Ep.1

521 Words
San Bartolome kung saan siya lumaki at nagka-isip. Dito din niya naramdaman ang kanyang unang pag-ibig na hanggang ngayon ito pa rin ang kanyang pinapangarap na makasama habang-buhay. Tulad ng kanyang magulang na sina Sonia at Idelfonzo Alvarez kahit simple lang ang buhay ay masaya naman ang pagsasama dahil nagdadamayan at nagkakaisa sa oras ng problema. Ang tanging ikinabubuhay ng kanilang pamilya ay ang pamamasukan sa mayamang angkan sa kanilang bayan. Ang kanyang ama ay 12 na taon nang personal driver ng mag-asawang De Madrid at ang ina naman niya ay labandera sa mansiyon. Bukod sa may malawak itong mga sakahan sa kanilang bayan may mga negosyo din ito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Tumutulong din siya sa paglalaba kapag wala siyang klase at kapag hindi siya busy sa eskwelahan dahil na din sa malaki ang utang na loob nila sa mag-asawang De Madrid dahil kung hindi sa kanila ay hindi siya scholar sa San Bartolome University na kapag wala ang scholarship niya ay hindi siya makakapasok sa sikat na university sa lugar nila. Ang pangarap niya ay makatapos ng pag-aaral at makapagpahinga na din sa trabaho ang kanyang magulang at para siya na din ang magpapaaral sa kanyang bunsong kapatid na si Nikko. "Nikko,bunso..dito ka muna sa bahay hah,maglalaba lang kami ni mama sa mansiyon alam mo naman araw ngayon ng Sabado,wika niya sa kapatid na nanunuod sa maliiy nilang tv. Nilingon lamang siya nito at tumango.Tutok na tutok ito sa pinapanuod na cartoons. Napailing na lamang siya. Kahit 10 years old na ito mahilig pa rin sa mga cartoons. "Nayah,wag ka nalang kaya sumama sakin. Tutal kaya ko naman yun may washing naman dun tsaka andun naman ang papa mo wika ng kanyang ina na nag-aayos na para sa pagpunta sa masiyon. Nilalakad lamang nila ang papuntang masiyon dahil binigyan din sila ng kaunting lupa para matirhan nila kasama ang iba pang mga nagtatrabaho dito. Isa pang dahilan kung bakit gusto niyang makatapos ng pag-aaral ay para mabilhan niya ng sariling lupa at bahay ang kanyang mga magulang. "Naku Ma,okay lang ho yun at para po mapabilis ang trabaho mo kapag may kasama ka. Wala na din ho akong mga gagawin sa school dahil kagabi ko pa natapos. Lumapit naman sa kanila ang kanyang ama na nakangiti. "Yan ang gusto ko sa'yo anak,masigasig ka sa pag-aaral mo",nakangiting wika nito. "Para po sa inyo Ma,Pa gagawin ko po lahat makapagtapos lang at ako na po ang bahala kay Nikko",sagot niya. Niyakap siya nang kanyang ina. "Maraming salamat sa'yo Nayah napakabata mo pa pero ang matured mo na mag-isip. Yaan mo sa debut mo kahit konti maghahanda tayo,masayang balita nito. Masaya niyang niyakap ang kanyang magulang. Naiinggit din yata sa kanila ang bunsong kapatid kaya nakisali na din. "Pasali naman ako!kayo-kayo lang naggroup hug ah!anito. Ginulo naman ng kanyang ama ang buhok nito. "Inggit kalang!wika niya at binilatan niya ito na ikinatawa ng kanilang magulang. Maya-maya ay nag-ayos na din siya para sabay-sabay na silang makaalis ng bahay. Panigurado siyang papupuntahin Ilang minuto lamang ang kanilang nilakad at narating na nila ang maganda at magarang mansiyon ng mga De Madrid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD