOW
1.2K
READ
billionaire
dark
love-triangle
one-night stand
HE
escape while being pregnant
second chance
pregnant
badboy
heir/heiress
drama
bxg
lighthearted
kicking
mystery
loser
campus
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

Si Luciana “Luci” Bautista ay napilitang maging “baby maker” ng pinakabatang bilyonaryo na si Lorenzo Matteo Illustre—bilang kabayaran sa utang ng kanyang lola, si Mamu Lourdes. Para kay Lorenzo, isa lang itong plano ng paghihiganti. Para kay Luci, isa itong sakripisyo na wala siyang choice kundi tanggapin.

Pero habang tumatagal, nagbabago ang lahat. Unti-unting lumalambot ang matigas na puso ni Lorenzo, at si Luci naman ay hindi na mapigilan ang sarili na mahulog sa kanya.

Sa gitna ng selos, mga lihim, at mga taong gustong sirain sila, masusubok ang pagmamahal na nabubuo sa pagitan nila. Mananatili na lang ba siyang isang “baby maker” ni Lorenzo—o higit pa sa papel na kanyang pinirmahan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE: SIMULA
[LUCIANA'S POINT OF VIEW] "Good morning, Pelepens!" bati ko habang lumalabas sa likod ng bahay. Nag-unat ako ng mga braso, sabay pikit ng mata. Sobrang sarap ng hangin—presko, at ang sarap sa pakiramdam. Magsisimula talaga ang araw mo ng positibo. Idagdag mo pa ang puro puno at halaman na bubungad sa'yo kapag dinilat mo ang mga mata mo. May mga tanim din kaming gulay sa likod—mga talbos, kamatis, at kung anu-ano pa na pinagkukunan namin ng paninda. Maririnig mo rin pala ang tilaok ng mga manok, may mga sisiw pang paikot-ikot sa lupa. Ganito lagi ang umaga ko rito probinsya. Simple. Tahimik. Pero kumpleto. "Luci! Halika na, mag-aayos na tayo ng paninda!" tawag ni Mamu mula sa loob. "Papunta na po!" sagot ko, sabay huling tingin sa paligid bago pumasok. Pagpasok ko sa loob, kaagad kaming nagsimula ni Mamu mag-ayos ng mga gulay sa lamesa—mga talong, kamatis, at sitaw. Hindi pa kami nakakatagal nang may kumatok. Pagbukas ko, bumungad ang bestfriend ko na si Ellaine—naka-uniform at may dalang bag. "Good morning, girl at Mamu!" bati niya sa amin. Napunta ang tingin niya sa mga gulay na nasa lamesa. "Grabe, ang laki naman ng talong na 'to—" "Bitawan mo nga iyan!" pinutol ko ang sasabihin niya sabay agaw sa talong. "Bibig mo na naman! Si Mamu nandito!" Napatingin pa ako kay Mamu na nasa gilid namin at busy sa ginagawa niya. "Girl, iniisip mo? Totoo naman na malaki, ha? Ikaw lang nag-iisip ng kung ano. Ibang talong siguro nasa isip mo, 'no?" inosente niyang sagot pero halatang nang-aasar. Bigla naman natigil si Mamu sa ginagawa niya at tumingin sa amin. "Bakit ba ganiyan mga usapan niyo? Pati nananahimik na gulay nadadamay sa mga kalokohan niyo. Mga bata pa kayo, huwag muna iyan ang isipin niyo..." sermon ni Mamu. Lumingon pa siya kay Ellaine. "Lalo ka na, magtapos ka muna sa pag-aaral. Huwag muna talong ang nasa isip." Saglit kaming natahimik ni Ellaine bago nagkatinginan—parehong nangingilid ang tawa pero pinipigilan lang. "Sorry po, Mamu," sabi niya habang nakayuko... pero kitang-kita ko yung panginginig ng balikat niya sa pagpigil ng tawa. Tinapik ko siya ng mahina. "Ikaw kasi," pabulong kong sabi. "Bakit ako? Sinabi ko lang na malaki ang talong kung ano-ano na nasa isip mo," bulong din niya pabalik sa akin. Napairap na lang ako pero hindi ko na rin napigilan ang ngiti ko. Sa huli, napailing na lang si Mamu habang kami... halos sumabog na sa kakatawa. Nang maubos na ang tawa ko, bumalik na ako ulit sa pag-aayos ng mga gulay. "Luci, may bukol kana naman?" biglang tanong ni Mamu sa akin, nakatingin siya sa ulo ko. Napahawak naman ako rito. "Maliit naman na po iyan, Mamu. Hindi naman na masakit." Nabagsakan kasi ako sa ulo ng takip ng cabinet ko