Rylee MY eyes squinted when I saw Cayson comfortably leaning on the wall beside the door of my bedroom. Sa mismong silid-tulugan ko. “What are you doing here?” I asked, irritated. Okay na mood ko kaso nagpakita ang kontrabida sa buhay ko. Binabawi ko na ang wish ko na sana may big brother ako. “Kanina pa nga ako rito kaso hindi mo ako pansin dahil busy ka makipagharutan diyan sa gurang mong boyfriend,” pang-aasar niya na ikinabangon ko sa aking kama. “And who gives you permission to enter my room?” nakapamaywang kong tanong. Umalis siya sa pagkakasandal saka humakbang palapit sa akin habang nakapamulsa. “You. Sinundan kita dahil sa iyo ako inihabilin ni Daddy. Nagpunta ka rito kaya ibig sabihin… dito rin ako pupunta,” nakangisi niyang sagot. “Ewan ko sa ‘yo!” inis kong wika saka

