Chapter 7

1220 Words
Maaga akung nagising dahil makikipagkita ako ngayon sa matagal na namin investor. Masaya ako habang nagluluto ng almusal ko. Sa umaga, isang can ng pork and beans lang tapos dalawang toasted bread at isang tasang kape ang madalas na niluluto ko, bukod sa madaling lutuin 'to masarap siya at maganda sa katawan. Pinili ko ang ternong blue suit ko. Ginamit ko rin ang shade ko na kulay black. "Hindi talaga nagsisinungaling ang salamin dahil gwapo talaga ako." kausap ko sa salamin habang nag-aayos ng itsura ko. Bago lumabas ng pinto inayos ko muna ang CCTV ng bahay. Nakakonekta 'to sa mobile phone ko. Nag- iwan lang ako ng sticky note sa pinto niya at umalis na. I know busy siya kaya hindi ko muna siya distorbohin. Pagdating ko sa opisina agad ako sinalubong ni Belyn. " S-sir, nasa Long lusting hotel na sila. Doon nalang daw kayo magkita." "Thank you. Nakaayos na ba lahat ng kailangan ko?" "Y-yes. Nasa ibabaw ng table mo. Everything is there, already." "Thanks a lot, Belyn! The best ka talaga." Pagkapos ko magpasalamat kay Belyn agad ako dumiretso sa opisina ko. Tiningnan ko muna kung ano oras umalis siya. Laking gulat ko nang makita ko si Condrad ang unang lalaki pinagselosan ko. "f**k! Ano ang ginagawa niya sa unit ni Jera sa ganitong oras?" Hindi ako mapakali nang makita ko si Condrad sa labas ng pinto niya. Ang pinakainisan ko nang kunin niya ang sticky note na nilagay ko sa pinto at pagkatapos pinunit niya ito at itinapon. "s**t! Kainis talaga ang Condrad na iyan. " Nawalan ako ng gana. Gusto ko na umuwi at suntukin ang gagong iyon. Tumayo na ako para umuwi mo na saglit ngunit nasalubong ko si Belyn at pinagalitan ako. Minsan hindi ko rin maintindihan daig pa nito ang mommy ko." "S-sir hindi po kayo basta-basta mag-cancel ng appointment. Let me remind you, na busy din sila pero nagbigay sila ng oras para sa company's mo. Don't waste thier time." Napaawang ang labi ko. Sino ba ang boss, siya o ako? "W-wait, Belyn! Ako ang boss 'diba? So, gagawin ko ang gusto ko." "Sorry sir! Alam ko na ikaw ang boss pero ginagawa ko lang din ang binilin ng ama mo. Kaya kung ako sa'yo sir dalhin mo na 'to sa hotel dahil kanina pa sila naghihintay sa'yo." Para akong nabingi sa inutos nang sekretarya ko. Biruin mo inutusan ako. Ngunit, ako ang boss kaya ang gusto ko parin ang masusunod. Nagmamadali ako papunta ng sasakyan ko nang biglang humarang sa akin ang itim na kotse. Halos murahin ko na 'to dahil nakakaabala 'to sa daanan ko ngunit nang nilapitan ko 'to, laking gulat ko na si Daddy ang sakay nito. "Get inside. Late na tayo!" Mariin na utos niya sa akin. Hindi mo na ako kumilos dahil gusto ko muna umuwi. "Siguro naman narinig mo ako!" Wala na akong nagawa kundi ang sumabay kay Daddy. Hindi ako umimik sa loob ng sasakyan dahil ang atensiyon ko ay nasa cellphone ko. "Hijo, next week na pala ang kasal mo. Be ready. Sinabihan ko na si Belyn, s'ya na muna ang mamahala sa kompanya while ikaw ay busy sa kasal mo !" Napamura ako nang malutong dahil hindi ko nga kilala ang papakasalan ko. Paano na kami ni Jera. Naka-first move palang ako, tapos may problema agad. "Theros, nakikinig ka ba? Don't worry matutunan mo rin siyang mahalin. Kami ng mommy mo dati ay both stranger din sa isa't isa pero ngayon tingnan mo kami, daig panamin ang love birds." "Iba tayo dad. May mahal na akong ibang babae dad at siya ang gusto kung ihatid sa altar." "You need to do it, Son. We need their company para huwag tayo bumagsak." "Daddy, marami namang paraan. Kaya natin bumangon kahit wala ang ibang komapanya. " "Huwag ka nang umangal dahil nakahanda na ang lahat." Napabuntonghininga ako habang pinagmamadan ang larawan ni Atty. Gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang kasal ko. Pagdating sa hotel agad kami nilapitan ng mga reporter. Kaliwa't kanan na mga tanong ang ibinato nila sa akin ngunit ni isa wala akong sinagot. Sobrang badtrip ako ngayong araw. "Mr. Almeda mabuti naman at nandito na kayo." Agad nakipagkamay si Daddy sa mga kaibigan at investor namin. Lumapit na din ako sa kanila ngunit hindi ko makuhang makinig sa pinag-uusapan nila dahil lumilipad ang aking utak. "Damn! Relax Almeda. Wala silang ibang gagawin." bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan ko ang cellphone ko. "Hijo, okay kalang? Parang kanina kapa hindi mapakali?" "Daddy, I'm fine! Medyo hindi maganda ang gising ko!" Tinapik lang ako ni Daddy sa balikat at nakipakuwentohan na sa mga kasosyo niya. Habang nag-uusap kami nang biglang nahagip ng aking mata si Mrs. Batoy, ang ina ni Jera. Inayos ko ang aking sarili upang maging presentable naman ako sa magiging Future mother inlaw ko, yes! I claimed it. Magiging mother inlaw ko siya soon, by hook or by crook. "Mrs. Batoy andito kana pala. Salamat at pinagbigyan mo ang aming imbitasyon." aniya ni Daddy. "Kayo ba naman aayawan ko." Malapad ang mga ngiti nitong tumingin sa akin. Binati ko din siya at nakipagbiso pa ako. Ilang saglit lang ang lumipas dumating ang hindi ko inaasahan na panauhin. Si Jera kasama si Condrad. Sobrang sweet nila na parang mag-boyfriend. Sa sobrang aligaga ko na sundan sila ng paningin ko, hindi ko namalayan na sagi ko na pala ang wine ni Mr. Go. "I'm sorry, hindi ko sinasadya!" "It's okay. Hindi naman nadumihan ang damit ko. May hinahanap ka ba, hijo?" "A-akala ko kasi kaibigan ko pero hindi pala." Maya-maya pa lumapit sa kinaroonan namin si Jera kasama ang asungot. Talagang hinahamon ako nito dahil umupo pa talaga ito sa harapan ko. "Wow, nice meeting you again Mr. Almeda. Congratulations dahil sabi ni Tita ikaw na ang nagpapalakad ng kompanya na 'to." Sa sobrang inis ko pinagmukhang tanga ko siya. Nagkunwari akong walang narinig hanggang sa nagulat nalang ako dahil sinipa ako ni Jera at tiningnan ng masama. Inaayos ko ang aking sarili at kinausap si Condrad kahit labag sa kalooban ko. "Daddy, I'm sorry kung late ako." saad ng kapatid ko. Humalik ito sa pisngi ni Jera. Nagtaka ako bakit sila puwede bakit ako hindi puwede. Nang nagpaalam ito na pupunta ng restroom agad ako gumawa ng paraan para sundan 'to. "Can we talk?" "Ohh ikaw pala. Mag babanyo ka din?" "Puwede ba huwag kang umakto na parang walang nangyari sa atin?" "T-teka lang. Una sa lahat wala naman nangyari sa atin. Pangalawa, single ako kaya puwede ako sumama kahit kanino. Pangatlo, s-sino ka sa buhay ko para kontrolin mo?" Biglang sumiklab ang inis ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Ni-lock ko ang pinto ng banyo at dahan-dahan ko siyang nilapitan hanggang sa ma-corner ito sa dulo. "You're mine. Akin ka lang. Walang puwede gumalaw sa'yo kundi ako lang." Kitang-kita ko ang pagkagulat nito. "You are a demon. I thought you were a nice man but arrogant and rude." Hindi na ako nakapagpigil pa hinalikan ko siya sa labi. Nagpupumiglas 'to pero hinigpitan ko ang pagkapit sa batok niya. Isinandal ko siya pader at siniil ng halik. "Remember that kiss. I own you, already." Iniwan ko siyang nakatulala sa loob ng banyo. Nasa Private placed kami ng hotel kaya nakakasiguro akong walang nakakita sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD