Kinabukasan maagang akong pumasok sa opisina at umuwi naman si Cel dahil may importanteng pupuntahan 'to.
Pagdating ko sa opisina agad ako humingi ng kape sa aking sekretarya. Habang nagbabasa ako ng mga bagong kasong hawak ko, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Theros na isa akong manang. Take note, tinawag niya akong manang, sa ganda at sexy kong 'to. Hindi ko talaga matanggap dahil halos lahat ng lalaki ay nababaliw sa maalindog kong katawan.
Ilang beses ako nagpaikot-ikot sa aking swivel chair. Hindi pa ako nakuntinto at tumayo ako at nagsisigaw. "Hindi ko deserves ang sinabi niya. Malilintikan talaga ang gagong iyon oras na makita ko siya ulit." Galit na galit na sigaw ko sa loob ng opisina.
"Anong gagawin mo sa akin?" nakangising saad ni Mr. Mayabang habang nakasandal sa pinto. Bigla naman ako napahinto.
"K-Kanina ka pa diyan?" Namumulang tanong ko sa kanya.
"What do you think? Hindi ko deserves ang sinabi niya?" Pag-uulit na saad ng mayabang. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya.
"Who are you to open my door without my permission?" Mataray kung tanong dito at bumalik sa upuan ko.
"Attorney, I'm sorry. Pero ako ang nagsabi na puwede na siya pumasok. Dati naman ma'am pag may client tayo, agad ko naman 'to pinapapasok at wala naman kayong reklamo," saad ng sekretarya at kinikilig habang nakatitig sa maybang.
"See? Narinig mo naman siguro ang sinabi ng sekretarya mo?" Ang yabang talaga niya. Hindi pa 'to nakuntinto tumakbo pa ito sa sofa ko at humiga.
"Hoy, Mr. Mayabang! Tumayo ka d'yan at baka madumihan ang sofa ko," inis na bulyaw ko sa kanya.
"LQ? kinikilig naman," mahinang saad ng sekretarya ko sabay sarado ng pinto.
"Athena, may sinasabi ka ba?" Pahabol na tanong ko sa sekretarya ko.
"W-wala po, attorney. " Nakangising saad ng sekretarya ko.
Pagkalabas ng sekretarya ko agad tumayo si Theros at pumunta sa mini kitchen ko at nagkalkal ng kung ano-ano.
"H-hoy, ano ang gagawin mo? Puwede ba umuwi kana. Marami akong gagawin ngayon."
"Nagugutom ako, baka ay pagkain ka dito?"
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Pumunta ka lang dito para makikain. Ano ba talaga ang pakay mo dito, Me. Almeda?"
Bigla nalang lumapit si Theros at mahinang bumulong sa akin. Kaya medyo napaatras ako. "Gusto kita makita, may masama ba? Free ako ngayon baka gusto mong ituloy natin?" Mapang-akit na saad niya sa akin habang nakasandal sa refrigerator ko.
"Alam mo hindi kalang mayabang, manyak ka pa. Huwag mo ako igaya sa mga babae mo." Sigurado nangangamatis na ang mukha ko. Iba kasi ang iniisip ko sa sinabi niya.
Nang marinig niya ang sinabi ko tumawa ito nang nakakaloko. "Hindi naman kita inaano pero puwede ako ngayon. Sigurado naman ako sa edad mo na iyan, nakaranas kana makipag- one night stand kana at minsan narin tumirik ang mga mata," ngiting aso na saad niya sa akin.
"How dare you to say that?" Galit na tanong ko sa kanya sabay sampal ng malakas. Sasampalin ko pa sana ulit ngunit nasalag niya ang kamay ko sa pangawalang beses.
"Oops, pag-inulit mo pa ulit iyan, sisiguradohin ko na titihaya ka sa akin. Pero madali naman akong kausap baka magbago ang isip mo, puwede mo ako puntahan sa lugar na 'to. "Pagkatapos inaabot niya ang card sa akin. Lumapit pa 'to sa tenga ko at bumulong ulit.
"Hindi pa kita hinahawakan pero handa kana." Natatawang saad nito sa akin habang nginungso ang botones ng damit ko na nakabukas.
"Manyak! Ang bastos mo talaga!" Sigaw ko sa kanya.
"Manang, hindi ako ang bastos sa atin ahh. Muuahh." Saad nito na lalo kung kina-inis.
"Ano ang gusto mo itawag ko sa'yo, Mr. manyak? Alam mo puwede kita kasohan sa ginagawa mo."
Nagtaas 'to ng dalawang kamay. "Okay fine. Ang hirap mo pangitiin, siguro niloko ka na no?" Dagdag niya pa.
"Hai, naku! Ano ba ang dahilan bakit ka napunta dito?"
"Actually, malapit lang ang bagong building na pinapagawa ko dito. Nakita kasi kita kanina nang bumababa ka sa sasakyan mo. Naisip ko baka gusto magpainit." Nakangising saad niya.
"Shut-up.... Lumabas kana or else tatawag ako ng guard at ipakaladkad kita palabas."
"Chill, baby! Mag-warm up lang tayo, like coffee o humigop ng sabaw. Ikaw lang 'tong madumi ang iniisip."
"I'm sorry, pero marunong akong mag-almusal ng mag-isa. Diyan ka na nga at masisira lang ang araw ko." Mataray kong saad sa kanya.
Mabilis akong lumabas dahil naiinis ako sa mukha ng lalaking 'to, samantala siya naman ay natiling nakasunod at pasipol-sipol lang ang manyakis habang ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa ng pantalon.
"Siya ba bro, si Atty. Jera?"
Tumaas ang isang kilay ko dahil kilala ako ng mga kasamahan niya. Ang kilala ko lang ay sina Woody at Theros.
"Well! Yes, siya nga!" Mayabang na saad niya sa mga kaibigan.
Napalingon kaming lahat ng biglang huminto ang isang blue bugatti car sa harapan namin. Lumabas ang isang matipuno, matangkad na lalaki at naka sunglass 'to ng itim. "Sobrang guwapo ng savior ko." Mahinang saad ko.
Umiikot 'to sa kinaroroonan namin ni Theros at kinuha ang bag ko. "Let's go." Nakangiting saad ni Condrad sa akin. Nilingon ko si Theros na nakakunot ang noo.
"You heard? Bye-bye na," maarteng saad ko naman sa kanya. Nang makita kung naiinis 'to, nag-flying kiss pa ako sa kanila.
Dinala ako ni Condrad sa isang restaurant. Nagkuwentohan lang kami at hindi ako nakaiwas sa mga tanong niya tungkol kay Theros.
"Ikaw lang Jera ang tanging bumihag sa puso niya."
" Oo nga pala, how did you know na nasa opisina na ako?" Pag-iiba ko ng usapan namin. Ayaw ko pag-usapan ang lalaking iyon.
"Sagutin mo na ang tanong ko!"
"Ayaw ko siya pag-usapan. I know him as f**k boy, kaya turn off ako sa mga lalaking tulad niya."
"Sige na okay na ako sa sagot mo. "
"Ngayon, paano mo nalaman na nasa opisina ako?"
"Nakausap ko si Oscar at nabalitaan ko maaga ka daw pumasok. Since daanan ko lang naman ang opisina mo, kaya naisipan ko na daanan ka. And I think tama ang desisyon ko."
"Thank you, Condrad. Stress ako simula kanina. Mabuti talaga at dumaan ka."
"May pag-asa ba?" Seryosong tanong ni Condrad sa akin.
"Of course, wala no! Hindi ko tipo ang mayabang at manyak na 'yon."
"Pero attractive siya. Bagay kayo." Hirit pa ni Condrad sa akin.
"Naku, Condrad tigilan mo ang pagiging nega mo."
"Ito naman hindi mabiro." Agad naman binawi ni Condrad ang sinabi niya sa akin at ginulo ang buhok ko.
Masayang kaming nag-aalmusal ni Condrad, ngunit lingid sa mga kaalaman namin may mga matang nakamasid sa amin.
Theros POV
"Bro paano iyan mukhang matigas ang dibdib ng karibal mo. s**t, ang gwapo bro mukhang lugi ka doon," saad ng mga kaibigan ni Theros.
"f**k you bro. I like her at alam mo hindi ako basta sumusuko ng basta-basta."
"So, what's your plan?"
"Kukulitin ko siya hanggang sa mahulog ang loob niya sa akin."
"Paano ang nobya mo? Paano kung malaman niya na ikakasal ka na at bumalik siya?"
"Actually, both wala akong pipiliin. I like Jera kaya wala akong pakialam sa iba."
"I thought si Jera talaga ang babaing ipapakasal sa'yo ni Tito, pero wala naman silang sinabi."
"Akala ko din pero ayaw sabihin ni Daddy. Gusto niya sa araw ng kasal namin kami magkikita."
"So, wala din palang kuwenta kung magustuhan ka ni Jera dahil ikakasal kana."
"Don't worry dahil alam ko na ang gagawin ko. This time hindi ako papayag na sila ang masusunod. Matanda na ako para diktahan nila ang buhay ko."
"Halina kayo, basta ako masaya ngayon dahil nakita ko siya. Levi, puwede ba ako humingi ng tulong sa'yo?"
"Sure, ano naman 'yon?"
"Gusto ko alamin mo kung sino ang lalaking 'yon?."
"Seriously, bro?"
"What do you think, I'm joking? Samahan mo ako at magpapagupit ako."
"Bro, almost 4 days palang na nagupitan ka, ngayon magpapagupit ka ulit?"
"Yes, I know. Gusto ko kasi magpagupit tulad sa lalaking 'yon."
"I can't imagine na ang isang Theros Almeda ay makikipagkompetensya nang dahil lang sa babae. Mukhang tinamaan si Mr. manyak bro." Kantyawan ng mga gong-gong ko na kaibigan.
"Alam niyo hindi kayo nakakatuwa. Let's go," yaya ko sa kanila.
Pagkatapos namin magpagupit agad ako umuwi sa condo ko. Masakit ang ulo ko sa kakaisip ko kung paano makuha ang loob ni Jera. I like her so much. Alam ko inlove na ako sa kanya, since the day I met her.
Bigla akong napatingin ng umilaw ang cellphone ko. Halos itapon ko ito ng makita ang mga larawan nina Condrad at Jera habang sweet sa isa't isa. Agad ko tinawagan ang tauhan ko na inutusan ko magbantay kay Jera.
"Sundan mo sila kahit saan magpunta. Huwag kang umuwi ng bahay mo hanggat hindi sila naghihiwalay." Mariin na utos ko sa tauhan ko mula sa kabilang linya.
"Promise makukuha kita Jera. Ako si Theros at wala pang babae nakakaligtas sa akin," inis na bulong niya sa sarili. Sunod-sunod ang paglagok ko ng wine hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Kinabukasan kahit masakit ang ulo ko, pinilit ko parin pumasok sa opisina
"Good morning Sir Thyrix," bati ng sekretarya ko.
"Good morning too. Nandiyan ba ang Sir Theros niyo?" Tanong ni Daddy. Rinig na rinig ko ang boses ni Daddy dahil medyo nakabukas ang pinto ng opisina ko.
"Yes po Sir Thyrix. Kakarating niya lang po."
Nagulat ako nang biglang pumasok si Daddy. Ang akala ko kakatok la ito.
"D-dad!"
"Theros kakabalik mo lang at ngayon umiinom ka na naman?" Bulyaw ni Daddy sa akin.
"Dad, wala 'to. Bakit pala kayo nandito?"
"Dumaan lang ako dito para ipaalam sa'yo, that you're already engaged. Kaya please lang tumino kana. Ayaw ko mabalitaan na kung sino-sinong babae ang inu-uwi mo sa bahay mo."
"Dad, how come na engaged na ako? Hindi ko man lang alam at nakita ang magiging asawa ko? Buhay ko 'to at ako ang masusunod." Mariin na sagot ko sa aking ama.
"Sa ayaw at gusto mo, ako ang masusunod. This is for your own good, kaya sumunod ka nalang," saad ni Daddy sa akin bago lumabas ng opisina ko.
Na-blanko ang utak ko dahil sa sobrang stress. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal ko.