bc

Heiress Obsession

book_age18+
740
FOLLOW
7.3K
READ
HE
age gap
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

Warning! MATURED CONTENT!!!

"Ang mahumaling ba sa taong halos kaedaran ng ama mo ay maituturing bang bawal?" —Rylee

Masarap daw ang bawal.

Rylee always heard it from her classmates since she was in high school. She doesn't know why they always talk about it. For her who always gets what she wants; hindi nga siguro mararanasan ang 'paniniwalang 'yon'.

Until one night, Rylee accidentally met a father figure who became her 'one call away, buddy'. Ready and willing to fix all her scuffles. Hindi niya namalayan na minahal na niya ito.

However, loving him is forbidden because he is too old for her. Still, her heart can't stop falling for the old but sultry man. She was deliciously obsessed to him.

That's why Rylee is willing to take all the risks for him. Not until she found out more reasons why she shouldn't fall for him from the beginning.

Author's Note: Names, places, characters, and incidents are just products of my imagination. Any resemblance to the event in the story is just a coincidence.Pwera na lang sa mga nagpahiram ng pangalan. God bless all.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Rylee "SO, ANNOYING!" naiinis kong sambit habang naglalakad sa malawak naming sala. Kanina ko pa kasi tinatawagan si Gino pero hindi niya sinasagot. We have a date tonight, but he's MIA. Gosh! Ako pa talaga ang paghihintayin niya? Me? Isang Rylee Hernandez? Ang kapal ng face niya. Pabagsak akong umupo sa sofa saka muli siyang tinawagan. Last na talaga 'to. Nang mag-ring ang cellphone niya ay matiyaga akong naghintay kahit wala naman talaga akong tiyaga sa katawan. Bawat ring ay ang pagtaas din ng aking kaliwang kilay habang ang mga daliri ko sa kaliwang kamay ay parang nag-pi-piano sa kumpas nito. I crossed my legs. My eyebrows furrowed when I heard again that annoying operator like saying,'The number you have dial—blah, blah, blah! I throw my phone and it hits the center table. I gritted my teeth because of the infuriating feeling I felt right now. "Hala! Sinyoreta, baket n'yo naman senayang ang celphon nimo? Kabebele lang po niyan 'de ba?" Napalingon ako kay Josa—one of our maids. I think she's just my age. Kaya naman kahit paano ay nakakasundo ko siya. But she is still a maid. At kahit na ganyan siya magsalita, I can tolerate naman. I abruptly stood up and walked towards her. The pesky aura is still visible on my face. I can't just calm down. How dare Gino ignore me? Ang kapal ng mukha niya! "Josa, buy me a new phone," I shouted. Nilagpasan ko siya at umakyat sa aming grand staircase na talaga naman kakabugin ang mga malalaking mansion sa television. Nang nasa pangatlong baitang na ako ay nilingon ko si Josa at nakita ko siyang nakatingin pa rin sa cellphone ko na alam ko naman hindi ganoon kalala ang sira. It's an iPhone. Nevertheless, I still want a new one. "Josa!" "Yis-yis sinyoreta," natataranta niyang sagot. Pinaikot ko na lang ang aking mga eyeballs. "I said buy me a new phone, now!" I started to step on my feet again after I said it. Narinig ko pa ang sagot niya na 'yes, yes, senyorita', of course in her own way. "Really annoying!" Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako sa aking silid. I roamed my eyes in my room. It's huge. Of course, the perks of being the only heiress of Hernandez's businesses. Nang magsawa akong pagmasdan ang buong silid ay hinakbang ko ang aking mga paa patungo sa isang pinto kung nasaan ang aking mala-prinsesa na higaan. Yes, my room would be considered a house for poor people. Baka nga kahit ang kwarto ko lang ay sapat na para maging tirahan nila or my bathroom maybe. Hindi ko sila nilalait, I'm just telling the truth, nothing but the truth. With my face still annoyed, I sit on my queen-size bed. I have everything anyone could ask for… but something is missing. Love? No. I believe in love but am not too stupid to be one of those crazy teenagers who think that love can make you happy forever. Napairap ako sa hangin. Forever? There is no forever. Dahil kung mayroon sana kasama pa namin si Mommy. I sigh. I miss her. I miss Mommy. I was too young when cancer took her away from us. Hindi ko pa maintindihan kung bakit o paano? We have money. A lot of money, still, mommy die. Wala rin pa lang kwenta kahit maraming kang pera. You can't buy health, peace, and happiness. Tumayo ako at kinuha ang aking Dior na sling bag na kulay purple. It's one of my favorite colors. Sa edad kong 21 ay masasabi kong maswerte ako not like other who needs to work to go to school or to have something to eat. Marami ang naiinggit sa akin kahit hindi nila alam ang tunay kong pagkatao… All they know is... I am rich. We own the top TV network here in the Philippines. Pero kahit kailan, hindi ako nagkainteres na pasukin ang pag-aartista. Wala akong talento sa pag-acting. Or we could say, ayoko sa magulong mundo. Dahil bored talaga ako ay muli akong lumabas ng silid. Habang pababa ako sa aming grand staircase ay naririnig ko si Josa na may kausap. "Yis. New celpon. Oki, oki. Now na, sinyoreta git angry I well turo-turo you— ay ginoo!" Tili niya nang malakas kong tawagin ang pangalan niya. Nakababa na ako at palapit na sa kanya na mukhang naestatwa na at hindi na gumalaw. "Hey!" Sabay tapik ko sa balikat niya. "Si-sinyoreta, I col shop to dilebir new celpon," sabi niya saka itinaas ang hawak na cellphone. "Do I look blind?" I said with irritation. "Where is my old phone?" "Sandale lang po." I shook my head when she quickly left the landlines unattended. Mukhang nasa kabila pa ang kausap. I boringly get it. "I want my phone at exactly 9 in the evening." I hung up the call without letting the person on the other line answer. Para saan pa, sinabi ko na ang gusto ko. "Sinyoreta, dis is it." Inilahad ni Josa ang cellphone ko na nasa isang malinis na cloth. Kinuha ko ito saka binuksan. Well, bukod sa konting crack ay wala na naman yatang damage. "Where's the driver?" Mabilis na nawala sa harapan ko si Josa. I sigh and then walk towards the two big doors of our mansion. Saktong pagkalabas ko ay naroon na si Kiefer. "Sinyoreta, wir go?" Tiningnan ko si Josa at tinaasan siya ng kilay. Ang bilis niyang itinikom ang bibig. Pumasok na ako sa loob matapos buksan ni Kiefer ang pinto sa passenger seat. "Saan po tayo?" tanong ni Kiefer "Sa Royal Palace." Napatingin ako sa aking cellphone matapos sagutin ang tanong ni Kiefer. Tumaas ang kilay ko nang makita kung sino ang tumatawag. Ang kapal ng mukha! I canceled Gino's call and blocked his number. I also do the same on all my socmed accounts. I won't tolerate his stupidity and make me less of a priority. I clicked my tongue and looked outside. Gabi na naman. At ilang oras lang ay muli na naman sisikat ang araw. Bagong araw, bagong pag-asa. Saan ko nga ba narinig ang napakagasgas na linyahan na 'yon? Nalipat ang atensyon ko nang huminto na ang kotse at bumaba na si Kiefer para pagbuksan ako ng pintuan. Gano'n na ba ako katagal na wala sa sarili? Hindi ako kagaya ng iba na porket tagapagmana ay kailangan na ng bodyguard. Kiefer is enough. Ayokong may sunod nang sunod sa bawat galaw ko at mabuti na lang at hindi na nakipagtalo si Daddy. Kunsabagay, wala rin pala siya magagawa. I love him so much. Nevertheless, I don't like him interfering in my own life and decisions. Nang bumukas ang pinto ay bumaba na ako. "Just stay here or do whatever you want. I will call you once I want to go home," I said, then left him. I know he was used to it. Ilang buwan na ba siyang driver ko. Sa totoo lang siya pa lang ang tumagal. Some of my previous drivers are stupid. Simple instructions they can't understand. Pagpasok ko pa lang sa loob ng Royal Palace ay umikot na agad ang aking mga mata. I'm trying to find a better place for me. Pero tulad pa rin noon. It always occupied kahit na mag-seven pa lang ng gabi. I don't want to get a VIP room. I'm not in the mood, so I walked towards the bar counter and sat. "Good evening. What is your order, pretty girl?" I rolled my eyeballs. "Back off, Brycen. Pero bigyan mo ako ng isang margarita." Natawa naman siya saka ginawa ang order ko. Dahil madalas naman ako tumatambay rito ay halos kilala ko na ang mga empleyado. Brycen is one of the part-timer bartenders here. Aral sa umaga, trabaho sa gabi. At his age, dapat nga graduate na siya. Pero, he's poor. At least he decided to continue his studies. How old was I when I learned how to go to a bar? I think 16 if I remember it well. Daddy's reaction was funny. He fired my driver for allowing me to go to a bar. Sorry for him. It was my fault. Totoo naman na sumusunod lang kasi siya sa utos ko. Btw, it's all in the past na. And I heard that daddy recommended him to his friend. "Here's your margarita, pretty girl. Himala at wala ka sa lungga mo," biro ni Brycen matapos ilapag ang margarita sa harap ko. Itinukod niya ang kanang siko saka ipinatong ang baba sa likod ng palad at tumingin sa akin. "Masama ba tumambay rito?" Taas ang kilay na sagot ko saka kinuha ang margarita. Kinuha ko ang lemon na nakalagay sa rim ng cocktail glass saka sinipsip. Napangiwi ako saka ako sumimsim sa margarita na gawa niya. "You really know what I like," saad ko. "Because I'm the best of all the best." Umayos pa siya ng tayo at ginalaw-galaw ang kilay. Napailing na lang ako at pinalayas na siya sa aking harapan. Natatawa naman siyang umalis dahil may customer na dumating. Tumalikod ako sa may bar counter at sinandal ang likod ko. Hawak-hawak ang margarita sa kanang kamay ko habang ang kaliwa kong kamay ay sumasabay sa indak ng musika. This is my life. I prefer to be alone than have people around me and betray you afterward. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ako na nakatambay sa lugar na 'yon. Nakailang margarita na rin ba ako? "Kaya mo pa?" Pukaw sa akin ni Brycen na may hawak na isang bottle water saka inilapag sa harap ko. Napailing na lang ako. Do I look drunk? "I'm not weak, Brycen. Nakakalimutan mo ba na malakas ang tolerance ko sa alcohol." It was true. Siguro dahil sa nasanay na ako o sadyang malakas lang talaga ang kontrol ko sa sarili. I stopped when I knew I needed to. "I know. If ever you need lang naman." Tinanguan ko lang siya saka tinitigan ang bottle water. Thoughtful. Kinuha ko 'yon saka nagpaalam sa kanya na pupunta lang ako ng rest room. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa restroom ay kitang-kita ko kung paano ako suyurin ng tingin ng mga lalaking nadadaanan ko. Wearing a black crop top with a ruffle and black pants with my black boots tapos tinernuhan ko ng kulay purple na bag. Weird? I don't know. It's my ootd, so the hell I care about them. Pero alam ko naman na hindi lang 'yon ang nakaagaw ng atensyon nila. Of course, men will always be men. I have a fanciable body with a goddess's face. Maayos naman ako nakarating sa banyo nang walang gumagambala sa akin. Not that I like it. Pero, sa ganda kong 'to. Well, I know why. Alam na alam ko ang dahilan. Pero hindi ko sasabihin. I go straight to the middle cubicle to pee. I sighed dramatically. Sobra akong bored sa buhay ko. Nothing new. Dahil katatapos ko lang mag-graduate ay hinayaan muna ako ni Daddy sa gusto kong gawin as long it would not tarnish our name as if I care. Even though I am aware that I am the only heiress to all this wealth. Hindi ko maramdaman na interesado ako. "Ma'am baka mawalan po ako ng work." Natigil ako sa pagmumuni nang may magsalita sa left cubicle. Dahil tapos na rin ako ay hindi ko muna pinindot ang flush button, mamaya na lang. Because my curiosity is on. I got my phone and put it on the recorder. "Huwag kang maingay. Ang boses mo. Gusto mo ba ng pera o ayaw mo," mahina lang ang pagkakasabi no'n pero abot naman sa akin. Mas lalo pa ako lumapit at idinikit ang phone ko sa dingding na pagitan. "Simple lang ang gagawin mo. Put this on his drinks. Then, ako ng bahala. Tingnan ko lang kung hindi pa maging akin si Roux Zamora matapos nitong gagawin ko. Sige na lumabas ka na. Sandali, anong room kasi?" "Vip room 5 nasa dulo po." Pinatay ko na ang recorder saka may sumilay na ngisi sa aking labi. Tutal bored ako, 'di makikipaglaro muna ako. Ang bait ko kaya para isalba kung sino man ang biktima ng obsessed na babaeng 'yon. Obvious naman kasi na obsessed siya para gawin kung ano man ang binabalak niya. That's why I hate that emotion. Nakakasira ng pagkatao. Nang masiguro ko na wala na sila ay pinindot ko na ang flush button saka lumabas. I wash my hands after putting my phone back in my Dior bag. I wash very well. Good hygiene is always a priority, just like me. I winked at my reflection in the mirror after retouching my face. Pakiramdam ko ay bigla akong nagkabuhay. My adrenaline was running too fast. I'm so excited. Nang masiguro kong maayos na ako ay taas ang noo akong lumabas sa banyo bitbit pa rin ang bottle water na hindi ko naman nainom. Hindi ko alam ano ang itsura ng dalawang nag-uusap kaya naman iginala ko ang aking mga mata. I stopped when I saw a waitress coming out from an authorized door. I followed her until she walked towards the stairs. She might be. Mas lumakas ang kutob ko nang may lumapit sa kanya na isang babae. Matangkad, sexy at maganda. Pero mas maganda pa rin ako. Pwede siyang pumasa na isang modelo o baka modelo nga. Matapos nilang mag-usap ay umakyat na ang waitress habang ang babae ay umupo sa isang couch na malapit lang din sa may hagdan. "What are you doing here?" Napakislot ako dahil sa nagsalita at nang sulyapan ko ay si Diva pala. One of the waitresses na magaling mag-English. Sabi ko nga mag-call center agent na lang siya pero boring daw doon. Ewan ko sa kanya at mas gusto pa sa magulong club na 'to. "Nothing. Are you going home?" nagtataka kong tanong. "Oo, may emergency sa bahay, dinala sa hospital si Papa." Tipid niya akong nginitian saka tinanguan para magpaalam. Hinawakan ko siya sa braso na ipinagtaka niya. Mabilis kong binuksan ang Dior kong bag nang bitawan ko siya. Kinuha ang wallet ko. Mabuti na lang at may cash ako, hindi kasi ako mahilig sa cash. Nasa sampung libo rin 'yon. Kinuha ko ang kamay niya saka inilagay ang pera. Bakas ang pagkagulat at pagtataka niya akong tiningnan. "Pay me once you feel so, alis ka na." Ipinagtulakan ko na siya para hindi na siya makaangal. Magsasalita pa sana siya nang talikuran ko na siya. Bumalik ako sa may bar counter at muling umupo sa pwesto ko kanina. Hinanap ng mga mata ko ang babae at nakita ko naman siya. Mabuti at hindi pa siya nakaalis. "Hey, hindi ka pa uuwi?" Sinamaan ko ng tingin si Brycen saka ko ibinalik ang tingin sa babae. "Stop disturbing me." I hissed without looking at him again. Naka-focus kasi ang mga mata ko sa babae. Waiting for her next move. Pakiramdam ko nga isa akong detective in disguise. Masaya pala ang gano'n. "Hindi ko alam na babae na ang gusto mo ngayon?" I ignored him. Then I heard someone call him. Mabuti naman at istorbo sa aking misyon. Lumipat ang tingin ko sa waitress na bumaba. Lumapit siya sa babae at may sinabi saka umalis. Bigla ko naalala ang pangalan na binanggit. Kaya naman kinuha ko ang aking cellphone nang hindi inaalis ang tingin sa babae. "Rox Zamora," mahina kong sambit. Palipat-lipat ang tingin ko sa babae at sa aking cellphone. Napakunot ang aking noo dahil sa lumabas na mga article. Nagtanong pa si Google kung 'yon ba ang hinahanap ko. Dahil ang nakalagay na name ay Roux Zamora. May nadagdag lang na u, hindi rin naman ako sigurado kung iisa lang ba ang tinutukoy ng babae at ang nakikita ko ngayon. He looks old but in fairness, still handsome at his age of 38, not bad. Mabilis kong ibinalik ang cellphone nang makitang paakyat na ang babae sa taas. This is it. Mission: to rescue the old man. Natawa pa ako sa sarili kong kalokohan. Naglakad ako ng normal na para bang wala akong sinusundan. Hindi ko hilig ang pag-acting pero baka naman pwedeng masubukan. There is no harm in trying. Napahinto ako nang lumingon ang babae at inabala ang sarili ko na tila hinahanap ang tamang room. Nang makita kong pumasok na siya sa dulong room ay huminga muna ako nang malalim. "I can do it," pampalakas ko ng loob. Tutal gusto ko ng thrill 'di eto na 'yon. "Looking for something, Miss?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. I saw a man standing behind me. I looked at him with my raised left eyebrow. "It's nothing concerning you." Tinalikuran ko na siya saka tinungo ang huling silid. Mabuti na lang at hindi naman siya sumunod. Nang makatapat ako sa pinto ay ilang beses akong napabuntung-hininga. Talaga bang gagawin ko 'to? Paano kung girlfriend niya 'yong babae? Baka mapahiya ako pero wait… I have evidence that she's planning something against the man's will. Tama lang, nakokonsensya lang ako kaya ko 'to gagawin. Yeah, right. Binuksan ko na ang pinto na mabuti at hindi naman naka-lock at mukhang 'yon naman talaga ang plano ng babae at ng waitress. A scandal. "Uncle, I'm here."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook