Chapter 15 “TRINA,” malakas na tawag ni Elise. Napatayo ako ng tuwid nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin na seryoso ang mukha. "Hindi ka naman siguro umaasa na babalikan ka ni Zeus diba?" diretso niyang tanong sa akin. Natethreatened na rin pala siya? "Bakit? Threatened ka na ba sa ginawa mong pang-aagaw sa akin sa kanya noon?" balik kong tanong sa kanya. Lalong nanlisik ang mata niya sa galit, dahilan para mapangiti ako. “Layuan mo si Zeus! May anak kami Trina, baka nakakalimutan mo.” Ngumisi ako. Natatakot talaga siya na balikan ako ni Zeus kahit na may anak na sila dahil sa mga nakikita niya ngayon. Dapat lang dahil ako pa rin ang mahal ng lalaking pilit na hinahabol niya. “At hindi rin magtatagal ay makukuha niya rin akong pakasalan hindi katulad nang sa ginaw