kagabi kaya nagkaroon ako ng bukol. Hinawakan niya pa ang noo ko. "Ilang beses ka na nababagsakan ng cabinet na 'yan," nag-aalala na sabi niya pa. "Grabe ka na talaga, girl. Kahit takip ng cabinet insecure sa kagandahan mo. Binigyan kapa ng bukol," sabat ni Ellaine na nagpipigil ng tawa. "Mang-asar kapa, girl," natatawang sagot ko. "Sinasabi ko na sa'yo, ipaayos na natin 'yan," dagdag ni Mamu. Umiling ako. "Okay lang po, ako na lang po mag-aayos, Mamu. Kaya ko naman. Huwag na po tayong gumastos." Napabuntong-hininga siya. "Hindi na kaya ng ayos iyan, ilang beses kana nabubukulan." "Hindi ko lang po siguro naayos paglagay ng takip kaya nalaglag." Ngumiti pa ako. "Ikaw talagang bata ka," naiiling na sabi ni Mamu habang inaabot ang basket niya. "Kukuha muna ako ng mga tanim sa likod. Kulang pa ang mga paninda natin." Isinabit niya sa braso ang basket at tinignan pa ako saglit, parang gusto pang magsalita pero napabuntong-hininga na lang. "Sige po, Mamu," sagot ko. Lumabas siya papunta sa likod ng bahay—doon sa maliit naming taniman na pinagkukunan namin ng dagdag na gulay para sa paninda. Napatingin si Ellaine sa'kin at ngumisi. "Girl, ipaayos mo na 'yang cabinet mo. Baka sa susunod na mabagsakan ka, magka-amnesia ka na. Makalimutan mo pa ang maganda mong best friend na Ellaine ang pangalan." Tinignan ko siya nang masama. "Girl, huwag ka nang mang-asar—late ka na," sabay turo ko sa wall clock namin, natatawa. Sinilip niya naman tapos biglang nataranta. "Gagi, oo nga pala—lagot!" Mabilis niyang inayos ang bag niya. "Sige na, mauna na ako. Late na 'ko!" "Mag-aral ka mabuti, ha," natatawa na sabi ko. Tumango siya. "Opo, magtatapos ako para p'wede na akong humawak ng talong," sagot niya sabay takbo palabas. "Hoy, bibig mo!" sigaw ko, pero tawa lang ang sagot niya habang papalayo. Napailing na lang ako. 'Siraulo talaga iyon, mukhang talong. Pero ano ba masama sa talong?' Bigla naman kumirot ang bukol ko at napaisip sa sinabi ni Ellaine. 'Tama siya, baka sa susunod hindi lang bukol makuha ko.' Pero naisip ko naman bigla na gastos na naman ang mangyayari. Hindi namin kayang magpalit ng bago-wala rin naman kami pambili. Sapat lang kasi ang kinikita namin sa pagtitinda ng gulay sa palengke... minsan kulang pa nga. Lalo na't may mga maintenance si Mamu na kailangan niyang inumin araw-araw. Kaya nagsi-sideline din ako kung saan kaya-kahit anong trabaho, basta marangal. Napilitan din akong tumigil muna sa pag-aaral. Graduating na sana ako ngayon sa college, pareho kami ni Ellaine. Simula kasi nang magkasakit si Papu Fred at mamatay, nagsimula ng bumigat ang lahat. Nabaon kami sa utang kaya isa-isa namin ibinenta ang mga meron kami, hanggang sa naubos na lahat pero ang utang hindi. Bata pa lang kasi ako nang mawala ang mga magulang ko. Hindi ko na nakilala si papa, si mama naman saglit ko lang nakasama kasi namatay noong six years old pa lang ako. Kaya sina Mamu at Papu na ang naging mundo ko. Kahit mahirap ang buhay at kahit minsan kapos at pagod... Masaya pa rin kami. Para sa akin, sapat na iyon. Napatigil ako sa pag-iisip at kunot-noo na napatingin sa pinto. 'May bisita ba kami ngayon?' "Baka bumalik si Ellaine?" mahina kong sabi sa sarili ko, pero kaagad din akong napa-iling. Hindi pala uso sa babaeng iyon ang kumatok-diretso lang 'yon pumapasok na parang sarili niya ang bahay. Nagpunas ako ng kamay at dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Dumiretso na ako sa pinto at saka ito binuksan. Bumangad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng fitted na itim na blazer at pencil skirt na hapit sa katawan niya. May silk blouse sa loob na medyo bukas ang butones, at mataas ang stiletto heels na suot niya na. Maayos ang sleek na buhok niya, at kulay red ang labi, at... masama ang tingin sa akin? 'Sino ba ito? Baka mali ng adress na napuntahan?' "Good afternoon," malamig at maarte niyang sabi. "I'm here regarding the Salazar property." Habang nagsasalita, lantaran niyang sinuyod ng tingin ang buong bahay-may halatang pag-ngiwi-bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa na parang hinuhusgahan ako. Bigla akong nagtaka. "Bakit po?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Unfortunately, hindi na ako magpapaligoy-ligoy," putol niyang sagot, halatang naiinip na. "Nandito ako para sabihin sa inyo, na as of this morning, this property is no longer under your family's name. It has been sold due to unpaid debts ni Lourdes Salazar. That's your grandmother, right? The new owner is requesting immediate vacation." Parang may sumakal sa lalamunan ko sa mga sinabi niya. "Teka... paanong? Hindi ko maintindihan-" Umikot ang mga mata niya, halatang naiirita. "I don't have the time to explain everything to you. Basta kailangan niyo nang umalis dito." Napalunok ako. "Hindi po... hindi p'wede..." nauutal kong sabi. "Sa amin po ang bahay na 'to. Baka may error lang-" "I said it's final," singit niya kaagad, mas tumalim ang boses. "Legally binding ang documents. Hindi ito 'baka may error.'" Iniabot niya ang envelope na parang walang pakialam kung kukunin ko ba o hindi. "Basahin mo kung gusto mong maintindihan. Lahat ng details nandiyan." Kinuha ko naman na nanginginig pa ang kamay, saka muling tumingin sa kaniya. "Hindi po kaya... mali kayo ng napuntahan? O baka hindi naman po ito totoo?" hirap ko na tanong, hindi ko kasi matanggap. Napatawa naman siya-maikli, matalim, at may halong inis. Tinaasan niya pa ako ng kilay. "May iba pa bang Lourdes Salazar sa lugar na 'to?" sarkastiko niyang balik. "Beside kung hindi ito totoo, do you really think I would waste my time coming here?" "Pero parang malabo naman po kasi..." Bahagya pa siyang ngumiti-tipong nang-iinis. "Kung ayaw mo pa rin maniwala, then ask your grandmother. I'm pretty sure na alam niya naman kung g'ano kalaki ang utang niya." Habang nagsasalita, inayos niya ang skirt at blazer niya, halatang iritado. Bahagya pa siyang yumuko at pabulong na parang hindi na kayang itago na hindi niya gustong nandito siya. "I can't even stand staying here this long... I don't get why I was sent here. Of all places, dito pa?" Umiling siya, pinasadahan ulit ng tingin ang bahay namin. "I can't believe magkakainteres siya sa ganitong bahay." "Sino po ba tinutukoy niyo?" tanong ko, pilit na kinokontrol ang boses ko. Tinarayan niya lang ako, halatang ubos na ang pasensya. Umikot pa ang mga mata niya bago sumagot. "Basahin mo na lang 'yan, okay?" mataray niyang sabi. "Then kapag naintindihan mo na, umalis na kayo kaagad. Wala rin naman kayong choice... at para hindi na ako bumalik dito." Hindi na niya ako inantay na sumagot. Tumalikod kaagad siya at naglakad paalis. Pagdating sa gate, sandali pa siyang natigilan na parang nandidiri. Tinulak niya ito gamit lang ang dulo ng mga daliri niya. Halos ayaw itong hawakan. Nang makalabas siya, mabilis niyang isinara iyon dumiretso sa kotse niyang nakapark sa tapat ng bahay. 'Sobrang arte naman.' Nang mawala siya sa paningin ko, para akong napako sa kinatatayuan ko-mahigpit ang kapit sa envelope na iniwan niya. Hindi ko matanggap lahat ng sinabi niya. "Luci, sino 'yung bisita?" tanong ni Mamu mula sa likod. Napalingon ako at saka pilit na ngumiti. "Kasi ano.. wala naman po... wrong address lang," sagot ko na hindi pa sigurado kung anong sasabihin. Pero mukhang nakahalata naman si Mamu. "Luci... kukunin na ba nila ang bahay?" mahina niyang tanong, halata ang lungkot sa boses. Umiling ako 'agad, saka ngumiti kahit masakit. "Hindi po, Mamu. Notice pa lang naman po... maaayos pa natin 'to." Hindi siya naniwala. Napatingin siya sa envelope na sinusubukan kong itago. Nakita ko ang pagbabago sa mukha niya, parang biglang bumagsak ang mundo niya at parang alam na niya kung anong laman nito. "Sabi nila-- akala ko... bibigyan pa nila ako ng isang taon..." mahina niyang sabi at nanginginig ang boses na parang maiiyak. Dali-dali ko siyang inalalayan paupo. "Mamu, gagawan ko po ng paraan. Huwag po kayong mag-alala..." Pero tuluyan na siyang napaiyak. "Sorry, Luci, apo..." umiiyak niyang sabi. "Simula nang magkasakit ang Papu mo at mawala siya... nabaon ako sa utang. Nasangla ko ang bahay na 'to. Sabi nila pagbibigyan pa nila ako... pero hindi pala..." Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Luci, ayokong mawala ang bahay na 'to. Dito na ako lumaki... dito lumaki ang mama mo... at ikaw." Napahagulgol siya. "Marami tayong masasayang alaala sa bahay na ito. Kahit ganito lang ito... sobrang mahalaga ito sa akin." Parang kinurot ang puso ko sa itsura ni Mamu. Gusto kong umiyak, pero ayokong magmukhang mahina. Lalo na ngayon na kailangan niya ng magpapalakas ng loob niya. Hindi ako p'wede maging mahina. Ngumiti ako nang malapad, kahit pilit. "Hindi po mawawala sa atin itong bahay, Mamu. Gagawin ko po lahat. Makikiusap po ako ulit... hihingi ako ng kahit ilang buwan para makabayad." "Pero paano, apo?" nag-aalala niyang sagot. "Wala naman tayong pera. Kahit isang taon pa tayong magtinda ng gulay sa palengke, hindi tayo makakaipon kahit kalahati para sa pambayad. Kulang pa nga ang kita natin sa pang-araw-araw..." Para akong natauhan sa sinabi niya-tama siya. Pero ayoko pa ring panghinaan ng loob sa harap niya. Tumawa ako nang mahina, pilit na pinapagaan ang sitwasyon. Tiningnan ko siya diretso sa mata. "Gagawin ko po lahat, Mamu. Magtatrabaho ako-kahit ilang trabaho pa 'yan. Basta... gagawin ko po lahat." Napayuko siya. "Pasensya ka na, Luci, apo... kasalanan ko-" "Huwag niyo pong sabihin 'yan," pinutol ko ang sasabi niya at saka mahigpit na hinawakan siya sa kamay. "Hindi niyo po kasalanan, okay? Magiging maayos din ang lahat." Pero sa likod ng ngiti ko, magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula-kung saan kukuha ng pera, kung paano haharap sa taong may-ari na ngayon ng bahay namin. Pero isang bagay lang ang sigurado-hindi ako susuko. Para kay Mamu. Para sa bahay na ito na punong-puno ng alaala namin. Kahit anong mangyari, hahanap ako ng paraan. Hindi p'wedeng dito na lang matatapos ang lahat. Nang hapon din na iyon, kausap ko si Ellaine, ang bestfriend ko. Kinuwento ko sa kaniya lahat-mula sa pagdating ng babae hanggang sa sinabi ni Mamu. Hindi ko alam ang gagawin, pero tuwing naaalala ko si Mamu, gusto kong gawin lahat para hindi mawala ang bahay namin. Maaga nga siya natulog ngayon. Mabuti na rin—kailangan niya ng pahinga. Dumiretso na lang ako sa sala at umupo sa luma naming sofa. Binuksan ko na rin ang envelope na iniwan ng babae kanina— mga papeles tungkol sa final notice ng pagpapaalis sa amin. Paglabas pa lang ng mga dokumento, napabuntong-hininga na ako.... Sobrang dami. English pa. Naiintindihan ko naman... pero nakaka-stress lang talaga basahin, parang bawat page mas lalo akong kinakabahan. Hanggang isang pangalan ang nakakuha ng atensyon ko, may kasama na rin na pirma. Lorenzo Matteo Illustre. Siya ang nakabili. Siya na ang bagong may-ari ng bahay namin. Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang pangalan... parang narinig ko na dati. Kinuha ko ang phone ko at nag-search. Kaunti lang ang lumabas—halatang pribado ang buhay niya. Pero sapat na para mapatigil ako. Pinakabatang bilyonaryo sa bansa. "Grabe..." bulong ko. Habang binabasa ko pa, mas lalo akong napanganga. Siya ang may-ari ng Illustre Enterprise—isang napakalaking kumpanya na may hawak ng iba't ibang industriya. Real estate, mga hotel, restaurant chains, at pati malalaking shopping malls sa iba't ibang lugar. May mga commercial buildings pa at mga luxury developments na kontrolado niya. Parang kahit saan ka tumingin... may parte siya. Napahinto ako sa pagbabasa at napasandal. "Grabe naman... sobrang yaman niya," mahina kong sabi, habang nakatingin pa rin sa pangalan niya sa papel. Pero hindi lang puro papuri ang nabasa ko tungkol sa kaniya. May mga article din na nagsasabi na masama ang ugali niya. Hindi raw siya marunong maawa, at walang pakialam sa iba. May isang balita pa tungkol sa building na binili niya—maraming nawalan ng trabaho matapos iyon. Kaya ang tingin ng iba sa kaniya, wala siyang puso. Napabuntong-hininga ako. Pero kahit gan'on... marami pa ring humahanga sa kaniya. Dahil sa yaman. Sa impluwensya. Sa kapangyarihan niya sa mundo ng negosyo. Higit sa lahat... Pati sa itsura niya. Tahimik akong napahinto bago ko tinitigan ang isang litrato niya sa magazine. Matangos ang ilong, maayos ang hubog ng panga, at seryoso ang ekspresyon na parang laging may iniisip. Malinis tingnan—halos walang mali sa kaniya. Pero sa mga mata niya... may kung anong bigat. Malamig. Parang kayang basahin ang isang tao nang hindi nagsasalita. Hindi rin siya iyong tipo na basta lang gwapo. Siya 'yong tipo na nakakatakot titigan nang matagal. Napalunok ako at saka napahawak ng mahigpit sa cellphone ko, 'Paano ako makikiusap sa ganitong klaseng tao?' Sobrang layo niya sa akin. Parang langgam lang ako sa mundo niya. Pero kahit gano'n... siya na ang bagong may-ari ng bahay namin. Siya ang tanging makakapagdesisyon kung mananatili pa kami rito o hindi—wala akong choice. 'Pero natatakot ako. Paano kung mali ang gawin ko? Paano kung mapahiya lang ako?' "Bakit niya naman kasi bibigyan ng oras ang tulad ko?" bulong ko sa sarili ko. Parang unti-unti akong nanghihina, pero pilit kong nilibot ang tingin ko sa buong bahay. Luma na ang bahay—halatang matagal na. Pagmamay-ari pa ito ng pamilya ng lola ni Mamu. Kupas na ang mga pintura sa ilang pader, may mga gasgas na sa kahoy na sahig at hagdan, at simpleng-simpleng ayos lang ng mga gamit. Pero malinis. Maayos. Mararamdaman mo na may nakatira. May buhay. May alaala. Tipikal na bahay sa probinsya—hindi sosyal, pero puno ng kwento. Huminto ang tingin ko sa mga lumang larawan sa dingding. Bumalik lahat sa'kin.... Si Mama nang nabubuhay pa siya, lahat ng alaala namin dito sa bahay ay masaya—tawa sa kusina, kwentuhan sa sala, at simpleng araw na parang wala kaming problema. Si Papu Fred... at si Mamu... silang dalawa sa bawat sulok ng bahay na 'to. Ngayon, parang ang sakit isipin na baka mawala pa ito. Kung ako pa lang nasasaktan na, paano pa si Mamu na dito lumaki, dito nagka-anak, nagpalaki ng pamilya, at nag-alaga sa'kin? Humigpit ang hawak ko sa envelope. Sa gitna ng takot... may kung anong bigat na naging lakas. Hindi ako p'wedeng umatras. Bukas... haharapin ko siya. Hindi ko alam kung paano at hindi ko alam kung saan magsisimula, pero gagawin ko ang lahat. Kung kailangan kong lumuhod sa harap niya, gagawin ko. Kahit maraming tao pa ang nakatingin. Basta mabigyan ako ng pagkakataon. Lahat gagawin ko, para maayos ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
714.8K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
953.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
343.6K
bc

Not just, the Beta

read
340.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook