"Mamayang gabi aabangan ko si Thyron. Ako mismo ang kukuha ng gamit niya." "Carmina, ingatan mo ang puso mo at baka mahulog ka kay Thyron," paalala ni Sherryl kay Mina. "I know, Ate She. Trabaho lang ito walang halong landi." Malapad na ngumiti sa amin si Carmina habang nginunguso ako. "Mabuti kung ganon. Hindi tulad sa iba diyan nakakatakot." "Kayong dalawa, tigilan niyo ako dahil hindi ako ma-iinlove sa kanya ulit," saad ko sa kanilang dalawa. Kahit ako minsan ko na rin naitanong sa sarili ko. What if bumalik ang pagmamahal ko sa kanya. Pero malabo iyon dahil hindi ko hahayaan ang sarili ko. "Naniniwala ka, Mimi?" Nakangising tanong ni Sherryl. "Sabi niya daw, pero parang hindi e." "M-Mommy!" Tawag sa akin ni Theo habang nakayakap sa aking hita. Nakaupo lang kaming tatlo sa Carpe

