"S-Saan ka pupunta?" Salubong ni Maureen sa akin habang nakapamewang. "Maureen nagsasama lang tayo dahil sa bata kaya huwag ka mag-feeling asawa ko," saad ko sabay talikod. Napansin ko ring nginisihan 'to ni Thiara. Kung pikon ka talagang maasar ka sa bunso kung kapatid. Sa likod umupo ang dalawa kong kapatid. Ibinigay ko si Theo kay Ate Belyn at natawa ako sa itsura nito dahil hindi maipinta. "Ate, bagay naman sa'yo may baby kaya ngumiti kana!" Pampalubag ko ng loob para hindi na ito sumimangot. Idinaan mo na namin sa opisina niya si Thiara at dumiretso na kami ni Ate sa opisina namin. Pagdating sa opisina lahat sila ay nakatingin sa amin. Kunot-noo na sumunod naman sa amin si Kuya Thyron habang nagdadaldal. "Anong kabaliwan 'to bro? Nagdala ka ng bata? Saan mo naman iyan nakuha?" S

