bc

Marrying the Arrogant CEO

book_age18+
2.7K
FOLLOW
22.7K
READ
drama
comedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

‼️ Mature Content‼️SPG ‼️

‼️This story is not suitable for young readers‼️

Her mother raised her alone. Even though she lived a luxurious life, she still chose the old style of life. No boyfriend since birth.

Isa rin siyang kilalang abogada sa kanilang buong lugar dahil sa tuso siya pagdating sa mga kasong hinahawakan niya. Kaya niya ipanalo ang kaso kahit sa anong paraan.

Paano kung isang araw, makilala niya ang aroganteng bilyonaryo na kayang gawin ang lahat para maangkin lang siya kahit sa marahas na paraan.

Kaya niya kaya ipagtanggol ang sarili o hahayaan niyang tangayin siya ng kanyang marupok na damdamin?

Theros Almeda and Atty. Jera Batoy story.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Anak ako ng single Mom. Pinalaki ako ng nanay ko sa yaman ng tatay ko. Hindi alam ni mama kung buhay pa ang tatay ko, basta para siyang bolang nawala. Tiniis niya ang lahat ng pangungutya sa kanya. Lahat ng akusasyon ng pamilya ni Daddy hanggang sa nalugi ang kumpanya namin." Umiiyak ako habang sunod-sunod na umiinom ng alak. "Besty, tama na 'yan. Masyado ka nang lasing." Saway naman ng aking matalik na kaibigan na si Cel. "Hindi pa ako lasing Besty. Nilalabas ko lang ang sama ng loob ko. Ang unfair nila di ba?" Hilaw akong natawa sa sarili kung tanong. Minsan ayaw ko ng umuwi sa bahay. Lagi naman ako mag-isa." "Intindihin mo nalang ang Mommy mo." Napasinghap ako dahil ang bigat ng dibdib ko. "Hindi ko alam na lugi na pala ang business ni Mommy.Tapos ngayon pinangbayad na pala ako sa utang niya." "Bakit hindi mo kausapin ang Mommy mo?" Kunot-noo na saad sa aking ng kaibigan ko. "She won't listen to me. Waiter, isang bote ng alak pa nga!" Itinaas ko ang aking kamay at ikinaway-kaway habang tinatawag ko ang waiter. "Ma'am 'to na po!" Dahan-dahan inilapag ng waiter ang dagdag ko na order. "Ang guwapo mo naman. Sigurado ako na manloloko ka din? Tama ako no?" Nakangising tanong ko naman sa waiter. Biglang namula ang pisngi nito. "Ma'am, hindi po ako manloloko dahil loyal ako sa asawa ko." Agarang sagot niya sa akin. "Sige nga, tingnan natin kung loyal ka." Tumayo ako at in-angkla ko sa waiter ang aking kamay. Mabilis naman niyang inilagay ang kanyang kamay sa bewang ko kaya napangisi ako. "Akala ko ba loyal ka? Bakit ngayon para kang tuko kung makakapit ka sa akin." Sarkatiskong kong saad sa kanya. "Ikaw naman ang nagbigay ng motibo." Pilosopong sagot nito sa akin. Sa sobrang inis ko sa kanya, sinipa ko ang bayag niya dahil sa sobrang na yabang. Tumalon-talon ito habang hawak ang bayag niya. "Tarando ka. Sinubukan lang kita at kumagat ka naman agad. Pareho-pareho talaga kayong mga lalaki. Umalis ka na dito at baka kasohan kita ng harassment." Agad ko dinukot ang aking Id sa bag at sinampal sa mukha niya. Nang makita n'ya ang Id ko agad naman 'to tumakbo habang hawak-hawak ang bayag niya. Mukhang napuruhan ko yata. Natawa ng husto si Doc. Cel dahil sa sa ginawa ko sa waiter.Teenager palang kami noon, talagang nabansagan akong matapang .Kaya nga kami nagkakilala ng pinagtanggol ko si Cel sa mga kaklase namin noon dahil hindi ko na kaya ang pangbubully nila sa kanya. "I told you, besty. Lahat ng lalaki ay manloloko kaya mag-ingat ka talaga lagi. " Paalala ko sa kay Cel. "Oo na, pero paano iyan? Ikakasal kana pala." "Naku besty, hindi mangyayari iyan dahil ako mismo gagawa ng paraan para takasan ang kasal ko.Tutulungan mo ako, besty?" "Ikaw pa ba. Of course tutulungan kita!" "Besty, sa bahay kana maghaponan dahil may dinner ngayon sa bahay at ipapakilala ni Mommy ang mga anak daw ng kasosyo niya. Pero hindi nila sinasabi kung nasaan doon ang papakasalan ko." "Talagang hindi kita hahayaan na umuwi. Sigurado hospital ang landing mo. Sa lagay mo na 'yan na halos hindi kana nga makalakad ng maayos." Nakaismid na saad ng magandang kong bestfriend. Binuksan ko ulit ang bagong bote ng alak na in-order ko at naglagay ulit sa baso ko. "Besty tama na 'yan. Lasing na lasing ka na talaga. Baka mapahiya mamaya ang Mommy mo." Kunot-noo na saway ng matalik ko na kaibigan. "Besty, alam mo, unfair ka! Ako ang kaibigan mo at hindi si Mommy!" Nakangusong saad ko naman sa kanya. . "Halikana, tama na iyan!" Inagaw ni Cel ang baso sa kamay ko at tinawag ang waiter para bayaran ang bill na ininum namin. "Ma'am, kailangan niyo ba ng tulong?" Boluntaryong tanong ng waiter sa amin. Nakita niya kasi nahihirapan na si besty sa pag-akay sa akin. "Hindi na po.Thank you." Agad akong isinakay ni besty sa sasakyan kahit hirap na hirap siya maipasok ako sa loob. Pagdating sa bahay namin parang nag-aalangan na tumuloy ni Cel dahil lasing na lasing ako at alam niya magagalit ang Mommy ko.. "Besty, umayos ka dahil nandito na pala lahat ng mga bisita niyo," saway sa akin ng kaibigan ko. "T-Talaga? Bahala sila sa buhay nila, basta ako gusto ko uminom, tapos." Agad naman lumingon ang Mommy ko ng marinig ang boses ko. "Hija, nandito kana pala." Masayang saad ng Mommy ko sa amin. "M-mom, may party pala tayo dito.m?" Pagiwang-giwang na sagot ko sa kan'ya. "Diyos ko, Jera. Umayos ka at bakit ka pa ngayon naglasing." Inis na saad ni Mommy sa akin. "Tita, I'm sorry po, pero ako na ang bahala kay besty. Sige po i-akyat ko na siya para makapag-ayos." Sabat naman ni Cel sa aking Mommy. "Besty, ang daming tao dito ngayon sa bahay niyo. Halos lahat ng bigating tao ay nandito." Mahinang bulong niya sa akin. "Wala akong pakialam. Alam mo ba besty masama talaga ang loob ko kay Mommy. Anak niya ako pero nagawa niyang akong pambayad sa utang ng kompanya." Kahit labag sa loob ko ang party na 'to. Umakyat parin ako para magbihis upang harapin ang mga bisita ng aking Ina. Walang akong kaalam-alam na ang lalaking halos bumangga sa akin noon sa kasal nina Marites at Nathan ay iyon din ang isa sa mga anak ng mga kasosyo ng Mommy ko. "Mga ka-partner nandito na pala ang anak ko. Siya si Jera Batoy ang nag-iisang anak ko at kaibigan niya pala si Doc. Cel Jugno." Pakilala ni Mommy sa akin sa kanyang mga kaibigan at kasosyo. Hilaw akong ngumiti sa mga kaibigan ng aking Ina. Inilibot ko ang aking mga mata hanggang nagdako ang tingin ko sa lalaking busy sa pakikipag-usap sa mga kalalakihan. "Ang ganda pala ng anak mo Mrs. Batoy. By the way, 'to naman ang anak ko sina William at Woody." Pakilala ng isang ka-partner ni Mommy. Nakipagkamay naman ako sa mga anak nito.Tumayo na din ang isang Matandang lalaki at ipinakilala ang dalawang anak na lalaki at isang babae nito sa akin.. "Ito naman ang mga anak ko sina Theros, Thiara at Thyro." Nakangiting saad ng Gino-o. "Ikaw? Kung mamalasin naman talaga. Sira na nga ang buong araw ko mas lalong nasira ng makita kita." Umismid ako ng makita ang lalaking ubod ng kayabangan. Nagtaka naman sila dahil tanging kay Theros lang ako hindi nakipagkamay. "Ang ganda mo pero ang ubod naman ng suplada. Una sa lahat hindi ko tipo ang mga tulad mo na masyadong Manang." Nakangising saad nito sa akin. Mas lalo akong nagngit-ngit dahil abot hanggang tenga ang ngisi nito. "You heard Mommy? Tinawag ako ng mayabang na iyan na Manang." Inis na saad ko sa aking Ina . "Hija, pasensiya kana sa anak ko. Mabait naman 'to eh." Humingi ng pasensiya ang Gino-o sa inasal ni Theros. "Mabait naman talaga ako, Dad. Lalo na kung sexy at hot ang kaharap ko.Pero kung tulad niya na manang, nawawalan ako ng ganang gumising kung iyan ang magiging kasama ko sa loob ng kuwarto." Hirit pa ulit ni Theros kay Jera. "Aba'y tarando pala 'to." Aakmang lalapitan ko ang mayabang na ai Theros ng pinigilan ako ni Cel. "Besty, ang image mo. Huwag mong sirain dahil marami tayong kasama dito. Huminga ka ng malalim at ignore mo lang siya. Maya mo na iyan gantihan." Hagikhik na bulong naman ni Cel sa akin. "Besty, how? Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang impakto na iyan." Mahinang sagot ko naman kay Cel. "Isipin mo nalang na ang mga BTS ang mga kaharap natin." Bumuntonghininga mo na ako bago humarap sa lahat. "By the way, Hija, kamusta naman ngayon ang work mo?"tl Tanong ng ama ni Theros sa akin. "Okay naman Tito. Marami naman akong client ngayon. Marami-rami narin ang kaso na ipanalo ko. Ang last na kaso ang tungkol sa mga lalaking babaero. Ginawa ko talaga ang lahat para makulong 'to." Mariin at malakas kong sabi. Sinadya kong marinig ni Theros ang sinabi ko at baka sakaling talaban ng hiya. "Wow! So, paano pala iyan kung sakali naman kami ang lokohin ng mga babae?Puwede rin kami magdemanda?" Nakangising tanong ni William sa akin. "Sure! Puwedeng-puwede as long as solid ang proof mo para ipakulong siya." Taas kilay na sagot ko naman sa kanya. Ngunit ang mayabang na lalaki ay tahimik lang at panay panakaw lang ang titig nito sa akin. Naghihintay ako na sabihin o i-announce ang tungkol sa mapapangasawa ko pero wala parin. Nainip ako sa kakahintay kaya nagpaalam mona ako na papasok sa loob ng bahay. "f**k that boy. Boysit siya sarap ipakain sa buwaya. Ang yabang ng gago.I hate him.... I hate him." Kausap ko sa aking sarili at isa-isa kong sinipa ang mga paso sa bawat madaanan ko. "Opps. Huwag mo pagdiskitahan ang mga paso, sayang mukhang mahal panaman iyan." Parang gusto ko magwala at sipain siya. "Walang hiya ka. Huwag ka nga susulpot bigla. At saka bakit nandito ka?" Malditang tanong ko sa kanya. "Ganyan ka ba tumanggap ng bisita? Siguro iniwan ka ng boyfriend mo kaya galit ka sa mga lalaki." Pang-uuyam nito sa akin habang nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa niya. "Tarantado ka talaga no? Pero mali ang hula mo dahil kahit kailan hindi pa ako nagka-boyfriend." Bulyaw ko sa kanya. "So, ayon pala ang totoo. It means hindi pa tumirik ang mata mo?" Pumalakpak ang mayabang na lalaki sabay hawak sa tiyan nito. Ako naman sobrang asar sa ginagawa niya. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Namumulang tanong ko sa kanya. Feeling ko sampong sili ang kinain ko dahil biglang nang-init ang tainga ko. Lumapit si Theros sa kin at bumulong 'to. Napapikit naman ako dahil sa mainit na hininga niya. "Kulang ka lang sa dilig kaya ka ganyan. I'm sorry dahil hindi kita type para halikan. Manang!" Humagalpak 'to ng tawa dahil enjoy na enjoy siyang nakikitang nagagalit ako. Napamulat ako at pulang-pula ang mukha ko dahil sa hiya."Hayop ka hindi rin kita type dahil ang baho mo." Padabog akong pumasok sa loob ng bahay. Samantala si Theros inamoy naman ang hininga niya dahil sa sinabi ko. Napangiti ako sa isip ko dahil nauto ko rin ang gong-gong. "Hindi naman mabaho ahh.. Ikaw talaga Manang gusto mo lang halikan ka." Pang-aasar niya pa sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook