Chapter 14 “Ma’am, kamusta?” Si Rena. Kausap ko siya ngayon dahil sa kanya ako kinukumusta ni kuya. Hindi ko matawagan si kuya nitong mga nakaraang araw dahil marami raw itong ginagawa at naiintindihan ko ‘yon. “Okay naman. Sila daddy?” “Okay lang naman sila, ma’am. Wala po kayong dapat ipag-alala.” Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. “Tinatanong ni Sir Franco kung kailan daw po kayo babalik dito?” “Malapit na. I just need to present the proposal to him and to the member of boards para tignan kung maaaprobahan pa nila iyong proposal. I need to convince them.” I just hope that they would say yes para makabalik na ako kasi habang nandito ako, unti-unti akong napapasuko. “Tama ‘yan, ma’am. Pero kamusta naman ang pakikipag-usap sa kanya? No more heartaches na ba tal

