Ep.2

502 Words
Masisilayan na din niya ang kanyang minamahal na si Andrus Liam ang binatang anak ng amo ng kanyang magulang. Kahit sa malayuan lamang niya ito nakikita ay okay na sa kanya. "Hay Liam!kelan mo kaya ako mapapansin at kakausapin?tanging naibulong niya sa sarili habang papalapit sa mansiyon. Ang kanyang Papa ay dumiretso na sa garage para maglinis at icheck ang kondisyon ng mga sasakyan. Sila naman ay tumungo sa kusina para maghanda sa paglalaba. Nagpalinga-linga pa siya nagbabakasakaling makita man lang ang binata pero kahit saan siya tumingin ni anino nito ay hindi niya nakita. "Sana nacheck ko muna ang sasakyan niya kung nandun sa garahe. Hay naku!baka lumabas na naman sila ng kanyang mga barkada at may mga babae naman na kasama,naisaloob niya. Dahil sa isiping iba na naman ang babae nito nalungkot siya dahil alam na niya ang ugali nito pagdating sa mga babae. Parang nagpapalit lang ito ng damit kung magpalit ng mga babae,yung iba nga nakikita pa niya mismo sa eskwelahan na umiiyak dahil nagsawa na yata ang binata. Minsan naaawa din siya sa mga babae pero minsan lihim siyang natutuwa kapag nakikipaghiwalay ang binata. Iisa lang kase ang university na pinapasukan nila ng binata pero ibang course nila. Siya ay isang Bsba ang binata naman ay architect ang kinuha kaya iba din ang oras nila. Nakaupo lamang siya sa gilid sa may kusina nang tawagin siya ng isa sa katulong na mas matanda lamang ito ng 5 taon sa kanya. "Nayah,naku nakalimutan ko pala na ipunin lahat ng labahin nyo. Hindi ko lang nakuha ang mga labahin ni Sir Liam."Pasensiya na hah pwede bang ikaw nalang ang kumuha sa kwarto niya?Alam mo naman yung kwarto niya diba sa 2nd floor sa pinakadulong bahagi,anito sa kanya. Bigla siyang nabuhayan ng loob na malamang siya ang kukuha ng mga labahin nito sa wakas kase masilayan na ulit niya ang kwarto nito at maamoy pa niya ang mga damit nito. Kahit naman kase labahin na ang mga ito hindi naman mabaho bagkus mabango pa ito para sa kanya kasi nanunuot ang pabango nito sa damit na alam niyang sa ibang bansa binibili ang pabango nito. "Naku Ate Mimi wala hong problema sakin yun.Tapusin niyo na po ang paggagayat ng mga gulay at kukunin ko na po ang mga damit ni Sir Liam." "Bilisan mo lang dun anak at magsisimula na tayong maglaba,sabat naman ng kanyang ina na naglilinis na ng washing machine. "Opo Ma." Dali-dali na siyang pumanhik sa second floor na lihim ang kanyang pagkatuwa dahil sa wakas sa pangalawang pagkakafaon makikita na rin ulit nia ang kwarto ni binata.Nung unang beses kase na nakapasok siya ay kasama si Aling Dolores ang mayordoma sa mansiyon at tinulungan niya itong maglinis ng kwarto ng binata,hindi na sana siya isasama nito pero nagpupumilit siya para lamang makita niya kung gaano kaganda at kalinis ito. Hindi nga siya nagkakamali dahil malinis ito sa lahat ng bagay kumbaga almost perfect ito. Sa katunayan,wala nga silang masyadong nakuhang dumi sa kwarto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD